Chapter 9

8.3K 181 20
                                    

BEA POV

"Bro, may papakilala ako sa'yo. Chixx 'to pero bawal Taluhin. Masungit. Hindi ka uubra." Sabi ng bestfriend kong si Ennajie.

Nasa birthday niya kami ngayon.

"Kelan pa walang umubra sa'kin?" Pagmamayabang ko sa kanya. May pagkahappy Go lucky ako. Well, Im just first year college. Wala pang stress na natatanggap sa buhay bukod sa mga exams at profs.

"Ang yabang mo talaga. Pero hintayin mo, padating na 'yun sabi n'ya on the way na daw siya." Sabi niya habang natingin sa relos n'ya.

Tumungga naman ako ng alak na nasa bote pa.

Kahit na alam kong may pasok pa bukas ay magpapakalasing ako. Wala namang may pake. At walang magkakapake.

"Alam mo EJ, mag enjoy ka muna. Mamaya mo na isipin 'yung ipapakilala mo sa'kin. Wala pa naman s'ya." Sabi ko saka tumingin sa paligid. Ang daming tao halos lahat schoolmates lang namin pero syempre konti lang 'yung kilala namin sa kanila.

Alam n'yo naman, Kapag nag invite ka ng isa, mag iinvite din 'yung ininvite mo tapos mag iinvite pa 'yun hanggang sa dumami na. Tapos hindi mo na kilala 'yung pupunta.

"Ikaw, Easyhan mo lang 'yang pag inom. May pasok ka pa bukas. May exam daw kayo ha!"

Napangiwi naman ako sa kanya. Seriously?

"Hanep ka naman EJ. We're in the middle of your party tapos 'yan ang sasabihin mo? Wag kang mamoblema. Kaya ko lahat," Saka uminom ulit.

Umiling iling naman siya sa sinabe ko.

"Ennajie, Happy birthday!" Rinig kong sigaw nung babae mula sa likuran ko. Mumurahin ko sana dahil sa tapat pa talaga ng tenga ko sumigaw. Nakakabingi po kaya.

Pero paglingon ko, nagulat ako sa nakita ko.

Bakit andito 'yang masungit na 'yan?

Nang mahuli niya akong tinititigan siya ay tinaasan niya ako ng kilay kaya naparoll eyes ako. Duh, baka iniisip niya, kaya ko siya tinititigan dahil nagagandahan ako sa kanya.

No way. Matangkad na singkit Na maputi lang siya pero para sa'kin hindi s'ya maganda. Pero attractive.

Attractive? Really? Nadala na ata ako ng alak. Kung ano ano na 'yung nasasabi ng utak ko.

Nakita kong nagyakapan silang dalawa ni EJ kaya tumingin nalang ako sa mga tao sa paligid. Mas okay pang tignan ang ibang tao kesa sa babaeng kausap ng bestfriend ko.

Nakita kong may mga tumititig sa'kin pero hindi ko sila ineentertain. Parang tinamad ako bigla.

"Oo nga pala Kim, eto 'yung bestfriend ko. Si Bea. Hey bea lingon ka naman dito. Papakilala ko sa'yo si Kim." Kinakalbit pa 'ko ni EJ habang sinasabi niya yun. Kaya wala akong no choice kundi lumingon sa gawi nilang dalawa. Oo, wala akong no choice.

"Hi I'm bea." nakasmirk kong sabi sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Tapos yung tingin niya parang sinasabi na, 'Ginagago-Mo-ba-ko?' Look.

Bakit? Ano bang gusto niya? Wag na akong magpakilala kasi kilala niya na Ako. Ganun ba? Ayokong magtaka si EJ. Makulit pa naman yun kapag nagtataka. Tinatamad pa naman ako ngayon mag explain.

"Hey, wag mo munang sungitan ang bestfriend ko Kim. Mabait naman 'yang si Bea."  Inirapan ko naman si EJ bakit ba kasi pinipilit niya pa yung ayaw? Di ba nga may kasabihan na wag pilitin ang ayaw, baka pumayag.

"Okay sorry EJ. Hmm, I'm Kim Kianna Dy. Nice to meet you Bea," Sabi niya saka inangat niya ang kamay niya para makipag handshake.

At dahil nakatingin sa'min si EJ ay tinanggap ko 'yun. Habang naghahandshake kami, nagtititigan rin kami. Parang nagsusukatan tingin ganon.

I'll Never Go (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon