Chapter 20

7.9K 161 83
                                    

JHO POV

"IKAW?!" Gulat kong sabi sa taong nakikita ko ngayon na nakangisi.

Naiirita ako kapag nakikita ko ang mukha niya.

"The one and only," Nakataas pa ang dalawang kamay niya pagkasabi niya no'n.

"Bakit ka nandito? Tsaka pa'no mo nalaman 'yung address ko? Stalker kita no?" Sunod sunod kong sabi sa kanya.

"Woah. Calm down Miss Maraguinot. I'm here for this." Nanlaki yung mga mata ko sa pinakita niya. ID ko 'yun ha.

Tinangka kong agawin 'yung ID ko pero agad niya 'yun iniwas. Dahil mas matangkad siya sa'kin ay hindi ko maabot yung ID ko kapag tinataas niya.

"Akala ko ba nandito ka para isoli sa'kin 'yan? Bakit ayaw mo pa ibigay?" Nakapamewang na sabi ko sa kanya.

Mas ngumisi tuloy siya sa'kin at tila nag eenjoy sa nakikita niya.

"Hindi mo manlang ba ako papapasukin? Bisita ako ha." Naparoll eyes naman ako sa sinabi niya.

"Duh, ni hindi nga kilala. O kahit pangalan mo lang e." Reklamo Ko sa kanya.

"So interesado ka malaman ang pangalan ko? Okay pagbibigyan kita. Malakas ka kaya sa'kin. I'm Majoy Baron." Nakasmirk na sabi niya. I looked her in a disbelief way. Grabe ang kakapalan ng mukha ni'tong mokong na 'to.

"Wala akong pake. Lumayas ka na nga. Iwan mo 'yung ID ko." sabi ko saka inagaw na naman 'yung ID ko sa kanya.

"No. Ayoko nga, Papasukin mo muna ako. And offered me a drink."

"Dinaig mo pa ang dictionary sa kakapalan ng mukha mo." Sagot ko sa kanya.

"Ikaw ang bahala. Edi akin nalang 'tong ID mo. Ayaw mo akong sundin e." Pagbabanta niya.

Pinangningkitan ko siya ng mata sa sobrang inis ko sa kanya.

Naalala ko tuloy 'yung unang araw na nagkita kami.

FLASHBACK

Excited na akong umuwi kaya naman nagmamadali akong naglalakad habang may hinahalungkat sa bag ko.

Nasaan na ba kasi 'yung wallet ko? Dito ko lang nilagay 'yun kasabay ng ID Ko ha.

At dahil hindi ako Tumitingin sa dinadaanan ko ay nagulat nalang ako dahil may nabangga na pala ako. Sa lakas ng Impact ay agad akong napaupo sa sahig.

Aray. Ang sakit sa pwet no'n ha.

"Hindi kasi tumitingin sa daanan. Tsk." Rinig kong sabi nung nakabangga ko.

Agad naman akong nainis dahil hindi ko naman sinasadya 'yung nangyari. Sino ba naman ang may gusto na may makabangga di ba?

Nakita kong nakakalat sa sahig 'yung mga gamit ko kaya naman agad kong pinulot 'yung mga 'yun. At sa kinasamaang palad hindi manlang ako tinulungan nung nakabangga ko.

Nakatayo lang siya sa harap ko at ramdam kong tinititigan niya ako ngayon.

Nakakainis naman oh. Nang mapulot ko na yung mga gamit ko, agad ako tumayo at naglakad papalayo sa kanya.

Naramdaman kong hinawakan nung babaeng nakabangga ko 'yung braso ko.

Maang na tinignan ko siya. Problema niya?

"Hindi ka manlang ba magsosorry?" Agad namang napaawang ang bibig ko sa Sinabi niya. Kaya naman pala hindi pa siya umaalis sa kinakatayuan niya kanina kasi hinihintay niya na magsorry ako.

Napaantipaka naman pala nitong babaeng 'to.

"Excuse me? Hindi ko naman sinasadya 'yun ha." Pag rereason out ko sa kanya dahil ayoko magsorry sa katulad niya.

I'll Never Go (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon