Chapter 10

8.9K 238 32
                                    

JHO POV

Goodmorning Jho,
I dunno if this is a Good morning for us. But I hoped that this will be a Great day for you. I already made a breakfast before you wake up. I know that you will get up earlier so that you can't see me. We both know that you making a distance to me. Why? Why do you need to ignore me? Did I do something? Tell me. I will wait.

P.S please don't come home late. You making me worried. If you want, I will sleep before 8 pm so that your plan ignoring wouldn't become hard for you.

P.P.S I Miss you. Take care, don't skip your lunch and dinner okay?

-Bea is longing for your smiles, hugs and laughs.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa letter na nabasa ko dito sa lamesa. Nahalata n'ya nang iniiwasan ko siya. 3 days na simula nung nalasing siya at tinawag niya akong kianna.

Nakakainis lang kasi, ako 'yung kasama niya pero iba pala yung nasa isip niya. Parang nakakainsulto sa side Ko 'yun. At the same time, nasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko ng pakiramdam nang ganito. Parang nahuhulog na ako sa kanya. Kahit alam ko namang hindi pwede.

Hanep na puso 'yan, Makulit. Alam nang hindi pwede tumitibok parin para sa kanya.

Ngayon lang ulit ako nakatikim ng luto ni Bea. Sobrang namiss ko 'to, hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti habang kumakain. 3 days, 3days akong hindi makakain ng maayos dahil hinahanap hanap ko yung luto niya.

Buti naisipan niyang magising ng mas maaga sa'kin. Atleast kahit agahan lang, makakain ako ng maayos.

Sa totoo lang, namimiss ko na talaga siya ng sobra. Tuwing gabi kapag tulog na siya tinititigan ko lang siya kahit sobrang antok na ako gusto ko parin tumingin. Yun lang kasi yung way para mabawasan kahit papano yung pagkamiss ko sa kanya.

Kapag umaga naman, alam kong maaga siyang magigising para magluto ng breakfast ko kaya mas Inagahan ko ang gising para hindi niya ako maabutan. At syempre bago ako umalis ay sisilipin ko muna siya sa kwarto. Yun nalang yung way para makapag goodbye ako sa kanya tuwing papasok ako ng trabaho.

Halata na nga ako ni Maddie na matamlay e. Pero lagi ko lang sinasabi na masama ang pakiramdam ko. Which is totoo naman. Parang nanghihina ako kapag ganito ang sitwasyon namin ni Bea.

Pero ako naman ang may gusto ni'to di ba? Pinapahirapan ko lang ba ang sarili ko? O tama lang yung ginawa ko?

Bakit ba kailangan takbuhan ko yung katotohanang nagkakagusto na ako sa kanya?

Bakit ba kailangan pigilan 'tong nararamdaman ko sa kanya?

Bakit ba kailangan pang umabot sa point na nagkakagusto ako sa kanya kung hindi naman niya maibabalik yung nararamdaman ko?

Four words lang naman ang kasagutan sa lahat ng tanong ko.

May Kianna na siya.

Ano kayang meron sa kianna na yun? Parang gusto ko tuloy siyang Makilala. Gusto ko siyang makita.

Natapos akong kumain ng puro pag iisip lang.

Pero hanggang sa pagligo, ganun pa rin ang nangyayare. Nag iisip parin ako. Bwisit na bea de leon na 'yan. Lakas ng epekto niya sa'kin.

Uuwi ba ako ng maaga? Sabi niya maaga daw siya matutulog para hindi ako mahirapan na iwasan siya. Bakit tinutulungan niya pa akong iwasan ko siya? Gusto niya ba 'yung ginagawa ko? Bakit hindi nalang niya ako hinintay magising para kausapin tutal maaga naman siyang nagising kanina? Ayaw niya ba akong makausap?

Hays! Uuwi na nga ako ng maaga mamaya. Ayoko rin naman na nag aalala siya.

Pumasok na naman ako sa trabaho na matamlay.

I'll Never Go (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon