29. Watch me! Cheer with me!

84 19 42
                                    

Yona's POV

Hanggang ngayon hindi ko parin maalis sa isip ko ang nangyari kahapon sa pagitan namin ni Tristan.

He revealed about his past yesterday. Hindi ko inaasahan na ganun pala ang pinagdadaanan ng lokong yun. Akalain niyo yun may ganun siyang past at sobra siyang nasasaktan dahil until now she still into her. Hay maloloka ako.

Isa pa sa hindi ko maintindihan ay ang mangako daw ako sa kanya na huwag ko raw siya iwan. Grabe talaga naloka ako dun, hindi ko talaga malaman ano ba gusto niya mangyari. Basta nalang ako mangangako sa lalaking yun  na wala naman akong idea bakit ko gagawin yun.

'Hayst letse. Pinapahirapan ako ng hitong yun. Kainis talaga.'

Nagpagulong gulong ako sa ibabaw ng kama. Dumapa ako. Isa pa sa ayaw maalis sa isip ko ay ang halik niya. Lagi nalang niya ako ninanakawan ng halik. Ang mas nakakainis pa wala man lang ako magawa. Nafofrozen nalang kasi ako bigla.

"Hoy, para kang nakawala sa mental ah. Problema mo baby girl?" Napabalikwas ako ng bangon ng bigla sumulpot si Kuya Wayne sa kwarto ko.

Umayos ako ng upo sa kama. Pinagmamasdan lang ako nito na nakatayo sa harap ko. Nakacross arms pa siya.

Bumuga muna ako ng hangin at tumingin ng seryoso sa kanya.

"Kuya can we talk. May mga bagay lang akong gustong malaman?" Seryoso kong sabi sa kanya.

"Aba mukhang seriuos talk ata mangyayari satin ah. Sige I'll listen." Sabi niya sabay upo sa kama ko.

Huminga muna ako bago nagsalita.

"Kuya have you been in love?" Seryosong tanongnko sa kanya. Kita ko sa mukha niya ang pagkabigla. Di niya siguro inaasahan na yun ang itatanong ko.

"Teka, inlove ka ba at ganyan ang tinatanong mo sakin?" Ganting tanong niya sakin. Ako na unang nagtanong tapos babatuhin ka rin ng tanong. Ayos to!.

"Kuya naman! Ako nauna magtanong sayo eh. Sagutin mo nalang pwede?" Pagtataray ko sa kanya.

"In my case, yes. Nainlove na ako pero matagal na akong single sis. Bakit may iirito ka ba sakin?" Nakuha pang magbiro nito.

Oh mga pips single po kuya ko. Gwapo yan kala niyo. Kaya apply na kayo sa kuya ko.

"Wala akong mairirito sayo. Ahm kuya ano ba mga signs kapag inlove ka?" Tanong kong muli sa kanya.

"Hmm ano nga ba? Lage siyang nasa isip mo. Bigla kang napapangiti kahit sa konting gestures niya o kaya naman kahit sa maliit na bagay na ginagawa niya napapangiti ka. Kinakabahan ka kapag malapit siya sayo. Minsan kahit naiinis ka sa kanya dahil may ginawa siyang hindi mo ikinatutuwa, sa isang ngiti lang niya burado lahat ng inis na nararamdaman mo. Minsan naman natutulala ka nalang bigla. In short wala ka sa sarili mo."

'Shit lahat ng yan nararamdaman ko.'

"Ah ganun ba kuya?" Natatawa ko pang sabi. Ayokong ipahalata sa kanya na lahat ng sinabi niya sinapol ako. Langya.

"Teka, hindi mo pa sinasagot tanong ko. Inlove ka na ba ha kaya ganyan tanong mo sakin?" Ang kulit talaga ni kuya.

"Huwag ka magalit sakin okay. Dalaga na kasi kapatid mo. And yes my dear brother I'm totally inlove." Tsaka ko siya tinulak tulak palabas ng pinto. Naririnig ko pa nga na tinatawagnniya ng paulit ulit ang pangalan ko.

'Tsaka na tayo ulit mag usap kuya. Sa ngayon nagpapasalamat ako dahil I just realized something about my true feelings towards him.'

Naramdaman ko ang biglang pagvibrate ng cp ko.
Baka isa kila Kyla ang nagtext.

Hate You? Or Love You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon