"Bullshit! Who is that guy?! "
"Aah, manager ng finance department yan."
"Fire him! "
"What?! Ano kasalanan nya sayo?!"
"Bro, hinawakan nya ang tyan ni Yana! "
"Hmnnn. Bakit nga ba hinawakan nito ang tyan ni Yana. Saka Bro, pasensya na kung di ko natandaan ang mukha nya. Matagal ko nang nakikita sya sa Front Desk. Madami nga nagrecommend na regular clients ko dito about her. Pero kasi bro, noong kinuha ka namin sa bus ni Tryker, wala syang make-up saka tulo uhog ng babae. Kala ko simpleng nagmamalasakit lang sayo yon kaya ganoon ang hitsura. "
Si Tryker ang pinatawagan nya kay Yana noon kasi may helicopter ang kaibigan which is always ready sa rooftop ng condo building na pag-aari nito. Saktong pumunta si Drake kay Tryker kaya napasama din ito sa pag rescue.
3 days syang tulog sa hospital na pinagdalhan ng mga kaibigan dahil sa dami na ng dugong tumagas sa kanya. Pagkagising nya, si Yana kaagad hinanap nya pero ang mga kaibigan lang nya ang nandoon.
Para syang mababaliw noon sa pag-iisip kung saan hahanapin si Yana. Una, hindi nya alam ang pangalan nito! Nasanay syang tawagin itong Babe at hindi man lang nya natanong ang pangalan nito! Pangalawa, hindi rin nya alam ang cell phone number nito! Nag suggest ang mga kaibigan nya na ihanap sa facebook, IG, twitter at kung anong social media pa pero pano nga ba nya hahanapin eh hindi nga nya alam ang pangalan nito?!
Pumunta din sya sa bus station at nagtanong kung may pangalan ba sa duplicate ng resibo ng ticket nito, pero putang inang bus liner yon! Walang pangalan ang mga resibo! Gusto nyang ireport yong may-ari ng bus na yon, bakit blanko ang mga resibo na iniissue nito?!
Kaya ng mahigit isang buwan na at wala man lang patutungohan ang paghahanap nya, pinabayaan na nya ang sariling sumabay sa agos ng tadhana. Beatrice, his on and off girlfriend, asked him that it's time to settle down. Hindi naman talaga nya niligawan si Beatrice. It's just that may pa-iba-iba syang babae noon pero ito ang constant nya. Investor din ng airline company nya ang ama ni Beatrice. Pinagsisihan nya tuloy kung bakit hindi man lang nya tinanggihan ang tinakdang engagement party. Mabuti na lang nagawan nya ng paraan.
Naaalala nya ng umalis sya sa opisina nya para puntahan si Drake sa Hotel nito sa Makati. Nakasalubong nya si Beatrice at nagpumilit na sumama dahil bibigyan daw nito ng invitation si Drake. Hindi man lang sya nakipag argumento dito, hinayaan lang nya iyong sumama. Kahit pa naiirita sya madalas sa kaartehan nito. Pero nawalan na kasi sya ng gana sa buhay. Humihinga sya, oo, pero para na lang sa companya na iniwan ng mga magulang nya.
When they were about to go out on Drake's Hotel Building, nararamdaman nyang may kakaiba at may nakamasid sa kanya. Nagpalingalinga sya sa paligid at nakita nya si Yana na papuntang Common CR. Hindi sya sigurado noong una kasi nakatalikod ito at nagmamadali. Hinintay talaga nyang lumabas ito ng CR at pinauna sa parking lot si Beatrice.
When he saw her, his world seems to stop. His black and white surroundings were painted with different colors little by little. He didn't notice the people around them. Doon din nya nalaman na Yana ang pangalan nito at nagtatrabaho sa company ni Drake.
Araw-araw mas lalong gumaganda si Yana sa paningin nya. Yes. Araw-araw nya itong nakikita dahil araw-araw syang nandito sa opisina ni Drake. Mas nauuna pa nga syang pumasok kay Drake minsan.
"Bro bakit kasi di mo sya lapitan? Hanggang CCTV ka na lang ba? Seriously you're stalking her dude! Nakakatakot kang ma inlove! "
"Kala mo di ko alam na ini-stalk mo rin si Yelle noon ha!"
"So you're in love with the girl. Hindi ka man lang pumalag sa sinabi kong nakakatakot kang ma in love. "
"I do love her bro. And I want to wring that neck of that manager of yours! "
![](https://img.wattpad.com/cover/71867198-288-k155291.jpg)
BINABASA MO ANG
Bachelor Series 5: Here Without You (Completed-unedited)
RomanceYana decided to find a work in Manila to help her parents. It will be a 30hour long boring travel. But her assumption of long boring travel is way far from true. A man, a jaw-dropping man to be exact, seated on her side and offers her free meals. No...