So 42: Pain

2.5K 63 1
                                    

Krizzen's POV

Hindi pa rin ako nakakalabas ng ospital... I only allow Colei and the gang to take care of me...

I don't want my parents or anyone who was involve with the issue...
Not even Northwest...

Tahimik lamang ako...tanging tango lamang o iling ang sagot ko kina Colei...

I know... naaabala ko na din sila... but... I don't care anything right now...
Masyado aking naguguluhan sa mga nangyayari sa buhay ko...

"Sweets... Northwest wants to see you... can we let him?" Malambing na tanong ni Kean

Siya ang nakatoka ngayong araw para bantayan ako rito...kasama nya ang anak nya at si Yuki pati ang mga anak nito...ngunit lumabas si Yuki upang pakainin ang mga bata at para bunili ng makakain namin ni Kean....

Napatingin lamang ako sa kanya... at umiwas ng tingin...

Hindi pa rin ako nagsalita

Narinig ko ang buntong hininga nito...at baupo sa kama ko... "sweets... alam mo... nasasaktan akong nakikita ka o sino man sa inyo na nasasaktan ng ganito... hindi ko alam... but I hate seeing you suffer... " anito habang hinahaplos haplos ang buhok ko... Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pamilyar na emosyon sa mga mata nito... kapareho ng nararamdaman kong ito... "... I know you are wondering if what really happened to me... and how come I had Kronos... my precious one... who is his mother? And how did I end up like this... " tumawa pa ito ng pagak "a man from a gay!" Dugtong pa nito.

Napansin kong naging malayo ang tingin ni Kean ...tila ba may naaalala itong napakalungkot na bagay...

"Sometimes Zen... the pain will help us to see who is the right one for us... pain will lead us on the place where we are really belong... " anito sa napakalungkot na tinig. "It is part of the process .... pain is just a colateral... but in the end of the process... we will realized ...that pain is really paid off well! Kaya sana Zen... huwag mo akong tularan... don't let that pain eats you... huwag mong pabayaang agawin ng sakit na nararamdaman mo yung pagkakataong lumigaya kang muli kasama nung taong talagang laan para sayo.... huwag mo akong tularan Krizzen.... na hanggang ngayon ay nagsisisi pa rin dahil hinayaang kong mawala ang taong pinakamamahal ko.... " anito

That hits me!

Naramdaman ko na lamang ang pag-agos ng mga luha ko... napahagulgol na lamang ako at yumakap kay Kean...

Tila ba lahat ng mga nararamdaman ko nitong nakaraan ay ngayon ko inilalabas...

"Ang unfair...unfair nila.... ang sakit sakit.... Kean... ang unfair ! G-gusto ko lang naman ang sumaya e... gusto ko lang naman hayan nila akong pumili ng guato ko sa buhay... yun lang naman e.... ang sakit sakit... na yung mga taong minahal at pinahalagahan mo a ly sila pang nagdala sa buhay ko sa panganib... ang sakit ..." hagulgol ko.

Iniiyak ko ang lahat kay Kean.... lahat lahat... hanggang sa hindi ko na namalayang... nakatulog na pala ako.

Northwest's POV

"She's still sleeping... napagod talaga siya sa pag-iyak kanina... hayaan mo na muna siyang magpahinga..." ani Kean habang pinapapasok ako sa room ni Zen.

Dumiretyo ako sa kinahihigaan nya ... at pinumasan ang basa niyang mukha ng dahil sa luha...

Umiyak na naman ito...

Nasasaktan ako sa nakikita ko sa kanya...

"Mas maganda kung huwag mo syang susukuan Northwest... hindi maganda kung gagawin mo iyon sa sitwasyon nya.. hindi nya na kakayanin kung masasaktan pa syang muli ... tao rin ang kaibigan namin del Gado... at ayokong nakikita sya na nagkakaganyan... masakit sa akin... " ani Kean

Napangiti ako sa kanya at tumango... "hinding hindi ko gagawin iyon sa kanya Kean... hinding hindi..." seryoso kong turan.

Tumango lamang ito at lumabas...

Minasdan kong muli ang pinakamamahal ko... naupo ako sa silyang nakatabi sa higaan nya at hinawakan ko ang kamau nya.

"Love.... please... mahal na mahal kita... wag kang bibitiw sa akin huh? Mahal na mahal kita." Bulong ko at hinagkan ko siya sa noo

Napalayo ako ng makita kong gumagalaw ito..

Krizzen's POV

"L-love...?"

Pamilyar ang tinig na iyon...

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko...

At ng maiadjust ko na ay isang napakapamilyar na mukha ang nakita ko...

Tila nabuhay ang mga insekto sa sikmura ko at bumilis ang tibok ng puso ko...

"N-northwest..." bulong ko.

"Love... kumusta ka? M-may kailangan ka ba? May gusto ka bang kainin? Inumin? M-may masakit ba sa iyo...? An---" hindi ko napigilan ang sarili ko ng kinabig ko sya at buong pusung hinalikan...

I miss this...

I miss him so much...

Isa lang ang alam ko ngayon...

Kailangan ko si Northwest...

Dahil mahal na mahal ko siya...sobrang mahal na mahal... hindi ko kakayaning mawala pa sya sa akin.

Hotbreaker Series 3: Krizzen GernomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon