So 43: Please

2.5K 60 0
                                    


Krizzen's POV

"She's doing good Nortwest... bukas she's free to go!" Ani Ravish.

Hindi ako makapaniwala na doctor sila ni Hades...

"You have to be careful next time Kriz.." ani Hades na inaayos ang IV fluid ko.

Si Chenrhia naman ay abala sa pagnonote sa chart ko.

"I won't let her alone now.  I will keep everything you've said Vish and Hades." Ani Northwest na hindi ko pa rin binibitawan ang kamay...

I am scared na pag binitawan ko sya ay mawala sya sa akin at maiwan akong nagiisa.

"That's so sweet of you kuya!" Ani Chenrhia

"That's so arte of you Rhia" panggagaya ni Ravish kay Chenrhia na syang pinukpok naman ng chart ng huli.

"Gay!" komento ni Hades na tumingin sa akin at tila may kung anong bumabagabag sa kanya. "Kriz... let go." makahulugang sabi nito. "It won't help you heal your wounded soul... you better let it go." Tuglong pa nito bago umalis. Naging tahimik ang lahat sa narinig mula sa kanya... liban sa puso ko na kinakabahan...

Dahil sa mga sinabi nito...

Let it go.

Nang araw na iyon ay naging tahimik ako... ni hindi ko gustong bitawan ang kamay ni Northwest... na tila wala namang problema sa kanya.

Kanina ko pa rin pinag-iisipan ang sinabi ni Kean at Hades sa akin...

Masyado akong binabagabag ng mga iyon...

"Love?"
Napatingin ako dito... "...you okay? Kanina ka pa tahimik huh?do you want something?" Anito.

Tumingin ako sa kanya... at isiang tipid na ngiti ang ibinigay ko... isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at pinakinggan ang mabilis nitong tibok ng puso... Nakakaramdam ako ng kapayapaan doon...

Hindi kaya siya magalit kung sakaling sbihin ko sa kanya ang gusto kong gawin?

"L-love?" Aniya pa.

"Hindi ka ba magagalit kung sabihin kong gusto kong makausap so Giolbrt?" Tanong ko sa kanya

Naramdaman kong naging tense ang katawan nito...at bumigat ang paghinga nya. Hinigpitan pa nito ang yakap nya sa akin...

"Gusto ko kasing maging maayos lahat para sa atin Northwest... ayoko ng may gugulo pa sa atin...kung sakali..." sabi ko sa kanya.

bumuntong hininga muna siya...

"ikaw ang bahala... lahat ng gusto mo ibibigay ko sa iyo ...ganoon kita kamahal..." aniya ngunit alam kong may kasunod... "pero...sana love... kausapin mo na rin ang mga magulang mo... masyado silang nalulungkot dahil sa nangyayari sa inyo." tuglong nito.

"sige... pero kapalit niyon... kakausapin mo na rin si Nanay Lorena ... " sabi ko

Tila hindi nya nagustuhan ang narinig niya... dumilim ang anyo niya... at naging seryoso ang aura nito.

"Lahat... kaya kong ibigay sa iyo... huwag lamang iyon Krizzen." Anya sa malamig na tinig

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig mula sa kanya.

"H-hindi mo ba talaga sya kayang kausapin Northwest?  She is your mother" sabi ko

"No. Sya lang ang nagluwal sa akin pero hindi sya ang nanay ko. Let us drop this topic ...please. " aniya.

Natahimik na lamang ako...

"Kailan mo gustong makausap si Mendez?" anya

"Tomorrow." Sabi ko

Hindi ko na sya kinausap pa.

Kinabukasan...

Dahan-dahang bumukas ang pintuan at iniluwal niyon ay ang taong inaasahan ko...

"I-Isay..." anito.

"I am warning you Mendez. Don't ever lay your finger to my woman." Banta ni Northwest bago ako hinalikan sa ulo at lumabas

Pinaupo ko siya sa silya na malapit sa kama ko... wala na ang IV fluid dahil mamaya ay lalabas na rin naman ako pagkalabas ng mga discharge paper ko.

Ngumiti ako sa kanya ng tipid.

"Kumusta ka na G?" Tanong ko sa kanya.

I want our convo to be smooth...
Ayokong maging magulo pa ang lahat.

Bigla na lang itong yumakap sa akin at humagulgol...

"Patawarin mo ako Isay... patawarin mo ako... hindi ko sinasadya ang lahat... patawarin mo ako... " anito habang umiiyak.

Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko...

"Hindi ko naman yun sinasadya e... akala ko kasi pwede pa tayo... akala ko kasi...ikaw ang para sa akin... akala ko kasi tayo ang para sa iSa't isa... minahal kasi kita ng sobra e... mahal na mahal kasi kita.." anito sa akin.

Hinayaan ko lamang siyang umiyak sa balikat ko... we cried everything together...

"Sorry" ani Giolbrt.

Natatawa kaming dalawa matapos naming magiyakan... pinupunasan namin ang mga luha namin...

"Hindi ko inakalang magiging ganito ang kahahantungan nating dalawa G... akala ko rin ay ikaw na ang para sa akin..." malungkot kong saad sa kanya.

Naging tahimik lamang ito at tila handang pakinggan ang lahat ng sasabihin ko...

"Halos mabaliw ako noong hiwalayan mo ako... akala ko kasi noong tawagan kita ng araw na iyon ay magsisismula na tayong dalawa... dahil papayag na ako sa gusto mo ng mga oras na iyon... papayag na kong magtanan tayo" saad ko. " pero...bumitiw ka na e... kaya wala na akong nagawa... hindi na kita naipaglaban pa... dahil wasak na wasak ako noon...kaya naman napagdesisyonan ko ng lumayo... nagtungo akong Davao noon..at doon ko nakilala si Northwest... " napapangiti ako sa kawalan ng sabihin ko iyon..

"...tinulungan nya akong bumangong muli... tinulungan nya ako para makatayo  sa pagkakadapa ko... at unti-unti akong nakakabangon... naisip ko noon... pwede pa naman akong bumalik sayo... pero nalaman ko na nawala ka na... gumuho ang mundo ko ng mga panahong iyon...at to add salt to my wound... ako ang sinisisi nila... sa pagkawala mo... kaya ng mga panahong iyon... pinili ko na lamang lumayo... sa lahat ng nakakapaghatid ng sakit sa akin... tumakas ako... tumakbo... at muli ay naroon si Northwest para sa akin... sya lang ang naroroon... para sa akin... at hindi ko napigilang mahulog sa kanya... minahal ko sya...at mahal na mahal ko sya ng sobra sobra..." napapaluha ako sa sobrang saya ko na nasasabi ko ang lahat ng ito ngayon.. "kaya sana... G... sana sa pagpapatawad ko sa iyo... kasabay niyon ay... hayaan mo na ako ... palayain mo na ako... nakikiusap ako... palayain mo na ako G... gusto ko ng sumaya... gusto ko ng maging malaya... please... palayain na natin ang isa't isa... nakikiusap ako." Pagmamakaawa ko sa kanya

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko... umiiyak na ako at nagmamakaawa sa kanya... ito ang gusto ko...

Gusto kong lumaya...

Gusto kong makapiling si Northwest... gusto ko ng sumaya...

Niyakap ako ni G...

Umiiyak ito...

"Pinapalaya na kita Isay... pinapalaya na kita dahil mahal kita... pinalalaya na kita dahil ito ang nararapat. Mahal na mahal kita Isay... maging masaya ka para sa akin"

Upon hearing that...

Nakahinga ako ng maluwag...

I feel free...

"Thabk you ..G."

Hotbreaker Series 3: Krizzen GernomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon