Chapter 5

14.2K 362 1
                                    

Naalimpongatan sya ng tinapiktapik ng kung sino ang pisngi nya.

"Huwag kang maingay. Ibalot mo sa mukha mo ang sarong mo." Napakahina ng boses nito at natatakot sya sa pinapakita ng mata nito. Tinulongan pa sya nitong balotin ng sarong ang mukha nya.

"Anong nangyayari? " natatakot nyang sabi.

"Don't be scared, I'm here, basta balotin mo lang ang mukha mo at yumoko ka palagi."

"Ilabas ang mga alahas at wallet nyo! Dali! Pati mga cell phone! "

Kinakabahan man pero mabilis nyang hinubad ang relo nyang tag 99. Aba, ang mura lang ng relo baka yun pa kapalit ng buhay nya. Hinubad din ni Yvo ang relo nito at kinuha na din ang wallet nito.

Nang makarating ang lalaking may dalang baril sa may inuupoan nila. Lalo syang nangamba.

"Hoy, asan ang cell phone nyo?!"

"Pare wala akong dalang cell phone. Kapkapan mo pa ako. "

Narinig nyang sabi ni Yvo at tumayo pa ito.

"Ikaw, huwag mong sabihing wala ka ding cellphone?!"

Alam nyang sya ang sinabihan ng armadong lalaki pero nanatili syang nakayoko.

"Opo wala din po."

"halika kapkapan kita!" Nagulat sya sa sinabi nito at sa paghila nito sa kamay nya.

"Pare babae yan. Wala talaga syang cellphone dahil pareho naming naiwan sa kinainan kaninang umaga. Yong wallet ko, madaming pera yon, yun na lang." sabi pa ni Yvo na pinigilan syang tumayo.

"Nagsisinungaling kayo! Akin na yong bag mo babae! "

Napatingin sya sa lalaking armado. Ayaw nyang ibigay ang bag nya. Una, wala syang ibang bag at yon lang ang dala nyang mga damit. Kung makukuha nito ang cell phone nya, pano sya macontact ni Mimi?

"Aba, ang ganda mo ha, lika, isama na kita sa bundok! "

Mas lalong nahintakotan sya nang hinila sya nito!

"Huwag po! Aaay! "

Napasigaw sya ng bumulagta ang lalaki ng sapakin ito ni Yvo! Pero umalingawngaw naman ang isang putok ng baril. Hindi iyon galing sa nakahigang lalaki kundi galing sa kasama nitong armado din.

"Putang ina, bilisan mo dyan! Alis na tayo bilis! " Sabi noong lalaking bumaril.

Hindi na nya nakita kung paano ang mga ito nakaalis. Nakatitig sya sa natitigilang si Yvo. Napasigaw sya ng bumulagta sa hallway ng bus si Yvo!

"Yvo! Yvo! Tulong po! Tulongan nyo po kami! "

"Malayo pa tayo sa kabihasnan. Mga 2 hours pa para makarating tayo sa pinakamalapit na town at hindi rin sigurado kung may ospital doon. "Sabi noong driver.

"B-babe, s-sa bulsa ng b-bag mo, andon ang celfon. Speed dial 4. "sabi nito bago nawalan ng malay.

Mabilis naman nyang kinuha and cp na sinabi nito. Latest ang cp nito at mamahalin. Mabuti walang password. Mabilis nyang ni long press ang 4 para mag speed dial iyon. Mayamaya may sumagot na lalaki.

"Bro, napatawag ka? "

"Hello. Hindi ko po alam kung sino kayo pero kayo po ang pinatawagan ni Yvo. Nabaril po sya at nawalan sya ng malay ngayon. Malayo po kami sa ospital!"

"Shit! San kayo ngayon? "

"Sandali, kausapin nyo na lang po ang driver. " mabilis nyang binigay sa driver ang phone ni Yvo.

Iyak lang sya ng iyak habang hinahawakan ang kamay ni Yvo.

"Miss, ito yong phone ng kasama nyo. Sabi nong lalaki miss diinan daw ang nabaril na bahagi para di masyadong umagas ang dugo. "

Mabilis naman nyang inayos ang sarong nya.

"Manong driver tulongan nyo po akong e tali tong sarong ko sa baywang nya." Nasa may baywang kasi ang tama nito.

Mabilis namang tumalima ang driver.

"Manong di pa ba tayo aalis? Humanap na po tayo ng hospital." Iyak pa rin sya ng iyak.

"Sabi ng kausap ko maghintay lang daw tayo ng mga 30 to 45 minutes at dadating daw sya."

Hindi na sya nag usisa pa. Mayamaya lang may narinig silang tunog ng helicopter.

"ASAN si Yvo? " isang gwapong humahangos na lalaki ang dumating. Nakasando at boxers lang ito. Kasunod nito ay isang nakasuit na gwalong lalaki din.

"Dito po!"

"Shit! Tryker bilis! Namumutla na si Yvo!" Sabi noong nakasuit na lalaki.

Mabilis na kinarga ng dalawang lalaki si Yvo. Napasunod naman sya sa dalawa.

"Miss kami na bahala sa kaibigan namin. Ikaw ba yong tumawag? "

"O-opo. Eto po pala ang cell phone nya. "

"Okay. Thanks. "

At mabis na itong lumakad pasakay sa helicopter. Naiwan syang nakatanaw sa papaliit na sasakyang panghimpapawid.

"Yvo... "

"Oh miss, pasok ka na. Aalis na tayo. Papablotter pa natin ang nangyari sa pinakamalapit na pulis station. "

Mabilis naman syang pumasok na sa bus. Hindi nakuha ng mga armadong lalaki ang bag nya kung saan ang pera nya. Binigay nya ang wallet nya pero 300 lang ang laman niyon. Hindi rin nakuha ang cellphone nya kaya makocontact nya pa rin si Mimi.

"Yvo.... "

Hindi nya maiwasang mapaluha. Sana magamot si Yvo agad.

"Magkikita pa kaya tayo? "

Bachelor Series 5: Here Without You (Completed-unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon