Chapter 6

13.9K 360 3
                                    

99 days after.

"Ano ba nangyayari sayo bes? Napupuna kong madalas kang magsuka sa umaga ha. Tsaka natatatakot ako dyan sa pakain kain mo ng mangga na yan! Kung hindi ko lang alam na wala kang boyfriend mapagkakamalan kitang buntis! "

"Uhuh uhuh uhuh! " nabilaokan sya sa sinabi ni Mimi sa kanya. 3months mahigit na sya sa Manila. 3 weeks din syang hanap ng hanap ng trabaho hanggang sa makapasok sya as receptionist ng isang Hotel.

"Sandali. Kukuha ako ng tubig! " sabi ni Mimi.

Pagkabalik ni Mimi ay mabilis itong lumapit sa kanya. Napahagolgol kasi sya. Sino bang hindi maiyak! Buntis sya! Hindi man lang nya alam! Ngayon lang nya naalala, never pa syang bumili ng napkin since pagdating nya ng Manila! Never syang dinatnan!

"Ano ba bes. Bat ka umiiyak dyan?!"

"Bes. Buntis ako! Oh my God! Ano nang gagawin ko!"

"Bes, wala kang boyfriend. Patawa ka ba? Ano yun, you conceive by the power of the Holy Spirit! Virgin Mary ang peg?! "

Mas lalo naman syang napaiyak.

"Okay okay bes, kumalma ka. Paki explain bes kasi hindi kita mapapatwad kung nagboboyfriend ka ng patago sa akin! Sinagot mo na ba yong manager sa pinagtatrabahoan mo? "

"Sino? Si Walter o si Anjo?! " napapasinghot pa sya dito.

"Eh di wow! Ikaw na ang maraming manliligaw na manager! "

"Eew ha. Sabi ko sayo, panot sa Walter. Parang bakla naman si Anjo! "

"Oh eih, pano ka nabuntis!?! "

"Mimi, ano na gagawin ko? Paano si nanay, si tatay siguradong aatakihin yon pagmalaman nya. "napapaiyak sya lalo ng maalala nya ang mga magulang. Miss na miss na nya ang mga ito. Sinabihan pa naman nyang uuwi sya before Christmas. Sinabihan na kasi sila ng manager nila na bawal magleave sa Pasko. Pero before Christmas pwede pa.

"Bes, gusto mo bang atakihin si tatay? Huwag mo muna ipaalam sa kanila. Sabihin mo muna sa akin kung pano ka nabuntis?! Nawiwindang ako eih! Naunahan mo pa akong mabuntis eh ako tong may boyfriend! "

Wala syang magawa kundi e kwento kay Mimi ang kagagahan nya sa byahe. Daig pa ang one night stand sa nangyari sa kanya! Ang alam lang kasi ni Mimi na may nang robber sa bus nila at may nabaril. Hindi na kasi nya dinetalye lahat. Ngayon, sinabi nya lahat kay Mimi, walang labis walang kulang.

"So na lust at first ka ganon?"

"Mimi naman eh. Hindi ko maipaliwanag kung paano pero mahal ko si Yvo. Lagi ko pa din syang naaalala."

"Kaya pala lagi kang nagsasalita pag tulog ka. Kala ko 'ibon' ang binabanggit mo! Yvo pala yon! Yon pala pangalan ng katsugtsakan mo sa bus! "

"Ay hindi pala sa bus, sa lodge. "

"Mimi... "

"Uu na. Pinapagaan ko lang ang modemo eh. Basta bes, huwag mo ipaalam kay tatay hanggang wala kang maipakilalang ama. Andito lang ako, tutulongan kita. Ang poproblemahin lang natin ay ang trabaho mo. Okay lang kaya nilang mabuntis ka? Receptionist ka eh, dapat lagi kang kaakit-akit para you know, babalik-balik ang client nyo. Gaya na lang ni Mr. Andrew Perez na client ng hotel nyong nanliligaw sayo! Ikaw na ang maganda bes, ang dami mong manliligaw! "

"Kaw din naman madaming manliligaw ah! Nawala lang ng sinagot mo si Topher."

"Oh e di tayo na ang maganda! Sabi nga birds of the same feather flocks together! Pero seryoso, hindi mo alam ang apelyido ng Yvo na yan? "

"Hindi nga kasi."

"Wala din naghahanap sayo bes, baka tigok na yon!"

"Sana naman nabuhay sya. Ipapakilala ko pa ang anak nya kaya! Saka bes, di naman nya naitanong pangalan ko eih. Babe lang ang tawag nya sa akin. "

"Ay, patay tayo jan. Walang interes malaman ang pangalan. "

"Aray bes ha. Ang sakit non! "

"Kasi nag tsugtsakan na kayot lahat, di nyo alam ang mga pangalan nyo! Hello?! "

"Bes, pano pag paalisin ako sa trabaho? Konti pa lang naipon ko, hindi kasya sa panganganak ko im sure. "

"Bes, andito ako! Ano ka ba! Basta ako lang ang ninang! Ayoko ng kahati! "

"Ay, selfish are we?"

"Naman!"

Niyakap nya si Mimi.

"Thank you bes. "

"Ay ang drama. Pero sige na. Yoko malungkot ka ha! Ayoko ng pangit na inaanak. Smile ka palagi!"

"Ang ganda ko para magkaroon ng pangit na anak!"

"Ay ang humble bes! "

Di sa pagmamayabang, may lahing katsila ang nanay nya at may lahing hapon ang tatay nya. Yon nga lang, pobreng kastila at hapon. At least dahil sa lahi ng mga magulang eh naisilang syang may magandang mukha at makinis na kutis porselana na naging dahilan pa ata ng pagkabaril ni Yvo.

Bachelor Series 5: Here Without You (Completed-unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon