Chapter 9

14.7K 383 4
                                        

"Uy Yana, ang cubicle mo punom-puno ng roses! Haba ng hair ha, buntis na nga may admirer pa din. "

Hindi nya alam kung ngingiti ba sya dito dahil hindi din naman nya alam kung compliment ba iyon o insulto.

Nakita nga nyang madaming roses sa cubicle nya pero bago pa sya nakalapit ay nasusuka na sya kaya instead of going to her cucbicle eh napapunta sya sa CR.

Lahat yata ng kinain nya kanina sa breakfast ay naisuka nya! Dati naman gusto nya ang bango ng roses. Ngayon naman nasusuka sya. Actually kahit anong pabango ay hindi nya masikmura. Pagkatapos nyang mahimasmasan at nakapag-ayos ay lumabas na sya sa CR.

"Are you alright?"

Nagulat sya nang makita si Yvo sa labas ng CR! Nag-aalala ang mukha nito. Hindi sya makapagsalita at nakatitig lang sya dito.

"Babe, I saw you kanina ng nasusuka ka. Okay ka lang ba? Gusto mo punta tayo ng hospital? "

Hospital agad! Nasusuka lang ospital agad?!

"Babe, I miss you when you're noisy. I thought I hate your noisiness but then I miss hearing your voice so it's okay if you're being noisy. "

"You saw me kanina ng nasusuka ako? "

"A-ah, yeah. Napadaan lang ako sa department nyo kanina. I'm a friend of Drake De La Cruz, may pinakuha lang sya sa akin sa department nyo, ang then I saw you. "nagkibit balikat pa ito. "Fuck!" Namumula ito! Nagbablush?

"Okay. Are you blushing?"

"Are you feeling better now? " Pilit nitong iniba ang usapan.

"Yes, nasusuka kasi ako sa bango ng roses."

"Damn! I should have known! I'm sorry babe. "

"Why are you sayong sorry? "

"For the roses. I thought you will like flowers. "

"Sayo yon?! "

"Yeah. Ipapakuha ko na lang."

Nagulat sya sa nalaman. Binigyan sya ng flowers ni Yvo. Nanliligaw ito sa kanya?! So totoo nga na hiniwalayan na ito ng girlfriend nito? At gusto nyang isipin na sya yong nabalitaan nya from her officemate na kinababaliwan nito ditto sa hotel! Kahit na parang rebound lang sya dito, masaya pa din sya na malamang binigyan sya ng flowers nito! Pero bawal munang mag-aasume at baka ang elilipad ng isip nya ay doble ang pagbagsak!

"I missed you babe." Eton a yon. She is not assuming! Dinig na dinig nya na!

"Hmn. I need to go to my table. Working hour's kasi. "

"Can I take you to lunch later?"

Nagulat sya sa imbitasyon nito pero tumango pa din sya dito.

"Pinakuha ko na ang flowers. Pwede ka na pumunta doon."

"Yvo... ahm...I love flowers, it's just that, sensitive ako sa mga mabango ngayon. Thank you though. "

"Okay. I'll fetch you later. "

"Okay. I should go. "

Nauna na syang umalis. Ramdam nya ang mga titig ni Yvo sa kanya. Gusto na nyang sabihin dito ang kalagayan nya pero naisip nyang mamaya na lang sa lunch.

"FUCK DRAKE! Sabi mo flowers! Nagsusuka si Yana kanina di pa nga nakalapit sa table nya! "

"Kung hindi lang kita kaibigan kanina pa kita sinapak! Sinabi kong yon ang ginawa ko, hindi ko naman sinabing gawin mo din. Iba-iba ang paglilihi ng babae. O baka ayaw nya sa roses." Nang-uuyam na napangisi si Drake sa kanya

Bachelor Series 5: Here Without You (Completed-unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon