Chapter 13

16.8K 337 3
                                        

Kanina pa kinakabahan si Yvo. Nauna na syang pumunta sa condo nya. Lahat ready na, salamat sa mga kaibigan nya at kay Kayla at Yelle, ang asawa ni Third at Drake. Hindi nya alam kung anong pinoproblema ni Third, kitang-kita naman sa mga kilos at mata na mahal sya ni Kayla. Pero salamat pa din atong ang mga ito sa kanya ngayon.

1 week lang ang preparation nya. Pinakuha pa nya ang mga magulang ni Yana sa probinsya kay Lance gamit ng helicopter ni Tryker.

Nasuntok sya ng ama ni Yana nang malaman nitong buntis si Yana. Pero nakita naman ng mga ito ang pagmamahal na handa nyang ialay para kay Yana kaya siguro mabilis din ng mga itong natanggap sya.

Mag 3 days na ang mga magulang ni Yana sa condo nya at nag-aalala ang mga ito dahil sa pagkahospital ni Yana. Pero sinigurado nya sa kanila na maayos lang si Yana at kailangan lang ng pahinga.

Surprise ang lahat ng ito kay Yana. Mahal na mahal nya si Yana at gusto nyang alisin ang mga alalahanin nito. Alam nyang hindi pa alam ng mga magulang nito ang kalagayan nya sa sinabi ni Mimi. Kaya naman pinagplanohan nya ito kasama ng mga kaibigan nya.

Panay nyang tawag kay Tryker kung saan na sila. Pinagpapawisan na sya sa kaba. Nakuha na nya ang bendisyon ng mga magulang ni Yana para sa kasal na ito pero hindi pa ng mismong bride!

"Bro! Saan na kayo? " hindi nya napogilang tumaas ang boses dahil talagang kinakabahan sya. Hindi din nakakatulong ang isipin na wala pa silang lead sa nagtangka kay Yana.

[Andito na kami sa baba kaya maghanda na kayo. ]

Kanina pa sila handa. Nasa may elevator na ang mga magulang ni Yana at nag-aabang dito.

Mayamaya lang narinig nyang bumukas ang elevator. Nakita nyang umiyak si Yana at ang nanay nito pero kalmado lang ang tatay nito. Gustong-gusto na nyang puntahan si Yana, yakapin at patigilin sa pag-iyak.

"Bro kalma lang. Magsisimula na tayo in any moment. " it was Third.

Na sa loob ng condo ang mga kaibigan nya. Naka-open lang ang condo nya. Nasa may pintoan naman ang ginawa nilang arko kung saan nakatayo na rin ang Judge na nakuha ni Tristan.

Mayamaya lang may musika nang pumailanlang at naglakad na papalapit sa kanila si Tryker at Mimi.

Nang pumailanlang na ang kantang 'God gave me you' na pinili nyang music para sa paglalakad ni Yana, mas domoble pa ang kabog ng dibdib nya kaysa kanina.

Ang ganda ni Yana. Simple lang ang suot nito pero ito pa din ang pinakamagandang babae sa paningin nya. Hindi nya napigilan ang mga luha na tumulo sa kanya. Dinog nyang sumipol si Tristan pero hindi nya ito nilingon. Nakatutok lang ang mata nya kay Yana na nag-iiyak pa din.

Nang huminto na sa harapan nya sina Yana at ang mga magulang nito, nagmano sya una kay tatay at tapos kay nanay.

"Iho, alagaan mo ang anak namin."

"Makakaasa po kayo nsy, tay, kahit buhay ko, handa kong ialay para sa anak nyo." Pumasok na sa loob ng condo ang mga magulang nya para doon tunghayan ang magaganap na kasalan.

NAGULAT si Yana nang biglang lumohod si Yvo! Patatayoin sana nya ito ng magsalita ito.

"Babe... I can't describe my happiness today. But I already knew this will happen, that I will give up being single. I knew it. Noong hindi ako bumaba sa Tacloban to take the schedule flight for me to fly here back to Manila. Noong hindi ko magawang humiwalay sayo sa bus. Alam ko sa sarili ko, I am all yours and I already gave you my heart. Kaya naman ng mahiwalay tayo, humihinga ako pero hindi ko ramdam ang tibok ng puso ko. Yes I live, but it's like living in a pale world. Walang buhay ang paligid. Walang kulay. Sumosunod sa agos ng buhay, walang particular na patutungohan. But when you came back, you painted colors in my life again. You made me live again. I LOVE YOU BABE. And I am so happy that hindi lang ikaw ang bumalik sa akin, kasama mo pa si little Yvo."

Bachelor Series 5: Here Without You (Completed-unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon