30. Volleyball: Carol vs. Yona

80 18 31
                                    

Carol's POV

HELL..o there! Haha. You know me already right readers? So, no need to introduce myself to you. I don't have time for that.

Anyway, alam niyo naman di ba na ayoko sa lahat eh yung kinakalaban ako. Unang araw palang na magkaharap kami ng tatlong panget na yun, mabigat na ang loob ko sa kanila most especially to that flirt. Si Yona. Kaya ngayon humanda talaga ang Yona Marie na yan. Marami na siyang atraso sakin. Inaagaw niya rin sakin ang ibang bagay na dapat ako lang ang nag eexcell sa lahat. Tulad ng nangyari sa audition halos lahat sa kanya natutuwa.

Ang mas higit na nakakainis, pati ang H3 nasusulot narin niya sakin lalo na si Tj. Halos hindi ako makalapit sa H3 dahil sa mga panget na yun. Kung bakit kasi sa kanila pa sumasama-sama ang H3, eh ang checheap naman nila.

Dapat sa mga tulad namin nakikihalubilo ang H3 hindi sa mga mukhang muchacha.

Ngayon nalaman ko pang pasok ang dalawa sa semi final ng dance competition. Paano ko nalaman? Well, pinost na ang result. Kaasar lang talaga.

Kaya ngayon palang I need to do something. Something na makakapagpatalo sa kanya.

Makakalaban ko nga pala siya sa volleyball. Sa ibang team ako sumali. Sinadya ko yun para makalaban ang babaeng yun.

Andito na lahat ng mga players sa loob ng gym. Dito gaganapin ang volleyball at iba pang sports gaya ng table tennis, badminton and basketball.

Kita ko sa kabilang dulo ng gym ang team nila Yona kasama na naman ang H3 maliban kay Tj na hindi ko pa nakikita mula pa kanina.

Maya pa ay pumito na ang referee, hudyat na magsisimula na ang laro.

"Let's see kung sino ang magaling satin ms. Fuentes. I'll make sure na itutumba kita. Ipamumukha ko sayo na mali ang kinakalaban mo. Siguraduhin kong mapapahiya ka sa karamihan at lalo kong sisiguraduhing hindi mapapasayo si Tj."

*******

Yona's POV

"Oh girls get ready and please, let's just enjoy this play okay! Give your best and make us proud." Sabi sa amin ni coach.

Handa na kaming lahat para sa larong ito pero pakiramdam ko may kulang sakin. I feel empty today. Sa iisang tao lang ang dahilan bakit ako ngayon nakakaramdam ng ganito.

Hanggang ngayon kasi hindi ko parin siya nakikita. Hindi naman kasama nila Lance ang lalaking yun papunta rito.

'Where is he? '

Kahapon at kagabi lang nagsabi siyang manonood sa laro namin. Tapos wala naman pala siya.

Tinawag na ang first 6 na maglalaro. Isa na kami doon ni Kyla. Ako at si Kyla ang kasali sa larong volleyball samantalang si Tanya ayon taga suporta ang peg. Hindi daw mahilig maglaro ng volleyball eh. Ewan ko ba sa kanya.

Nasa gitna na na kami pero pakiramdam ko wala ako sa mood mag laro.

'Hayst what's wrong with me? Hindi lang siya nakarating para manood nagkakaganito na ako.'

Isa lang tawag diyan assumera ako.

Asa pa akong manonood yun at suportahan ako. Wala lang naman sa kanya mga ginagawa ko eh. Okay ako na OA. Kasi naman nasanay na akong lagi siyang andiyan.

Maya pa ay nagsimula na kaming maglaro. Kalaban namin si Carol. Kanina ko pa napapansin ang pangiti ngiti niya samin. Nagmumukha na nga siyang engot. Ang creepy pa ng pagmumukha.
Hindi ko nalang siya pinansin at tinuon ko nalang sa paglalaro ang lahat.

Pero kahit anong gawin ko para akong wala sa sarili.

"Best ayos ka lang ba? Parang ang tamlay mo?" Tanong sakin ni Kyla. Napansin narin nito ang pananamlay ko.

Hate You? Or Love You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon