39. She's Back

61 7 5
                                    

Tristan's POV

What the? Kailan pa nakabalik ang babaeng to dito sa Pilipinas?

Tanong ko sa isipan ko. Nagulat talaga ako sa pagsulpot niya sa harapan ko. Napansin ko rin na ibang iba na siya sa Hanylet na nakilala ko noon.

Ang dating Hanylet na kilala ko, simple lang. Simple kung magmake up. Simple kong manamit pero ngayon, she's totally changed. Asan na yung Hanylet na minahal at hinangaan ko noon.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.

"Are you not happy baby that I'm already here. I'm back for good!" Sabi biya sabay yakap na naman sa akin.

Medyo tinulak ko siya ng mahina. Anong sinasabi niyang she's back for good?

"What do you mean?" Tanong ko ulit sa kanya.

Nagpout naman ito sa harap ko at nagcrossed arm.

"Bumalik ako rito for you. I missed you baby." Paglalambing pa niyang sabi sa akin.

Nagpapatawa ba siya? After what she did? Ganun ganun lang kadali sa kanya kalimutan lahat ng sakit na dinulot niya.

Tapos, sasabihin niya bumalik siya para sa akin? Napapailing nalang ako sa mga pinagsasabi niya.

"Don't fool me Hanylet. Alam mo kung ano ginawa mo after two years." Medyo pagalit kong sabi sa kanya.

Oo, two years na ang nakalipas mula ng malaman kung naging sila ng pinsan ko. Lihim nila akong niloko. Wala akong kaalam alam na pareho na pala nila akong ginagago.

Kaya huwag niyang masabi sabi sa akin na gusto niyang bumalik sa akin. Ano kala niya sa akin? Sa amin ng pinsan ko? laruan? Na kapag nagsawa sa isa babalik naman sa isa pa.

"Please Jake! Give me a chance. I just realized na ikaw parin  ang mahal ko!" Pagmamakaawa pa niya sa akin. Tinangka pa niyang hawakan kamay ko pero iniwas ko kagad kamay ko sa kanya.

"Please! Pag usapan naman natin to Jake!" Pagpapatuloy parin niya.

"Wala na tayong dapat pang pag usapan!" Malamig kong sabi sa kanya. Tsaka ko siya tinalikuran.

Nagulat pa ako ng makita ko sa may bandang pintuan na katayo sila Yona, Lance at Renz. Pareho silang nakatitig sa akin.

Umiwas ako ng tingin sa kanila tsaka nagpatuloy pumasok sa loob ng room. Wala sa loob na pinasak ko sa tenga ang earphone at nakinig ng mga playlists sa phone ko.

-----

Renzo's  POV

Ikinagulat talaga namin ni Lance ang biglaang pagsulpot ni Hanylet. Ang alam namin nasa Australia na siya kasama ang pinsan ni Tristan.

Ewan ko ba sa babaeng yun at nagawa pa talagang lokohin si Tristan. Sumama pa talaga siya sa pinsan nito para doon din mag aral.

Tapos, heto at sasabihin niyang gusto niyang bumalik kay Tristan? Nagpapatawa ba siya? Kasi kung oo, hindi nakakatuwa ang ginagawa niya ngayon.

Ngayon pa siya eeksena kung kailan may namumuo ng pagmahahal itong si Tristan para kay Yona.

Hindi man sabihin ni Tristan ang totoo niyang nararamdam para kay Yona, ramdam ko at ni Lance na mahal na niya si Yona.

Napatingin naman ako kay Yona na halatang naguguluhan sa nangyayari. Di rin nakaligtas sa akin na medyo nasaktan siya ng makita niyang niyayakap ni Hanylet kanina si Tristan.

Narinig niya rin siguro lahat ng pinag usapan nilang dalawa. Actually, hindi lang siya ang nakarinig kundi buong kaklase namin. Eh nag eksena ba naman dito sa tapat ng room namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hate You? Or Love You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon