Chapter 14

27.1K 574 23
                                    

"Yana, bes, what happened? " narinig nyang sabi ni Mimi pagdating ng mga ito sa emergency ng hospital na pinagdalhan ni Yvo.

"Mimi... " tumabi ng upo si Mimi sa kanya sabay hug sa kanya.

"Si B-beatrice... " napahugolgol si Yana nang maalala nya ang nangyari kanina. Beatrice was shot by the guards, dalawang beses itong tinamaan.

"Sya ang may gawa nito?" It was Drake, kasama nito ang asawang si Yelle.

Tumango lang din naman sya. Nakita nyang may lumapit sa kanyang bata at pinahiran ang luha nya. Bakit may bata? Bawal ang bata sa hospital!

"Tita everything will be alright. Let us just pray and everything will be fine. Ayoko po nakakakita ng umiiyak na babae. Kaya hindi umiiyak yan si mommy ko po dahil bawal umiyak pag nakikita ko po. "

Nagtataka man sa bata pero nginitian nya ito dahil sa sinabi nito. Nakita nyang nakatingin si Third sa bata na may pride. At kamukhang kamukha nito ang bata.

"Loves, doon na lang tayo sa may entrance maghintay. Bawal si 4th dito eh. Buti nga nakalusot tayo." Asawa ni Drake ang nagsalita at kung di sya nagkakamali, Yelle ang pangalan nito. Binalingan naman sya nito.

"Yana, pakatatag ka for your baby. I know Yvo will fight for both of you. Sa labas lang kami ha. Hindi kasi pwede ang bata dito. Lika na Mike. "

Nagtaka sya nang tawagin ni Yelle ng Mike si Kayla, ang asawa ni Third.

"Anak nila Kayla at Third si 4th. Nalaman ko kanina nong umalis kayo at nagkakwentohan kami. " It was Mimi.

Tumango lang sya. Napatingin sya sa paligid. Tanging mga kaibigan ni Yvo na lang ang naiwan sa kanila.

"Sila nanay at tatay? " napatanong si Yana.

"Hindi na muna namin pinaalam. Alam mo naman si tatay diba, baka mahiblood yon! "

"Hmnnn.. Salamat... "

Hours had passed ng lumabas na ang isang doctor sa emergency room.

"Who is the family? "

"I'm the wife doc! "Bigla nyang tayo.

"okay na po ang husband nyo. Nakuha na namin ang bala sa likod nya. Mabuti sa may balikat lang ang tama. Natagalan lang kami dahil kailangan pang salinan ng dugo ang pasyente. Pero pwede na syang e lipat ng room. Sige po. " at bumalik ulit ito sa loob.

Napaiyak naman sya sa balikat ni Mimi sa nalaman.

"Thanks God Yvo is okay... "it was Mimi pero parang nagfefade ang boses nito sa pandinig nya.

"Yana? Bes? Yana!... "

Total blackout....

"WHY is she not waking up yet?! " frustration is clear on Yvo's voice. "Ako ang nabaril pero sya ang nakaratay jan sa bed! "

"Dapat din naman sana nakahiga ka lang sa bed, matigas lang talaga ang ulo mo!" It was Lance.

"Nahimatay nga dude. Sa stress daw sa nangyari. Nagtataka lang kami, 3 hours na kayong nakaalis sa condo mo pero andon pa rin kayo sa parking na yon?! Ano ba ang sinakyan nyo? Pagong?! "It was Tristan.

"Bro umiskor pa yan kaya di nakaalis agad! Tingnan nyo si Yana, stress at pagod! Kaya nahimatay! "it was Tryker.

"Hanep bro, sa parking pa talaga?! " it was Third this time.

"Inggit ka lang Third! Gumawa kayo ni Kayla ng Fifth sa parking!" Nginisihan nya si Third.

"Gago! Ulol! "sinapok sya ni Third sa batok pero mahina naman.

Bachelor Series 5: Here Without You (Completed-unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon