Kinabukasan, 100 days after.
Ipinaalam agad ni Yana sa manager nila ang kalagayan nya. Mabuti mabait si Mrs. Castro. Saka wala daw syang record na absent or late kaya good employee daw sya at bibihira nang makakita ng good employees ngayon. Saka madami syang recommendations from client kaya di daw sya bastabasta bibitiwan ng company.
Nilipat lang sya ni Mrs. Castro sa ofis kung saan si Walter ang manager. Hindi na daw kasi sya pwede sa reception at palaging nakatayo. Nagulat pa nga si Walter ng kausapin ito ni Mrs Castro sa dahilan ng paglipat nya.
Alam nyang magiging laman sya ng tsismis ng mga ilang araw o buwan. Wala syang paki-alam doon basta may trabaho pa sya at mas makakaipon pa para sa panganganak nya.
Nasa 4th floor ng building ang finance department. Minsan lang sya napapa-akyat doon. Yon ay sa tuwing may pinapabigay na report lang si Mrs Castro.
Noong araw ding iyon ang unang araw nya sa finance department. Inorient sya sa mga gagawin nya at may pinapaaralang daily report sa kanya. Nang sumapit na ang alas 5pm, nagsialisan na ang mga katabi nyang cubicle. Niligpit nya ang kalat sa table ng cubicle nya at lumabas na rin para magtungo sa elevator. Bumukas ang elevator pero hindi pa naman tumunog hudyat na puno na ito kaya nakisiksik na sya.
Pagkalabas nya sa elevator, sakto din na bumukas ang private elevator. Para yon sa mga client at owner ng Hotel. Iba ang para sa employees at iba rin ang para sa owner and clients na elevator.
"Yvo, wait hon!"
Napaangat sya ng tingin sa babae at sa tinatawag noong babae. Parang huminto ang inog ng mundo nya sa nakita. Kahit nakatalikod ito, kilalangkilala nya ito. Mabilis syang lumihis papuntang cr ng makita nyang umangkla ang kamay ng babae sa bisig ni Yvo sabay halik sa pisngi dito.
"Yvo... " hindi nya maiwasang banggitin ang pangalan nito. Si Yvo nga ang nakita nya!
Pumunta sya ng CR. Pagkapasok nya sa CR ay nag-uunahan sa pagtulo ang luha nya. Masaya syang nalaman na nakaligtas ito sa pagkabaril pero nasasaktan sya sa nasaksihan nya.
Tinawag syang Hon noong babae. Siguradong girlfriend nito iyon. Oh asawa? Pero wala naman itong wedding ring noon. Or nag-asawa na ito in a span of 3 months? Pilit kinalma ang sarili at naghilamos na sya at di na nag abalang magmake-up pa. Pauwi na rin naman sya kaya di na sya naglagay ng kolorete sa mukha.
Lumabas na sya ng CR ng mapahinto sa paglabas ng building.
"Babe."
Sheeeeet!
Nangangatog ang tuhod nya! Gusto nyang lumingon sa tumawag pero baka naghahallucinate lang sya kaya nagpatuloy sya sa paglakad.
Pero biglang may humawak sa braso nya!
"Babe!"
Napalingon sya at nakita ang seryosong mukha ni Yvo.
Tumigil ba ang mga tao sa paligid? Parang nagpause ang mga tao at nakamute ang sounds. Only his heavy breathing and her ownheartbeat ang naririnig nya! Tiningnan nya si Yvo. May tumubo na maliliit na balbas sa panga nito pero nagdagdag lang iyon sa kagwapohan nito!
He misses this man so much! Kung kasalanan ang mamiss nya ito, then magpapakasala na sya! His eyes are mirroring her eyes. Both of them have longing eyes. Nasisiguro nyang masaya na malungkot ang mga mata nito! Or nag-aassume lang ba sya at yon ang gusto nyang Makita sa mga mata nito kaya yon ang nakita nya?
"Yvo... "
"Babe... "
Yvo hands reached for her face. She leaned her face on his hands.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series 5: Here Without You (Completed-unedited)
RomantikYana decided to find a work in Manila to help her parents. It will be a 30hour long boring travel. But her assumption of long boring travel is way far from true. A man, a jaw-dropping man to be exact, seated on her side and offers her free meals. No...
