Chapter 24

7.3K 218 42
                                    

JHOANA POV

"Tang ina, tawa pa. Kung sinasakal kaya kita ngayon?!" Nakasimangot kong sabi kay Majoy. Aba ang lokong 'to. Wala ng ginawa kundi tawanan ako. Brokenhearted kaya ako! Hello, ang sakit kaya ang mareject.

"Hhahaha! Bwisit kasi 'yung sinabi ni Bea sa'yo. Please stop loving me daw. Ano yung pagmamahal mo? Parang music player na kapag gusto niyang itigil, ititigil niya? Nakakaloko. Ginamit niya pa 'yung wishing stick ha. Hindi nalang sinabi ng direchahan ganon din naman 'yung kakalabasan no'n. Masasaktan ka pa din." Mahabang litanya niya habang natatawa pa.

Hinampas ko sa kanya 'yung unan dahil pinangalandakan niya pa talaga na nasasaktan ako ngayon ng dahil kay Bea.

Pero kung wala siya ngayon dito, kung hindi niya ako sinundo kaninang umaga sa airport baka siguro nabaliw na ako. Medyo gumagaan kasi 'yung pakiramdam ko kapag nakakausap ko siya. Nadidivert 'yung mga iniisip ko.

"Gago." Dinadaan ko nalang sa mura 'yung nararamdaman ko ngayon. Nakakagaan ng loob kahit papaano.

"Tsk. Namura na naman ako. Pasalamat ka broken hearted ka." Naiiling iling na sabi niya.

"Bakit kasi ang dali lang sa kanya na sabihin 'yon? Hindi ba ako mahalaga sa kanya? At kung oo, bakit hindi niya makita 'yung halaga ko?" Jusko, hindi na ata matatapos 'yung mga katanungan ko. Gano'n naman talaga pag brokenhearted di ba? Madameng tanong. Madameng iniisip. Eh hindi naman sila iniisip nung mga iniisip nila. Alam ko namang walang pake 'yon. Kasi kung meron, hindi niya ako sasaktan.

"Your value as a person doesn't decrease based on Bea's inability to see your worth. Kaya wag ka ng mag inarte diyan. Move on nalang wendy." Ayan na naman siya sa kakatawag niya sa'kin ng 'wendy'. Tingin niya ata sa'ming dalawa loveteam eh. Siya si Peter pan ako si Wendy. Andami niya ngang haters pa'no kami magiging loveteam? Ay iba na pala 'to.

"Leche. Ang sakit talaga sa puso." Sambit ko habang nagkukusot ng mata. Buong maghapon na akong umiiyak. Gabi na ngayon pero hindi parin ako nakain. Tarantado nga 'tong si Majoy kaninang tanghalian, niyayaya niya akong kumain. Pero umaayaw lang ako. Kaya ang ginawa niya, umorder ng masarap na pagkain at kumain sa harap ko na tila sarap na sarap sa kinakain niya. Iniinggit niya daw ako para makaramdam ako ng gutom. Ngunit, hindi inggit o pagkagutom ang naramdaman ko sa ginawa niya. Pagkainis. Bwisit e. Tarantado kasi.

"Mas masakit ang walang puso. Tch. Gabi na Wendy, kumain na tayo please?" Sabi niya na tila nagpapacute pa. Boset. Ang cute niya pero hindi ako madadaan sa ganyan.

"Ayoko. Wala akong gana."

"Gusto mo bang gawin ko 'yung ginawa ko kanina?" Ayan, tinutukoy niya 'yung katarantaduhan niya kanina.

"Argh. Ayoko, nakakabwisit ka sa part na 'yon." Sagot ko sa kanya na tila naaasar.

"Lagi ka namang bwisit sa'kin." Bulong niya pero narinig ko naman.

"Kasi ang hilig mong mangbwisit."

"Blah blah blah. Whatever Jho, Tara kain nalang tayo please." Hinawakan niya 'yung kamay ko Pagkasabi niya no'n. May pagkahokage rin 'tong mokong na 'to.

"Sa ayaw ko nga. May magagawa ka ba?" Pagsusungit ko parin sa kanya. Ang nakakatuwa diyan kay Majoy, kahit anong gawin ko sa kanya hindi niya ako iniiwan. At gustong gusto ko 'yung feeling na 'yon. Ang sarap kaya sa pakiramdam na may kaisa isang tao na hindi ako kayang iwan sa likod ng mga negative sides ko.

"Meron." Sabi niya atsaka binuhat ako ng pabridal style. Aba't loko 'to ha.

"Hoy ibaba mo ako! Ano ba!" Sigaw ko habang nagpupumilit na makawala sa mga bisig niya. Pero dahil malakas siya, ayun hindi ako makawala sa kanya.

I'll Never Go (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon