So 38: Fly

2.2K 47 1
                                    

Krizen's POV

"I-isay... malaya na tayo... pwede na tayo..." dinig kong desperadong sabi ni Giolbrt ng maiwan kaming dalawa sa conference room.

Umalis ang lahat matapos akong pakawalan ni Northwest...
Matapos nya akong iwanan...na may matinding sakit sa dibdib ko..

Ang mga insekto sa saking sikmura ay tila nakalanghap ng lason at ngayon ay lahat namatay...

Iyak ako ng iyak...

Ang sakit...

"Giolbrt... please not now....p-please... " halos pabulong kong sabi sa kanya habang tamutayo ako at inaayos ang sarili... aalis nasa na ako ng bigla nya akong hawakan sa aking braso...na naging dahilan ng pagkahinto ko... hindi ko man lang matingnan si G ngayon dahil nasasaktan ako...

"P-pero... Isay... hindi ka ba masaya? Malaya na tayo oh... ok na! Pwede na tayong bumalik sa dati... " desperadong tanong niya sa akin.

"GIOLBRT! PLEASE LANG! HAYAAN MO MUNA AKONG MAG-ISA! I WANT TO BE ALONE! SANA AY INTINDIHIN MO MUNA AKO!" hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin iyon.

Tila nagulat ito dahil mula noong kami pa ay never ko sya sinigawan... lumuwag ang hawak nya sa akin kaya naman I grab the chance to go...

Palabas na sana ako ng pinto ng...

"Isay... h-hindi mo na ba ako...mahal?" Tanong nito.

Napatigil ako sa tanong niya.

"H-hindi mo na ba ako mahal?Y-yung bang lalaki kanina... y-yung " tila nahihirapan ito... "yung anak ni Mr. del Gado... sya na ba? " tanong nito

Kapansinpansin ang pangibginig ng boses nya.

Huminga ako ng malalim...

Hindi ko parin siya tinitingnan...

"Honestly... G...hindi ko na din alam... sana maintindihan mo... hindi sa araw araw... ay maeenggage ako at matapos noon ay malalaman mong buhay pala ang taong mahal mo.... G. halos apat na taon din iyon... madaming nangyari... madaming nagbago... kaya sana... maintindihan mo... hayaan mo muna akong makapagisip." Sabi ko sa kanya at itutuloy ko na sana ang pagalis ko ng..

"Hahayaan kitang mag-isip ngayon Isay... pero... tandaan mo... sana tandaan mo... kung bakit ako naaksidente ng araw na iyon... kung bakit ako lulan ng eroplanong iyon... sana maalala mo iyon." Anito sa malamig na tinig nito na naging dahilan ng pagharap ko sa kanya... nakaramdam ako ng guilt at lungkot sa puso ko...

"G-Gio..." sabi ko na halos pabulong na lamang...

"Go on... Isay... think... I will be waiting for you... remember what I have told you..and I love you..." anito... atsaka nauna itong umalis sa akin.

Tila pinagsakluban ako ng langit at lupa sa narinig...

mas lalo akong naguluhan...

Napahawak ako sa pendant ng kwintas na ibinigay ni Northwest sa akin noong nasa Metro kami... sa mismong kasal ni Bel...

Napapikit ako ng maalala ang ainabi niya noon...habang isinusuot nya ito sa akin...

"I love you Zen.. you will be always on my top priority... lahat ng gusto mo ibibigay ko... kahit na yung kalayaan mo... kung yun ang magpapasaya sayo... always remember that Love... mahal na mahal kita.... I will understand ...and try to understand you... kahit anong mangyari... ganoon kita kamahal.."

Naalala ko rin kung ano ang mga nagawa sa akin ni Northwest... kung gaano nya ako minsahal...

At..

Tila may sariling isipan ang paa ko at patakbo akong lumabas ng hotel...agad akong pumara ng taxi ... wala akong pakialam kung anong hitsura ko... kahit tinitingan ako ng driver...

Hotbreaker Series 3: Krizzen GernomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon