Huminto na naman ang bus dahil lunch stop over na.
"Padaan." sabi nya dito.
"Bakit ka bababa?"
"YUMMY, este Theo, este ano pangalan mo?"
"Yvo"
"Yvo, lunch stop over to. Mamayang gabi na uli magstop ang bus para sa dinner. Kaya bababa na ako para maglunch. Baka magreklamo ka na naman pag nag-ingay ang mga alaga ko sa tyan! "
"I'll go with you."
"Huh?"
"Kakain din ako. Okay lang naman sigurong sumabay? "
Nagkibit balikat na lang sya.
Bumaba sila ng bus at nakita nyang malapit sila sa Andok's na kainan. Tiningnan nya ang paligid at baka may karenderya, doon na lang sana sya kakain para makatipid.
"Let's go."
"Sige mauna ka na."
"Ano ba kasi hinahanap mo?"
"Hmp. Wala!"
No choice sya. Nauna na syang pumunta sa andoks para makapila.
Biglang may sumingit sa kanya. Pagsasabihan sana nya pero si Yvo pala ang sumingit. Ang bango talaga nito. Sinasamyo nya ang likod nito. Napangiti sya sa ginawa nya. Parang engot lang.
"Stop sniffing me."
Okay, pahiya sya don. Naramdaman nito ang pagsinghot nya sa likod nito.
"Hmp! Suplado! Doon ka sa likod! " para nang aamoy lang eih, damot!
"Maghanap ka na lang ng maupoan natin, mamaya wala na tayong maupoan sa dami ng tao."
"You mean libre mo ako?"
"Basta huwag ka na lang maingay."
"Yehey! Minsan lang ang libre! "
Pumasok na sya sa loob ng Andok's. Sa labas kasi ang pila para mag order. Meron din namang mga mesa sa labas pero mas pinili nya sa loob para aircon.
Medyo matagal pa bago nakasunod si Yvo sa kanya. Mahaba din kasi ang pila. Panakanakang tiningnan nya si Yvo. Wala naman itong wedding ring so binata pa ito. Pang mayaman din ang hitsura nito. Nakakapagtaka lang at nagbus ito? Siguro naman kaya nitong bumili ng ticket para mag plane?
"Ay naku, salamat na lang at nagbus sya. Tipid ako dahil may libre. Huwag lang akong mag-ingay. Ang simple ng bayad! "
"Oh please. Stop talking to yourself. You're too pretty to go to mental! "
"Tseh!" Hindi nya mapigilang mamula sa sinabi nito. Kahit pa sinabihan syang baliw sa pagsasalita ng mag-isa, hindi nakalagpas sa pandinig nya na pinuri sya nito.
Mas lalong nag-init ang mukha nya dahil sa paraanpagtitig nito sa kanya.
"You're blushing!"
"Sabi mo it's rude to stare. Huwag mo nga akong titigan ng ganyan! "
"Why? Paano ba ako tumitig? "
"Para mo akong kakainin sa titig mo! Excuse me, hindi ako masarap! "
"I doubt that."
"Huh?"
"Let's eat. " nag-iwas na ito ng tingin at seryosong kumain.
Nakatatlong rice sya. Mabuti na lang may waiter na lumapit at sinabihan nyang order sya ng 2 extra rice.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series 5: Here Without You (Completed-unedited)
RomanceYana decided to find a work in Manila to help her parents. It will be a 30hour long boring travel. But her assumption of long boring travel is way far from true. A man, a jaw-dropping man to be exact, seated on her side and offers her free meals. No...