Chapter 4

10.6K 200 16
                                    

JHO POV

Kasalukuyan akong nag aayos ng gamit ngayon dahil pauwi na 'ko. Ngayon narin uuwi si maddie galing davao.

Habang naglalakad, iniisip ko kung dadaan ba 'ko kung saan lagi nakapwesto si Bea. O iiwas na lang. Iiwas? Bakit naman ako iiwas eh wala namang nangyari na hindi maganda? Okay naman kami kagabe ni bea. Nung magkayakapan kami wala namang malisya 'yun. Oo tama wala talagang malisya kaya wala naman akong dapat ipag alala.

"Jho!" Napapikit ako ng marinig ko 'yung boses n'ya. Jho kumalma ka lang.

"Bakit ka napapikit? Masama ba pakiramdam mo?" Sabi n'ya saka itinapat yung kamay n'ya sa noo ko. Napadilat tuloy ako bigla.

"Wala ka namang sakit. So bakit ka nakapikit kanina?" tanong n'ya. Nginitian ko naman s'ya saka naglakad ulit. Sinabayan n'ya 'kong maglakad.

"Saan mo nga pala hihintayin si Maddie? Ngayong gabi s'ya uuwi di ba?" Napakunot ako ng noo sa sinabi n'ya. Ako 'yung kasama N'ya tapos ang tatanungin n'ya si maddie? Tsaka mukha ba 'kong departure area? Ts.

"Sa labas nalang siguro." Matamlay kong sagot. Yung mga ngiti n'ya kanina ay biglang nawala at napaltan ng straight face.

"Mukhang wala kang gana ngayon. Sorry kung nakulit pa kita. Sige balik na 'ko sa pwesto ko. Ingat kayo ni Maddie mamaya pag uwi." Sabi n'ya saka agad na tumalikod. Bigla naman akong nakunsensya sa pinakita ko sa kanya. Wala naman kasi s'yang ginagawa tapos magiging cold ako sa kanya.

"Bea. Wait!" Sabi ko sa kanya saka hinawakan s'ya sa braso para pigilan. Lumingon naman s'ya na tila nagtataka.

"Gusto mo samahan mo 'ko hintayin si Maddie? Tapos magdinner tayong tatlo. Okay lang ba?" Pagkasabi ko no'n ay biglang nagliwanag 'yung mukha n'ya.

"Ok lang sa'kin. Sa waiting area na lang kaya tayo maghintay para nakaupo tayo? Baka mangalay ka n'yan." Sabi n'ya saka nagsimulang maglakad kaya sinundan Ko s'ya. Alangan namang magpaiwan ako di ba.

"Oo nga pala bhousxcz Jhow mapagmahal, masaya ka ba kagabe?" biglang nangasim 'yung mukha ko sa kinabit n'yang salita sa pangalan ko. Lakas makajeje.

"Tigilan mo 'yang kajejehan mo Bea. Sakit sa pandinig." Tumawa naman s'ya sa sinabi ko.

"Masamid ka sana sa kakatawa." Sabi ko saka inirapan s'ya.

"Okay titigil na 'ko Hhahaha. Pero hindi mo manlang sinagot 'yung tanong ko. Iniiwasan mo ba?" Sabi n'ya habang nagpipigil ng tawa. Ang sarap n'yang batukan.

"Hindi ko iniiwasan ha. Hindi pa ba halata? Sobrang saya ko kaya kagabe." tumango tango naman s'ya habang nakangiti. Ang cute n'ya kapag tinititigan mo s'ya tapos hindi n'ya alam na tinititigan mo pala s'ya.

Naputol 'yung pagtitig ko sa kanya nang may narinig ako sigaw.

"Jho! Bea! Waaah. Namiss ko kayong dalawa." Sigaw ni Maddie saka niyakap kaming dalawa. Nagdikit tuloy 'yung balat naming dalawa Ni Bea. May naramdaman na naman akong kakaiba na hindi maipaliwanag.

"Kumain na ba kayo? Tara magdinner tayo sa labas." sabi n'ya nang humiwalay na s'ya sa yakap.

"Hindi pa. Hinihintay ka namin para sabay sabay na tayo." Tumango naman s'ya at nagsimula na kaming maglakad. At habang naglalakad kaming tatlo, kwento lang ng kwento si Maddie. Parang maririndi na ako. Kaso 'tong si Bea tuwang tuwa pa at palaging natawa. Pakiramdam ko tuloy OP ako sa kanilang dalawa. Sila nalang kaya magdinner dalawa? Tapos uuwi nalang ako?

"Jho bakit ang tahimik mo ata?" sabi ni Bea. Hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko o hindi dahil napansin din nila ako.

"Gutom lang ako kaya gan'to." Sabi ko saka ngumiti ng pilit.

I'll Never Go (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon