JHO POV
Hingal na hingal na 'ko pero hanggang ngayon ay tumatakbo parin kami ni bea. Take note nakahigh heels and skirt pa 'ko. Parang bibigay na nga yung mga binti ko sa kakatakbo.
"Sorry!" Sigaw n'ya sa mga nakakabangga namin. Tangay na tangay n'ya na 'ko. Hindi ko alam kung bakit ba kami tumatakbo.
Medyo Malayo na kami sa airport. Buti nalang at dala ko yung gamit ko. Ang hirap kayang balikan ang bagay na iniwan mo na.
"Bea hinihingal na 'ko." Reklamo ko sa kanya. Pumunta kami sa isang eskinita doon kami tumigil at nagtago. Luminga linga pa si Bea sa paligid. Pero mukhang hindi na kami naabutan nung humahabol sa kanya.
Nakangiti s'yang tumingin sa'kin at pawis na pawis. Ang hot n'ya po promise. Kumuha ako ng panyo at inabot sa kanya. Hindi ko naman s'ya pupunasan ng pawis no. Ano s'ya sinuswerte? Edi wow.
"Hoo! Muntik na 'yun ha." Sabi n'ya habang nagpupunas ng pawis. Bakit nagpupunas Lang s'ya ng pawis ang attractive n'ya parin? Hustisya naman oh. Matawag nga si themis. Ang goddess ng Law, justice and order para mahanap ko na yung hustisya sa kagwapuhan ni'tong nasa harap ko.
"Salamat." Sabi n'ya saka inabot sa'kin yung panyo ko. Agad ko naman binulsa 'yon.
"Sino ba kasi yung hinahabol sa'yo?" Tanong ko pero medyo hingal pa.
"Stalker." Sabi n'ya na tila nahihiya pa. Kumakamot na naman s'ya kasi ng batok. Napanganga naman ako sa sinabi n'ya. Grabe, stalker talaga?
"Talaga? Hanggang airport nasundan ka n'ya?" Tanong ko.
"Ewan. Baka nagkataon lang na andun s'ya sa airport." Paliwanag n'ya may possibility ngang nagkataon lang.
"Ilang taon ka ng iniistalk n'on?"
Tila napaisip naman s'ya sa tanong ko kasi yung mata n'ya tumingin sa taas. "Mga 3 years ago na rin. Nung una okay pa s'ya. Naging kaibigan ko pa kaso umabot sa point na sobrang clingy n'ya hanggang sa nailang na 'ko." Habang nagsasalita s'ya ay hinawakan n'ya yung kamay ko at nagsimula na kaming maglakad. Walking under the moonlight and nightsky is one of the most indemand thing that i wanna experience. Now, that i experiencing it. I feel the happiness in my system. Can i slow down this moment?
"Nakikinig ka pa ba?" Pagkasabi n'ya non ay agad akong napatingin sa kanya at napangiti ng awkward. Hindi ko na kasi nasundan yung kinukwento n'ya.
"Sorry." Sagot ko. Pero imbis na mainis s'ya dahil hindi ako nakikinig ay ngumiti lang s'ya. "Ayos lang. Okay lang ba sa'yo ang maglakad lakad muna tayo?"
Tumango tango naman ako. "Ang saya nga e. Tsaka ang saya maglakad tuwing gabi. Tahimik lang, wala masyadong usok, wala masyadong tao. Ramdam ko yung peace of mind." Sagot ko.
Tumingala naman s'ya at tumingin sa mga stars.
"Alam mo bang gustong gusto yung mga bituin?" out of nowhere n'yang sabi.
Tumingala rin Ako. Nakatingala kami habang naglalakad.
"Bakit mo gusto ang mga stars?" Tanong ko.
"Nagbibigay liwanag kasi sila sa'tin. Kung moon lang yung meron parang kulang. Kulang yung liwanag." seryoso n'yang sabi. Bakit parang iba yung tono ng pananalita n'ya nung sinabi n'ya yung word na 'kulang.'? Parang may something. Hindi ko maintindihan kung pain ba yun o kalungkutan. Basta ang alam ko, kakaiba.
"Ganun ba? Ako kasi mas gusto ko yung moon. Sa lakas kasi ng liwanag na binibigay n'ya parang sinasabi narin ng moon na 'i'll be the light when someone is hopeless.'" paliwanag ko sa kanya.
Bumalik na yung tingin naming dalawa sa daan. Nakita ko sa gilid ng paningin ko na nakangiti s'ya.
"Ang lalim naman ng explanasyon mo sa moon." Narinig kong sabi n'ya. Napakakumportable talaga s'ya kausap. Magaan lang yung presensya n'ya. Kaya hindi na 'ko nagtaka kung may humahabol sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'll Never Go (JhoBea)
FanfictionHighest Rank #23 in Fanfiction 2016 JhoBea FanFiction para mas lalo tayong humopia :D