JHO POV
"One for you, and one for me." Nakangiting sabi ni Bea habang inaabot sa'kin 'yung frappe ko.
JHOBEA
Napangiti ako sa nakalagay do'n sa lagayan ng frappe. Lakas talaga magpakilig ni'tong babaeng 'to.
"Sa'yo? Anong nakalagay?" Tanong ko sa kanya habang sinisilip kung ano 'yung nakalagay sa kanya.
Hinarap niya sa'kin 'yung frappe niya. Napakunot naman ako ng Noo sa nakita ko.
"F'(a) = f(a+h) - f(a) over H?" Halos mabulol bulol na sabi ko.
Nakangiti namang tumango tango siya.
"Bakit 'yan?"
Hindi siya sumagot pero Pinagtabi niya yung dalawang frappe namin.
JHOBEA F'(a) = f(a+h) - f(a) over H.
Hindi ko parin maintindihan kaya naman tinignan ko siya ng nagtataka.
"Meaning nung formula na 'yan ay Infinity. Kaya naman kapag pinagsama sama 'yung pangalan na'tin pati 'yang formula na 'yan ang mabubuong sentence ay 'JhoBea Infinity' . I used to hope Infinity rather that to a forever . You know? I'm a huge believer of stars and galaxy." Pagpapaliwanag niya. Jusko, 'yung puso ko nagwawala na naman.
Umaatake na naman 'yung pagiging witty niya. Mas naiinlove tuloy ako.
"Ang dami mo talagang alam. Saan mo ba nakukuha 'yung mga ganyan ha?" Humigop na ako ng frappe ko. Hays, Heaven 'yung feeling.
"Wala naman, bigla ko nalang naiisip yung mga ganyan e." Sagot niya. Kaya naman tumango tango ako bilang sagot.
"Uy Jho ang puti oh!" Turo niya do'n sa babaeng maputi na hindi naman maganda. Oo hindi talaga maganda promise. Leche.
"Edi dun ka na." Poker face kong sabi sa kanya.
Tumawa naman siya ng mahina bago nagsalita. "Natuwa lang ako kasi maputi siya. Lagi kasing itim 'yung nakikita ko e."
Walang pakundangan na binato ko siya ng cellphone ko dahil 'yun agad ang nahawakan ko. Ang lakas kasi mang asar. Porket maitim ako dapat nang apihin ang kagandahan ko? Nevah.
"Leche, Kahit Maitim ako maganda parin ako. Hindi ko kailangan maging maputi para maging pansinin."
"Maitim ka ba talaga Jho? Alam mo kasi magkaiba ang Maitim sa malibag." Natatawa niyang sabi habang inaabot sa'kin 'yung cellphone ko na tumama sa dibdib niya kanina.
Akmang ibabato ko sa kanya 'yung iniinom ko pero agad siyang napayuko para umiwas.
Ang epic. Akala niya itutuloy ko.
"Jho naman, binibiro ka lang e. Wag mo ako tatapunan ng ganyan. Malagkit. Malagkit na nga tingin sa'kin ng mga tao dadagdagan mo pa?" Nakasmirk niyang sabi kaya naman mas sinamaan ko siya ng tingin.
Pero sa totoo lang, isa sa mga nagustuhan ko sa kanya yung pagiging mahangin niya. Ay? Parang lahat naman ata sa kanya gusto ko. Perfect na siya e. Perfect na siya para sa'kin.
Okay, ang assuming ko.
"Bea tigil tigilan mo ako sa pagiging mahangin mo ha. Pepeltukan kita,"
Dahil abnormal siya, imbes na matakot at tumawa pa.
Bakit ang cute cute niya kapag natawa? Kahit nakasimangot tuloy ako bigla akong napangiti.
"Uyy, ngumiti na siya. Hindi na siya galit." Panunukso niya pa.
"Leche,"
Pagkatapos namin do'n sa Tea shop ay nag-ikot ikot lang kami sa mall. Kada mapapatingin siya sa mga babae ay sinisiko ko siya. Kahit minsan hindi naman talaga niya sinasadya na mapatingin. Pero ang mahalaga tumingin parin siya. Tsk.
BINABASA MO ANG
I'll Never Go (JhoBea)
Fiksi PenggemarHighest Rank #23 in Fanfiction 2016 JhoBea FanFiction para mas lalo tayong humopia :D