Chapter 6

71 4 1
                                    

The Campus Heartbreaker 
Written by Leykleyr

-6-

Dwaine's POV

Naiwan akong nakatunganga. That Yuri, she's amusing... And challenging. Pinilig ko ang ulo ko.

"Do you mind if I come with you?" I heard myself saying. Lumingon si Yuri at Veronica sa akin.

"Ha?"

"NO WAY! HINDI PWEDE!"

I grinned. You're principles are too high. And no one can stop me playing you. Whether you like it or not, I'd come...

"Why not, Yuri?" Tanong ko. Her forehead was creasing. Naiinis na siya...

"Why not?" She repeated. "You're a-!" Nahinto siya.

"I'm a what...?" Tumaas ang  sulok ng labi ko. She's panicking.

"Never mind!" She snapped. "Tara na mga, Veronica!" Naglakad na sila palayo. Hinabol ko sila at hinawakan ko ang  braso ni Yuri. I was electrified by touching her. What was that?

"Sama na ako, please?" I pleaded. I'm not in my usual self. Kung ayaw sa akin, lalayuan ko na. I don't beg.

"Fine! Sumama ka na!" Nakasimangot na sabi ni Yuri. Oh, yes!

Sabay kaming tatlo na naglakad papuntang cafeteria. Pinagtitingian kami ng ilan na nasa hallway. Hindi ko na lang sila pinansin.

Yuri's POV

Nakapila si Dwaine para umorder sa aming tatlo. Libre nya daw e.

"Anong meron sa inyo ni Dwaine?" Ani Veronica pagkaupo namin sa isang table. Tinukod ko ang kamay ko sa mesa.

"Huh? Wala 'no." Sabi ko. Wala naman kasi talaga e. Bored lang siya kaya siya sumama sa amin. I wonder kung may kaibigan ba siya.

"Asus! Meron e!" Ngising-aso niya.

What? One week pa lang simula ng pasukan, iisipin niyang mayroong namamagitan sa aming dalawa? And to think na palagi pa siyang absent.

Hindi ko na lang pinansin ang  panunukso niya. Bahala ka dyan!

Dumating na si Dwaine na may dalang pagkain at inumin. Natigil naman ang  panunukso ni Veronica pero nakangisi pa run siya ng nangangasar lalo na bang umupo si Dwaine sa tabi ko. Pinandilatan ko naman siya. Veronica, humanda ka sa 'kin mamaya!

Kumagat ako sa burger. Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang  kaklase kong si Krissa na may pagka-nerd na masama ang  tingin sa 'kin kasama ang  kaibigan na bakla na si Ann. Huh? Pinilig ko ang  ulo ko at kumagat uli.

Nakita kong kumuha si Dwaine ng tissue at dahan-dahang nilapit sa mukha ko. Pinunasan niya ang ketchup sa gilid ng labi ko. Na-conscious ako ng tinitigan niya ng matagal ang  labi ko kaya iniwas ko ang tingin.

"Ang  kalat mo kasing kumain e..." Ngumiti si Dwaine. Pakiramdam ko ay mamatay ako sa kaba kaya nilagok ko ang softdrink.

Nawalan ako ng sasabihin kaya ngumisi na lang ako. Buti na lang hindi nanunukso si Veronica sa nangyari. Naka-O lang ang  bibig niya.

Biglang tumunog ang cellphone ni Dwaine na nakapatong sa lamesa. Kinuha niya ito at binasa ang laman.

"Shit." Mahinang mura niya. Nagkatinginan kami ni Veronica. Bakit kaya.

"Sorry, Yuri, Veronica. I need to go. May klase pa pala ako. Bye." Kinindatan niya si Veronica at may binulong. Playboy! Nang makaalis na si Dwaine, nagtitili si Veronica sa kilig. Napapatingin na mga ang  ibang estudyante sa amin.

"Sshh!"

"OMG!" Nakatakip ang bibig niya para hindi tumili.

"Bakit, Nica?" Tanong ko, magkasalubong ang  dalawang kilay.

"Magkita daw kami ni Dwaine mamayang dismissal!" She shrieked.

My mouth gaped open.
Natahimik ako. Magkikita silang dalawa mamayang dismissal? Anong gagawin nila? Magde-date? Oh my. Dwaine likes Veronica! But he's a heartbreaker or a playboy or a womanizer! Name it!

"Hey, Yuri! Ok ka lang?" She snapped. Tumango ako.

"Yes. I'm okay. It's just that..." Nabitin sa ere ang sasabihin ko.

"Na lolokohin niya ako?"

"Uh..." Now, I'm lost of words. Ayoko namang akusahan si Dwaine na lolokohin niya lang ang kaibigan ko pero I've seen him with his girl toys. Kanina lang nakita ko siyang nakikipaghalikan e.

"Do you like Dwaine?" Straight na nakatingin siya sa mata ko.

"No. I don't like him..." I'm certain.

"So pwedeng maging kami? Tutal, wala ka namang gusto sa kanya..." Ngumisi siya.

Nagbara ang lalamunan ko. Nagawa kong tumango. I really don't like Dwaine. He's a heartbreaker. And I hate heartbreakers...

The Campus Heartbreaker || seulminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon