Chapter 12

15.1K 331 2
                                    

ONE week din syang na confine sa hospital at hindi sya iniwanan ni Yvo. Umaalis ito saglit pag bumibisita si Mimi pero bumabalik din ito kaagad. Ngayon na sya lalabas at dala na ni Yvo ang mga gamit nila. Nauna na ito kaninang umalis dahil may aasikasohin pa daw ito. Ihahatid naman sya ni Tryker kasama ni Mimi sa condo ni Yvo.

"Bes, okay ka lang ba sa aprtment natin? " tanong nya kay Mimi.

"Bes before ka dumating, 2 years na akong nakatira doon. Ikaw ang tatanongin ko, okay ka lang ba sa condo ni Yvo?"

"Uu naman. Nag-aalala lang ako kasi wala ka nang kasama doon." Yana said.

"Hon pwede ka sa condo ko." Sumingit naman si Tryker.

"Ulol! umalis ka nga at magbibihis na si Yana! "asik ni Mimi kay Tryker.

Lumabas naman si Tryker at akmang lalapit ito kay Mimi pero nakahandang manuntok ang kamao ni Mimi.

"sabi ko nga lalabas na. Grabe hon ha, kala ko ba 3days lang ang regla ng babae? 1 week ka nang nagsusungit! Di kaya nagmemenopause ka na? "

Akmang susuntokin na ito ni Mimi pero mabilis na itong nakalabas.

"Magbihis ka na bes. "

"O M G! Dala lahat ni Yvo ang gamit! Pano ba to? Sa condo na lang ako magbibihis? "

"Eeew bes ha, kahapon pa yang suot mo. Saka maligo ka uy! Yang buhok mo pwede nang maging bahay ng mga ibon! "

"Wala nga akong damit!"

"Tsss. Oh eto. Ang ganda pa naman nito. Kakabili ko lang nyan eh! Dapat palitan mo yan ng mas maganda pa jan ha. Sayo na lang yan."

She saw a baby blue dress. Maganda nga. Mabuti white ang doll shoes nya na iniwan ni Yvo kaya okay lang pampares sa dress.

Pagkatapos nyang maligo ng mabilis at makapagbihis, lumabas na sila ni Mimi. Nakita nyang nakaupo lang sa labas si Tryker na naghihintay sa kanila.

"Pacensya na ha. Pwede naman actually kaming magtaxi. Naghintay ka pa tuloy. " sabi ni Yana kay Tryker.

"Naku maliit na favor lang to. Saka minsan lang naman kaya no problem. Pero Hon, kahit araw-araw ako taga hatid sundo mo okay lang! " kumindat pa ito kay Mimi. "Sunod na kayo sa parking ha. May kailangan ka pa daw na mapirmahan sa information Yana. Kaw na bahala sa kanya Hon." At umalis na si Tryker.

"Bes, nanliligaw sayo si Tryker? Pano na si Topher? "

"Huwag mong mabanggit banggit ang pangalan ng hinayopak na exboyfriend ko! Tumanggi lang ako sa gusto nya bes na magtsugtsug ah ah kami, aba may ka in a relationship na na iba sa facebook! At confirm dahil halos everyday ba naman may upload na magkasama! Kala nya hahabolin ko sya?! Neknek nya! Never pa itong mukhang to na naghabol sa lalake! " Mimi is half American. Nabuntis ang Momy nya ng isang American pero iniwan ang Mommy nito kaya mag-isa nitong pinalaki si Mimi dahil hindi na din ito nag-asawa pa.

"Bes pansin ko lang, ang hi-blood mo lagi. Baka totoo na yong sinabi no Tryker na menopause ka na ha! "

"Huwag naman bes. Hindi ko pa nga naranasan ang ikapitong langit eh menopause na agad! "

"Pero seryoso bes, may pag-asa ba si Tryker sayo? Mukhang tinamaan talaga sayo eh! "

"Huwag kang magpapaniwala sa Tryker na yon bes. Nachachallenge lang yon sa akin. Sanay kasi yon na babae ang lumalapit sa kanya. Pagbumigay ako don, tapos ang maliligayang araw ko! "

"Grabe naman. Mukha namang mabait si Tryker. "

"Asan ang mabait don? Hindi naman artista pero laging nasa magazine. Kung hindi sa isang artista malink, sa isang modelo naman! Teka nga, huwag na nating pag-usapan ang palikerong Tryker na yon. Ihatid ka na namin sa condo at naghihintay na si Yvo I'm sure."

"Sabi ni Yvo baka gabi na daw sya makauwi mamaya. Huwag ka muna umalis bes hanggat wala pa si Yvo mamaya ha. Natatakot pa rin akong mag-isa eh. "

"Sure bes. Lika na at puntahan na natin ang gagong Tryker! "

Napailing-iling na lang sya sa sinabi ni Mimi.

Nang makarating na sila sa building ng condo ni Yvo, bigla syang kinabahan. Nagpalingalinga sya at baka may masama na namang mangyayari.

"Are you okay? "Tryker asked her.

"uhm yeah. Sige Tryker, kami na lang ni Mimi ang papasok."Sabi nya dito.

"uhm okay. Pero papasok na din ako sa building. May meeting ako ngayon dayn eh."

"Okay. Sige mauna na kami ha. Salamat sa paghatid! " Hinila nya na si Mimi papasok at nagmamadali sya.

Kinakabahan kasi sya kaya minadali nyang pumasok sa loob. Wala pa din silang lead kung sino ang tumulak sa kanya. Pagkadating nila sa floor ng condo ni Yvo, gulat na gulat sya sa pagbukas ng elevator! Hindi tuloy sya makahakbang palabas ng elevator.

Umiiyak ang nanay nya habang yakapyakap ng tatay nya.

"Nanay, tatay" tanging nabanggit lang nya.

"Nak, dali diri." Pinalapit sya ng nanay nya.

Lumabas sya ng elevator para makalapit sa nanay nya. Nagtaka naman sya sa hallway. Punompuno ng ribbons at may konti ding white flowers.

"Nak, kasal nimo karon. Civil lang pero nisaad si Yvo na magpakasal mo sa church nig human panganak nimo." Ang tatay nya ang nagsalita.

Wala syang makitang bahid ng galit sa mga ito. Alam na ng mga ito ang kalagayan nya at nakikita nyang tanggap ng mga magulang nya.

"Nanay, tatay. " tanging nasambit nya.

"Nak, kahit civil lang kayo ikasal ngayon, alam kong totoo ang pangako ni Yvo sa amin na kasal nyo sa simbahan. Kaya huwag ka na umiyak. Kahit civil muna ngayon, kailangan mo pa rin maging maganda. Nakakahiya sa groom mo, ang gwapogwapo pa naman. Saka kanina pa yan naghihintay sa dulo." Sabi ng nanay nya.

"Nak, nagalit kami dahil di mo sinabi sa amin, umabot pa sa 4months ang tyan mo. Maski anong mangyari, dapat sabihin mo sa amin. Mahal ka namin, magalit man kami pero tatanggapin naman namin. " sabi ng tatay nya.

"E tay, kayo lang po inaalala ko eh. Saka lastmonth ko lang din ito nalaman at natakot akong baka kayo atakihin."

"Mamaya na lang tayo mag-usap nak. Baka mainip ang manugang ko. Mabait yon anak, kaya boto kami sa kanya. Pero sinapak ko dahil binuntis ka bago kinasal! "sabi ng tatay nya na nakangiti naman at parang proud na nanapak. Mabait naman kasi ang tatay nya at ni minsan hindi nagkaroon ng kaaway kaya hindi pa nakakasuntok ni minsan.

"tay! "

"Halika na. " ang nanay nya.

Mayamaya lumapit si Tryker at nag-abot ng boquet sa kanya at kay Mimi. Kumindat pa ito na sinimangotan naman ni Mimi.

"Ako muna ha. Paabotin mo ako sa dulo bago ikaw ang maglakad. " sabi ni Mimi.

Nagulat sya ng may pumailanlang kanta ng naglakad na si Mimi. Katabi nitong naglakad si Tryker at kita nyang panay siko ni Mimi dito at napapangiti sya sa dalawa.

Nang makaabot na si Mimi sa dulo, biglang huminto ang music. Sinenyasan sya ni Mimi na huwag muna maglakad.

Mayamaya lang pumailanlang ang kantang 'Here Without You'.

Alamnyang sa kanya itong damit na pinasuot ni Mimi at nagdadrama lang ito. Walasyang make-up ngayon at simple lang ang damit nya pero feeling nya, sya angpinakamagandang babae ngayon. Nakangiti sya pero di mapigilang mapaluha habangnaglakad palapit kay Yvo na nakaalalay magkabilaan ang mga magulang.

Bachelor Series 5: Here Without You (Completed-unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon