NOTE: This is Connected to Way to Find You (GirlxGirl) (DiaNicole Fanfiction) - Special Chapter - JhoBea.
BEA POV
after 3 Months
Eto na, eto na 'yung araw na makikita ko na ulit siya. Nung mga araw na iniwan ko siya, sobrang namimiss ko na siya kahit si Kianna ang kasama ko. Dumating na sa point na napikon na sa'kin si Kianna dahil si Jho ang lagi kong kinukwento.
Natanong na din niya minsan kung anong meron kay Jho at lagi ko daw 'yung bukangbibig. Simula nung nagalit si Kianna, Pinipilit ko ng wag itopic si Jho kahit minsan nalipad na yung isip ko sa pilipinas.
"Bro, tulala ka diyan. Magkwento ka naman oh." Sabi ni EJ nang makarating na kami sa bahay nila. Dito muna ako mag sstay since wala naman akong matutuluyan. Pansamantala lang naman 'to.
Sa wakas! Nakauwi na ulit ako ng pilipinas. Nakakamiss din pala ang traffic. Nakakamiss ang mga filipino food. Nakakamiss ang mga tao na maiingay. At syempre, namimiss ko na siya.
"Alam mo na ang nangyayari sa buhay ko kaya hindi ko na kailangan mag kwento." Natatawang sabi ko sa kanya nang makaupo ako sa sofa.
"Yeah, Whatever. Alam ko ang nangyayari sa'yo pero hindi ko alam kung ano 'yang pumapasok sa kukote mo."
Here we go again, alam ko naman 'yung pinopoint out niya eh. Masyado daw akong padalos dalos magdesisyon.
"Tanggapin mo nalang bro na ikakasal na ako. Sigurado na ako kay Kianna so bakit papatagalin pa?" Pagkasabi ko nun ay bigla akong napapikit. Sumakit 'yung ulo ko sa byahe kanina.
"Sigurado? Gaano ka kasigurado?"
"101% sure." Nakangiting sabi ko. Mahal na mahal ko naman si Kianna at mahal na mahal niya rin ako, so anong problema do'n? Tsaka siya lang 'yung gusto kong mapangasawa kaya okay lang naman na ikakasal na kami.
"Ulol, ang safeguard nga 99% lang ang kaya. Ikaw 101% don't me. Iba nalang."
"Wag mo ako itulad sa safeguard. Kaya 99% lang ang kayang patayin no'n dahil 'yung 1% ay good bacteria kaya hindi 'yon mamamatay." Pagdadahilan ko sa kanya. Parang kanina lang desisyon ko ang pinaguusapan namin ha. Ngayon naman sabon. Real quick amputs.
"Ang dami mo na namang alam. Matulog ka na nga muna. Alam kong may gusto kang puntahan mamaya. Kaso dapat may lakas ka muna. Kaya hala sige, napalinis ko na 'yung guest room sa taad kaya do'n ka magsstay."
Hindi nalang ako sumagot at dinala 'yung bag ko papunta sa kwarto. 'Yung mga maleta ko, nasa kotse pa. Ako nalang ang kukuha mamaya. Tinatamad pa ako. Ayoko naman mag utos, kaya ako nalang mamaya.
Inilapag ko muna sa isang tabi 'yung bag ko. Nung makahiga na ako sa kama ay agad akong pumikit. Pero bago ako makatulog, biglang pumasok sa isip ko 'yung mukha ni Jho habang nakangiti. Nakangiti tuloy akong matulog.
-
Nagdadalawang isip ako ngayon kung magdodoorbell ako or hihintayin ko nalang na kusang bumukas 'yung pinto.Andito ako ngayon sa tapat ng unit ni Jho. Pagkagising ko palang kasi naligo na agad ako at kumain tapos pumunta dito. Sobrang excited na akong makita siya.
Pipindutin 'yung doorbell o hindi? Hindi ko talaga alam kung bakit kinakabahan ako ng ganito.
Nung makapagdecide na ako na madodoorbell ay bigla namang bumukas 'yung pintuan na kanina ko pa hinihintay bumukas.
"B-bea?" Nang marinig ko 'yung boses niya biglang bumilis 'yung tibok ng puso ko. Nang makita ko ulit 'yung mga mata niya bigla akong nakaramdam ng pagrumble ng mga uod at dragon sa tyan ko.
BINABASA MO ANG
I'll Never Go (JhoBea)
FanfictionHighest Rank #23 in Fanfiction 2016 JhoBea FanFiction para mas lalo tayong humopia :D