BEA'S POV
After five days ..
"Sa tingin mo pupunta siya?" Kabang tanong ko kay EJ. Sobra na akong kinakabahan dahil simula nung araw na tinext ko siya ay hindi parin siya nagrereply.
ibubuka palang sana ni EJ ang bibig niya ng magsalita ulit ako,
"Sa tingin mo nabasa niya 'yung text ko sa kanya? Paano kung hindi? O kaya naman nabasa niya nga pero----"
"Kalma ka nga bro. Sa tingin ko naman nabasa niya 'yung text mo dahil marunong naman siya magbasa. Hindi naman siya magiging flight attendant kung hindi di ba? Hmm, kung pupunta ba siya? Tanging siya lang ang nakakaalam nun bro. Bukas mo pa malalaman ang sagot sa katanungan mo. So stop asking me kasi wala akong mabibigay na tamang sagot. Puro hula lang. Una dahil ako si EJ at hindi si Jho, pangalawa Lakas makaplay safe ng sinabi mo sa kaniya bro. Bakit ba ang gago mo?" Naks naman. Napakadirect to the point naman ng bestfriend ko.
"Alam kong gago ako pero may goals kasi ako sa buhay." Simpleng sagot ko sa kaniya.
"Edi ang tawag do'n Gagoals?" Pagkasabi niya no'n ay agad ko siyang binatukan.
"Minsan wala ka rin talagang masabing tama." Nakasimangot na sabi ko sa kaniya.
"Grabe siya. Nga pala, may plano ka ba bukas? Ang kapal naman ng mukha mo kung pupunta siya tapos wala kang surprise?" Takang tanong niya sa'kin.
"Kapal talaga ng mukha 'yung term? Tss. Syempre meron."
"Good. Last question, handa ka na ba sa mangyayari bukas? Kahit anong mangyari you have to face the consequences."
"Kahit anong ready ko naman sa mangyayari kapag nangyari na hindi ko mapipigilan ang damdamin ko."
"Sabagay. Tara pag usapan na natin 'yung surprise mo para sa kaniya. Siguraduhin mong maganda 'yan ha. Jho deserved better."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Yeah, tama siya. Jho deserved better that's why I deserved her.
Ilang oras din naming pinag usapan 'yung surprise at pati na rin kung anobg oras papatulugin si Kianna para hindi naman siya maging sagabal sa plano.
Nakatulog ako ngayon ng mahimbing dahil naging positive thinker ako. Alam kong pupunta si Jhoana. Mahal niya ako. At hindi niya ako kayang tiisin.
Pagkagising ko, saktong nagpaalam si Kianna na dadalaw muna daw siya sa mga kaibigan niya. Saktong sakto dahil kailangan kong magprepare para mamaya.
"Baby, I love you." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
"Love you too." Sagot ko nalang. Wala namang 'I' 'yung i love you ko sa kaniya dahil hindi ko na talaga siya mahal.
Pagkaalis ni Kianna ay nag ayos na ako at kinulit na si EJ na samahan ako. At dahil malakas ako sa kaniya, ayun kasama ko siya ngayon.
Sobrang hyper ako ngayon at sobrang saya. Sinisiksik ko talaga sa utak ko na pupunta si Jho at mahal na mahal niya ako.
"Masyado atang kampante ang tropa ko ha. Kapag hindi pumunta si Jho panigurado iyak ka." Natatawang sabi ni EJ habang hinihintay namin 'yung pinapaprint ko.
Agad ko naman siyang siniko dahil baka magkatotoo 'yung sinabi niya.
Wag naman sana.
"Tss. Hindi na nga ako kinakabahan dahil iniisip ko lang ang positive thoughts tapos 'yan ang sasabihin mo. Kung sapakin kaya kita ngayon?" Banta ko sa kaniya.
"Eto naman, Niloloko lang kita. Kitang kita ko kasi ang excitement sa mata mo. Pero payo lang bro, hindi natin control ang magyayari, kaya naman Expect the unexpected and Think for the worst thing."
BINABASA MO ANG
I'll Never Go (JhoBea)
FanfictionHighest Rank #23 in Fanfiction 2016 JhoBea FanFiction para mas lalo tayong humopia :D