37. Akyat Ligaw #2

106 16 24
                                    

Yona's POV

Andito si Ace, andito rin ang tatlo. Hindi ko naman sila pinapunta rito para makisali sa family bonding namin. Hindi lang yun may kasama pala ang tatlo.

Who is she?

Maganda siya. Mukha nga siyang manika sa ganda eh. Kaya lang mukhang lalaki kung gumalaw o kumilos. Napnsin ko rin ang hawak hawak nito.

"Hyung ano tutunganga nalang ba kayo diyan. Simulan niyo na ang panghaharana." Sabi nung babaeng mukhang manika kay Lance.

Hmm magkamukha sila. Hindi kaya..

"Tsk. Ano Tristan simulan mo na, ikaw naman nakaisip nito dinamay mo pa kami. Naiinip natong little sister ko" Reklamong sabi nitong si Lance.

Oh! Now I know. Sister niya pala.

Nagmumukha silang engot na tatlo. Si Renz pakamot kamot sa ulo. Kinukuto ata. Si Tristan naman mukhang di alam ang gagawin.

Problema ng mga to?

"Andito din ba kayo para umakyat ng ligaw sa kapatid ko? So, tinutoo mo nga ang sinabi samin na liligawan mo kapatid ko? " Tanong sa kanila ni kuya sa kabila ng katahimikan.

Nanatili lang kaming nakamasid sa mga ito. So, totoo pala talagang kinausap niya sila mama about ligaw thingy na yan.

"Opo future brothe-in-law." Sagot naman ni Tristan.

Ewan ko ba pero parang nag init pisngi ko sa sinabi niya kay kuya. Nakita ko naman ang pagtaas ng isang kilay ni kuya. Parang bakla lang eh.

"Sige! Goodluck sayo." Huling sabi ni kuya sa kanya bago lumapit sa amin.

Nagsimula naring silang magpatugtog. Sinimulan naring kumanta ni Tristan.

Sa'yo by silent sanctuary

Minsan oo, minsan hindi
Umaabante, umaatras
Kilos mong namimintas

Kung tunay nga ang pag ibig mo
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo

Tumingin saking mata
Magtapat ng nadarama
Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigan ka
Kung maging tayo
Sayo lang ang puso ko

Walang ibang tatanggapin
Ikaw at ikaw parin
May gulo ba sayong isipan
Di tugma sa nararamdaman
Kung tunay nga ang pag ibig mo

Tumingin saking mata
Magtapat ng nadarama
Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigan ka
Kung maging tayo
Sayo lang ang puso ko.

Grabe ang ganda talaga ng boses niya.

Matapos niyang kumanta kinuha niya ang hawak hawak ng kapatid ni Lance at lumapit sakin.

"For you." Nakangiti pa niyang sabi sa akin habang inaabot ang stuff toy na monkey na nakabusangot. Weird niya talaga!

Sa daming pwedeng ibigay ito pa talaga. Okay na sana kaya lang nadidistract ako sa unggoy na nakasimangot.

Inabot ko nalang ang bigay niya. Pagkakuha ko ng inabot niya sakin, nagulat ako ng hawakan niya kaliwang kamay ko at hinalikan ito.

Nakaramdam ako nagpapainit ng pisngi sa ginawa niya.

Napapitlag ako ng tumili si Tanya at mama. Ay grabe pati si mama tumili. Kinikilig din pala ang mga tulad ni mama na may edad na.

Nilipatan ni Tj sila mama at nagmano. Naks gentleman ang putcha! If I know pakitang tao lang yan.

Hate You? Or Love You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon