So 44: New Begining

3.1K 68 3
                                    


Krizzen's POV

"Bel...saan nyo ba ako dadalhin?" Kinakabahan ako sa inaakto nilang lahat ngayon...

Ilang buwan na din mula ng pinalaya na namin ni G ang isa't isa... ngayon ay nasa ibang bansa na ito...upang hanapin ang sarili niya at magmove on... ako naman ay kasalukuyang nakapiring at inaalalayan ng mga kaibigan ko...

Narinig kong natatawanan sila..sa pangunguna ni Yvanna

"Yvan! this is not funny ! Ano ba?!" Naiinis kong sabi sa kanila na lalo nilang ikinatawa...

"Sweets... calm yourself... we won't let anything harm you !" Ani Kean sa pagbabakla baklaan nyang tono .

"I miss that Forbes!" Natatawang sabi ni Colei.

"Duh!? I know right!" Biro pa ni Kean.

Maya-maya ay napatili ako ng may bumuhat sa akin at isinakay ako sa isang pamilyar na bagay... humalinghin ito...

Kinakabahan ako ngunit kinalma ko ang sarili ko... baka matense ang kabayong sinasakyan ko...

Naramdaman kong may sumakay sa likuran ko...

Nagwala na ang mga insekto sa sikmura ko at nagrigudon na ang puso ko... sa pamilyar na amoy at bisig na sinasandalan at umaalalay sa akin...

"L-love..." bulong ko sa kanya... nahigit ang hininga ko ng kabirin nya ako palapit lalo sa kanya at inilalayan ako sa beywang... "saan tayo pupunta? Hindi ba pwedeng alisin ko na ang piring ko?"

"Alalay lang del Gado...baka mahulog ang kaibigan namin!" Dinig kong tili ni Kean.

"No worries Forbes! I am all hands on her!" Aniya.

Naramdaman kong pibatakbo na nya ang kabayo...

"Saan tayo pupunta Northwest?" Tanong ko.

"hush... love... Calm down... you'll know when we get there !" Sabi nito.

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba at excitement...

Naging payapa ang buong durasyon ng ride namin...

Paglipas ng 20 minutes ay naramdaman kong huminto na kami... inalalayan nya ako sa pagbaba at hindi ako binitawan hanggat hindi ko nababawi ang balance ko...

Maya-maya ay inalalayan nya ako paupo sa isang malambot na bagay...

Kinabahan ako ng maramdaman kong wala na sya sa tabi ko...

"N-Northwest...? Asaan ka?" Kinakabahan kong tanong pero wala akong nakuhang sagot...

"Northwest?!" Tinanggal ko ang piring ko ... hinayaan kong magadjust ang vision ko sa liwanag tsaka ko hinanap si Northwest...

Nasa tuktok pala ako ng forest trail... kung saan nya ako dinala noon... kinakabahan ako dahil magisa na lamang ako roon... pero ang labis kong pinagtatakhan ay kung bakit napakaganda ng ayos nito...

May isang lamesa na nakagayak...at dalawang sofa bed.... nakakalat rin ang mga iba'f ibang klase ng bulaklak ... may isang buffet table sa isang gilid... at mayroon ding picnic set sa ilalim ng isang malaking puno...

Iginala ko ang mga mata ko ... my heart melt when I noticed the decoration hanged at the trees surrounds the table setting...

My pictures... out pictures... me... my friends... my colleages... my family... and ...of course... Northwest...
may mga notes din...like I love you... I love your smile... your laugh is my music... and more..

Namumuo ang mga luha ko ...dahil may nabubuong ideya na sa isipan ko kung ano ang nangyayari...

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng tunog ng isang chopper...

Hotbreaker Series 3: Krizzen GernomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon