Chapter 3

17.4K 386 3
                                    

Nagising si Yana ng tapikin ni Yvo ang mukha nya. Kanina nakahilig sya sa bintana nang matulog pero nagising syang nakahilig sa dibdib ni Yvo.

"Bukas pa ang schedule natin para matawid. Kung balak nyon umalis muna, basta ang schedule natin bukas ay 7am. " narinig nyang sabi ng driver.

"Naku, pano yan." Rinig nyang sabisabi ng ibang pasahero.

Nanatili syang tahimik. Hindi sya makapag-isip ng maayos habang katabi nya si Yvo. Tanging nasa isipan nya ay ang ginawa nila kanina.

"Halika. Malapit nang dumilim. Let's eat then hanap tayo ng matutulogan for the night. " inalalayan sya nitong tumayo. Ito na rin ang nagdala ng backpack nya. Ewan, napapsunod na lng sya dito ng walang imik.

"Ang bigat ng bag mo ha. Kanina mo pa to daladala, ganito kabigat?! "

Hindi pa din sya umimik. Nakatingin sya sa kamay nyang hawakhawak ni Yvo habang pababa sila ng bus.

"You're too silent. I don't like it"

Napatingin sya dito. Kanina ayaw nitong maingay sya, ngayon naman ayaw nitong tahimik sya.

"Manong Tricycle, pahatid naman po kami sa malapit na kainan. "

Inalalayan sya ni Yvo na sumakay ng tricycle. Siguro wala pang minutes huminto din ang tricycle. Ayos ah, pwede lang naman pala malakad. Sabagay di naman nila alam pareho kung saan ang makakainan.

Tahimik pa din syang kumain. LIBRE pa din syempre! Pagkatapos nilang kumain ay lumabas na sila ng karendery na pinaghatidan ng tricycle sa kanila.

Pumara ulit ito ng tricycle.

"Manong pahatid po kami sa isang hotel. "

"Sir wala pong hotel dito. May lodging house po malapit lang. "

"Sige, doon na po kami. "

Inalalayan ulit sya ni Yvo pasakay ng tricycle. Hindi nito binitiwan ang kamay nya. Noong kumain lang sila ito bumitaw. Pero ngayon hawakhawak na naman nito sya papuntang lodge.

"Sir one room na lang po available namin. Double naman po ang bed sir kaya kasya kayo. Madami kasi stranded ngayon dahil sira ang isang barko."

"Sige, kukunin na namin. "

Napatingin sya kay Yvo. Napatingin din ito sa kanya na may mapupungay na mata. Napalunok sya. Alam nyang sumasalamin ang mata ni Yvo sa mga mata nya.

"Babe, ikaw muna mauna sa banyo. "

Tahimik naman syang pumunta sa banyo para magbihis. Natukso syang maligo dahil feeling nya ang init init ng katawan nya at maiibsan ng pagligo ang nararamdaman nya.

Paglabas nya ng banyo, nagulat pa sya ng nasa may pinto pala si Yvo. Napa singhap sya dahil naka boxers lang ito.

"Babe. "

Napapitlag sya sa tawag nito.

"Tapos na ako." Tumuloy sya sa kama. Malaki naman ang kama, siguro queen size ito.

Nahiga na sya. Nakatalikod sya sa banyo. Pinilit nyang matulog. Pikit na pikit ang mata nya pero dinig na dinig nya ang kaluskos sa banyo hanggang sa pagbukas ng banyo. Alam nyang tapos na itong maligo.

Ang lakas ng kabog ng dibdib nya.

"Babe. Move over here. Ang lakilaki ng bed nasa gilid ka na. Baka mahulog ka jan."

Hindi sya tuminag. Nagtulogtulogan na lang sya.

Mayamaya naramdaman nyang nahiga na rin ito. Nakapikit pa din sya at nakatalikod dito.

Bachelor Series 5: Here Without You (Completed-unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon