So 10: Glimpse

2.7K 40 0
                                    

Krizzen's POV

Nagtungo ako sa lobby kung saan ako hinila noon ni Northwest del Gado.

Hindi ko alam kung bakit ...

Pero I have this feeling na sya lang ang makakatulong sa akin..

Mom and dad will never give me the time and space I needed.

They will push me to a situation that they wanted me to have..

They will force me to marry someone I don't know... simula ng tumakas ako sa hacienda ng araw na iyon... hindi na ako tinigilan ng mga magulang ko... kahit noong bumalik ako para kay Bel.. ay halos ipakaladkad ako ng mga ito pauwi.. buti na lamang ay napakiusapan sila ni John...but the catch is... May bodyguard..

Thanks to Colei and the gang.. at natakasan ko ang mga ito...ngayon ay natagpuan nila akong muli...kailangan kong magtago..sa isang lugar na hindi nila aakalaing pagtataguan ko..

And if my research is right..
This place is the safest for me... lahat ng mga members ng club na ito ay lalake...lalakeng mula sa promenenteng pamilya... I even asked Sebastian about this club..sabi niya he is a member..but not an active one... kaya hindi niya din daw masyadong alam ang kalakaran sa loob... minsan lang daw kasi niya nagamit iyon..para lang maiclose ang isang malaking deal...sa nagngangalang Mr. Chow Fiergo at Mr. Astrod del Gado sila ay mga business magnate na ang focus ay shippingline at medical field... ang alam ko ang kanilang research center ang nakatuklas ng formula ng vaccine for HIV.

Napahinga ako ng malalim... to much info!

"Hi ma'am! What can I help you?" Magalang na bati nito sa akin.

Ito rin ang kaparehong receptionist na kinausap namin noon.

Ano nga kasi yung pangalan nito?!

"A-ahm.."

"Ms. Krizzen..." masigla nyang bati sa akin .

Napatingin naman ako sa kanya.

Lumapit siya sa akin at ikinawit ang Kamay sa akin..

"Hi Ms. Krizzen Gernome.. I am Rhia... Ibinilin ka sa akin ni Northwest! Pag daw bumalik ka at ihatid daw kita sa villa niya.. well kukuhanan muna kita ng personal info para maiencode sa VIP list under Northwest! " masaya nyang bati sa akin.

Ganito ba talaga ang mga tao dito?

Feeling close?

Sinigurado sa akin ni Rhia na walang makakalabas tungkol sa akin...for confidential lahat ng records dito... lalo na daw at under ako ni Northwest na hindi ko naman magets!

May mga info na hindi ko binigay..at mukhang naiintindihan naman ni Rhia iyon...

Matapos akong kuhanan ng picture ay binigyan nya ako ng isang I.D. pass. Sabi niya iscan or swipe ko lang daw iyon ay makakabili or makakagamit na ako ng mga facilities dito... hindi daw kasi magagamit ang pero or cards dito.. dahil lahat ng gastos ay direktang ichacharge sa member na kasama or kakilala ng guess.

Well.. weird.

Matapos niyon ay sumakay kami sa isang puting shuttle ang sabi niya ay maghahatid sa amin sa villa ni Northwest.

"Mahigpit kang ibinilin sa akin ni Northwest.. kaya nga kahit hindi ko shift ay tumatambay ako sa lobby para lang mahintay ka..." aniya na tila excited na excited sa di ko malaang dahilan.

Siguro may gusto ito kay Northwest!

Naimbyerna akong bigla sa kanya.. but I ignore that thought.

Tumingin ako sa labas..

Hotbreaker Series 3: Krizzen GernomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon