So 39: Away

2.2K 52 0
                                    


Krizzen's POV

Nagmamadali akong nagayos ng mga gamit ko...

Nakaramdam ako ng matinding takot sa nakita ko mula sa mga mata ni Giolbrt kanina...

Hindi ko mabura sa isipan ko ang aming napagusapan...

Tila ba iniukit nya iyon sa aking buong pagkatao... lalo na ng tingnan nya pa ako sa ganung uri ng pagtingin... tila ba ito ay hindi ko na kilala pa...

""Isay... mahal kita... alalahanin mo yon... wag mong pagdudahan... dahil pinagoalit ko ang pamilya ko noon at maging ngayon sayo... at muntik na ngang buhay ko ang naging kapalit para sa pagmamahal ko sayo e... " anito

"G..." nanginginig ang kalamnan ko sa narinig ko mula sa kanya...

Tila ba ako'y pinaaalalahanan nya... ay... hindi... tila ba ako ay sinusumbatan nya ... sinisisi nya ba ako sa mga nangyari noon sa amin? Sa kanya?

"...Bakit...? why are you doing this to me?" Halos pabulong kong sabi sa kanya

Nagtiim ang bagang nya at tila pinipigilan ang sarili... sa kung ano...

"Mahal na mahal kita Isay... hindi ko kayang mawala ka sa akin... ikamamatay ko iyon! ikamamatay ko!" Anito na may kakaibang emosyon na bumabalot roon

Hindi ko mawari kung ano iyon...

Inaya ko sya sa office ni kuya PJ dito sa hotel...alam kong wala ito roon dahil sinusuyo nito ang mga anak nya...

Sumunod naman ito sa akin...

Pagkasara ko ng pinto ay agad jo syang hinarap...

"G... a-ano ba talagang n-nangyari sayo?" I asked him..

"I died...and now alive again. I died after they told me that you are dead..." anito na tila may naaalalang isang nakakatakot na pangyayari sa buhay nya noon.

"W-why didn't you double check if they were telling you the truth?" I asked again... hindi ko mapigilan ang sarili ko na itanong at isumbat ang mga bagay na naglalaro sa aking isipan ngayon...

"They have documents... your death certificate... pictures...and the newspapers telling you are dead! How the fck can I not believe them?!" Anito sa akin.

Nangingilabot ako sa ideya na mayroon na akong death certificate at nasa newspapers na patay na ako... that's not a good joke...

"Sana naisip mo na niloloko ka lang nila... mayaman ang pamilyang pinagmulan natin G... and our parents hated each other... they are against on us! And they will do everything just to make us apart!" Singhal ko sa kanya

Napansin kong tila nangamba sya sa tono ng pananalita ko...

I tried to calm myself down...

"s-sorry.." bulong ko na lamang.

"I-isay... mahal na mahal kita... sana ...sana maalala mo iyon... sana... malaman mo ang pinagdaanan ko para lang ipaglaban ka... " anito .

Tila binuhusan na naman ako ng malamig na tubig sa naririnig ko...

"Isay... akin ka lang di ba? H-hindi mo naman ako iiwan di ba? Mahal mo pa rin ako... yun ang totoo diba Isay? Di ba? Kasi... di ko kaya... di ko kayang pati ikaw mawala... h-hindi ko na pwedeng makasama ang mga anak ko... kaya ...please... wag mo naman akong iwan..." anya sa akin na huahagulgol

Napaiyak na lamang ako sa sinabi nito...

lalo akong nakaramdam ng takot at pagkalito dahil sa mga nalaman ko...

Hotbreaker Series 3: Krizzen GernomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon