JHO POV
"Hindi mo manlang ba ako papapasukin?" Nakacrossed arms na tanong niya sa'kin habang 'yung kanang balikat niya ay nakasandal sa pader. Ako naman ay nasa tapat ng pinto at akmang bubuksan ito.
"Ano bang meron sa unit ko at gustong gusto mo laging pumasok dito?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya.
"Masama bang pumasok diyan ng walang dahilan?" Nakataas pa yung dalawang kilay niya at nakasmirk pa nung sinabi niya 'yun. Nagpapacute talaga 'tong mokong na 'to sa'kin. Iba na talaga pag Jhoana Maraguinot. Napakahabulin. Okay, nahawa na ata ako ng pagiging mahangin ni Majoy.
"Bawal panget dito." sabi ko pagkabukas ko ng pinto.
Hindi na ako nag abala pang isara ang pinto dahil alam kong papasok 'tong mokong sa loob. Hiyang hiya naman ako sa kanya kung pagsasarahan ko agad siya ng pinto di ba?
Umupo ako sa sofa atsaka pumikit. Naramdaman kong tumabi siya saakin kaya hindi ko na dinilat ang Mga mata ko. Feeling ko pagod na pagod ako galing sa trabaho. Naghalf day lang ako dahil kahapon ay nagcamping kami. Tanghali na kami nakaywi kahapon. Nagkwentuhan lang kami overnight tapos natulog ng mahigit tatlong oras lang.
"Napagod ka Jhoana?" Tanong niya.
Dinilat ko 'yung mata ko bago sumagot.
"Malamang! Galing akong trabaho eh. Tapos kahapon lang ako ng hapon nakabawi ng tulog. Buti nga hindi mo 'ko ginulo kahapon pagkauwi eh. Akala ko mag sstay ka pa."
"I will stay with you forever. At Kalma Jho. Wag ka namang masungit. Hindi naman po ako lalaban." Nakataas pa 'yung dalawang kamay niya at yung mukha niya naman ay parang inosente.
Kaya para mapigilan ang ngiti ko ay inirapan ko nalang siya.
"Cr lang ako." Paalam ko sa kanya nung makaramdam ako na naiihi na ako.
Pagpasok ko ng banyo ay narinig kong nagring 'yung telepono ko.
"Jhoana may natawag." Sigaw ni Majoy.
"Alam ko. Wait lang." Sigaw ko pabalik. Kakapasok ko palang kaya.
"Ang tagal mo naman, ayan namatay na."
"Tse! Hindi makapag hintay? Nakakaasar ka kamo. Lumayas ka na nga." Sabi ko habang naghuhugas ng kamay.
"Lagi mo nalang Akong pinagtatabuyan. Ang sakit sakit Jhoana. Sobrang sakit." Natawa naman ako dahil sobrang drama niya. Alam ko namang Joke lang 'yun. Sadyang maarte lang 'yang mokong na 'yan.
"Ayan nagriring na naman, ako na nga sasagot." Pagkasabi niya no'n ay agad akong lumabas ng banyo. Napakapakealmera niya talaga.
"H-hello?" Sagot niya sa tumawag.
"Uy grabe ka! Sa'kin 'yang telepono pero ikaw 'yung sumagot. Lumayas ka nga diyan. Ako kakausap. Tsaka lumayas ka na rin sa condo ko. Ang gulo gulo mo." Sabi ko sa kanya habang papalapit ako sa pwesto niya.
"Angas porket bulok telepono mo-" Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil bigla kong inagaw sa kanya 'yung telepono.
"Akin na 'yan. Hello sino po sila?" Tanong ko sa kabilang linya. Hindi umaalis sa tabi ko si Majoy kaya medyo naaasar ako sa kakulitan niya.
"Jho." Nang marinig ko 'yung boses na 'yun, bigla akong nanghina. Bumilis ang pagtibok ng puso Ko. Parang hirap akong huminga sa mga oras na 'to.
"B-bea?" Mautal utal kong sabi sa kanya. Ano ba Jho, act normal.
"Sinong bea 'yan Jho?" sigaw ni Majoy na kasalukuyang nasa tabi ko ngayon.
"Wag ka ngang magulo." Saway ko sa kanya. Kelan pa ako tinawag na Jho ni'tong mokong na 'to?
BINABASA MO ANG
I'll Never Go (JhoBea)
FanfictionHighest Rank #23 in Fanfiction 2016 JhoBea FanFiction para mas lalo tayong humopia :D