31. Someone is Jelly!

73 16 10
                                    

Yona's POV

"Isa kang manhid!" Yan lang naman ang isinagot nila sa tanong ko.

"Naman. Hindi ko kayo maintindihan. Can anyone tell me kung anong nangyari sa lalaking yun at bigla bigla nagwalk out?" Sa inis ko tinaasan ko na sila ng boses. Wala na ako paki kung masa canteen pa kami.

"If you want to know then follow him. Lumayas ka na sa harap namin at siya tanungin mo. Haay ewan ko sa inyong dalawa. Pareho kayong mahirap spellingin." Kakamot kamot pa sa batok itong si Tanya matapos akong magwala dito sa canteen. Magwala talaga? Exaggerated masyado hehe.

Sa inis ko sa kanila iniwan ko na sila. Patakbo akong sumunod kay Tristan. Ang bilis nga niyang maglakad eh. Alam ko kung saan yun papunta. Wala namang ibang lugar na pinupuntahan yun. Kung pano ko nalaman? Akin nalang yun nyahaha.

Malapit ko na siyanb maabutan ng mdapa naman ako bigla. Kunti konti nalang maabutan ko na siya.

"Aray! Huhu teng-ineng daan to pahamak naman oh!" Kung kailan ka naman tumanda tsaka ka naman nadapa. Ampupu.

"Napaka stupid mo talaga. Sino naman may sabi sayong magtatakbo ka? Ano? May balak ka bang sumali sa olympic bilang isang magiting ma runner?" Ang putek nasa harap ko na ang loko at talagang sinermunan pa ako.

"Kung tulungan mo kaya akong makatayo. Grabe ako na nga nadapa ako pa sinermunan nito." Reklamo ko sa kanya. Nasugatan pa ata ako sa tuhod. Kung di ka naman isang tanga.

"Natuto kang nadapa, matuto ka ring bumangon sa pagkakadapa." Wow san niya nakuha ang ganyang kasabihan. Ganda grabe.

Tumayo nalang ako pero dahil sa hapdi at kirot ng sugat ko napangiwi ako. Muntikan pa ulit akong matumba. Naramdaman ko nalang na may kamay ang humawak sa bewang ko.

"Tsh. Napakaclumsy kasi." Inalalayan nalang niya ako papasok sa loob. Pinaupo niya ako sa sofa. Andito na naman ako sa tambayan nila.

Iniwan niya akong nakupo sa sofa. Tila may kinukuha ito sa isang kabinet. Pagbalik niya may dala na itong firat aid kit.

Tumbi ito sa akin at kinuha ng sabay ang dalawa kong paa at ipinatong ito sa may hita niya.

Nakaramdam naman ako ng hiya sa ginawa niya.

"Ah, Tristan ako na. Kaya ko naman mag isa eh." oinlit kong iniaabot ang aid sa kanya.

"Shut up." Maikli lang sinabi niya pero nanginig naman ako sa takot sa sigaw niya. Grabe may pagkahalimaw talaga ang hito nato. Hito na halimaw pa.

Pinagmasdan ko lang siya habang ginagamot ako. Ang sarap isipin na ang taong mahal mo nagcacare sayo.

Napabuntong hininga nalang ako sa iniisip ko. Malabong magkagusto din siya sa tulad ko. Alam ko naman na wala akong panama sa ex niya. Nung araw na nagreveal siya sakin isa lang ang napagtanto ko.

"Mahal niya parin ang ex niya"

Isa pa uling buntong hininga ang pinakawalan ko.

"Kanina ka pa buntong ng buntong diyan. Ano na naman ang pinuproblema mo?" Gulat ako ng bigla itong magsalita. Napansin ko rin na tapos na ito sa paggamot sakin pero ung paa ko nanatili parin sa mga hita niya.

Dahil sa hiya dahan dahan kong inalis ang paa ko sa hita niya.

"Thank you. Thank you sa paggamot sakin." Pagpapasalamat ko sa kanya ng hindi tumitingin sa kanya.

"Anong salamat? Hindi ako tumatanggap ng pasalamat lang." This time napatingin na ako sa kanya. Salubong ang mga kilay ko sa sinasabi niya.

"What do you mean?" Kabang tanong ko.

Hate You? Or Love You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon