The Campus Heartbreaker
Written by: Leykleyr-23-
Sumulyap ako sa paligid at nagpakawala ng buntong-hininga. Sana hindi ko siya makita... I am referring to the campus heartbreaker, Dwaine Jarred Guzman. Oo, tinataguan ko si Dwaine. Bakit? Wala, trip ko lang. Kidding aside, ayoko na talagang lumapit sa kanya. Baka sa t'wing nakikita ko siya, mas lalo akong mahulog... At hindi niya ko kailanman sasaluhin. Base sa kanya, mahal niya pa daw yung ex niya. Paano ako?
I closed my eyes and crossed my fingers. "Sana hindi ko siya makita..." Piping usal ko.
"Boo!"
Napatalon ako sa gulat at humarap kay Dwaine na humagalpak sa tawa. Napapikit na lamang ako ng mariin para hindi siya tignan. Buti na lang, wala akong sakit sa puso! Naku!
"Pfft- hahaha!" Tawa niya. "Uy, bakit ka nakapikit? Mukha kang engot." Komento niya kaya napairap ako sa isip ko.
Naisip kong wala na akong sasabihin pa kaya tumalikod na ako.
"Ge." At winave ko ang kanang kamay ko. Bahala ka dyan. Ayoko na. MU. Mag-isang Umiibig. Saklap ng buhay.
"Uy, anong problema mo?" I felt his hand grabbed my arm kaya napahinto ako.
Problema ko? Ikaw.
"Wala." I casually said. I removed his hand and started to walk.
"Yuri!"
Pinagtitinginan na kami dito. Gosh, I hate attention! Pero itong si Dwaine ay gustong-gusto yata kaya gumagawa siya ng ganitong scene! Ayoko ma-issue sa kanya!
Yuri, pretend that you didn't hear him. Okay? Okay.
"Yuri Nicole Yamamoto! Iniiwasan mo ba ko?" Sigaw niya sa akin dahilan para kumunot ang noo ko.
I shook my head in response.
"Really?" May bahid ng panunuya ang boses niya.
"Oo. Sige, alis na ko! Male-late na ko sa klase ko."
"Wait!"
"Ano?!"
Naramdaman niya sigurong inis ako sa kanya dahil sa tono ng boses ko. I felt surprise when he held my hand and suddenly, I am electrified by him. This is weird. I never felt this way before...
"Come with me..."
"Huh? Saan naman?" Naguguluhang tanong ko. May pasok kaya ako! "Teka, may klase ako!" I protested. Hay. Bakit ba ko umaangal? Ayan na nga, inaaya ako ni Dwaine na sumama sa kanya tapos nagi-inarte pa ko?
"Secret!" He showed a grin.
"Eh?"
He let out a chuckle. "Ipapakilala kita sa kanya..."
"Sino?" I asked in confusion. Kanino niya ko ipapakilala?
"Just wait. Dadalhin kita sa kanya."
-
The car stopped in front of a cemetery and I immediately felt gloomy. Sa tuwing napapadaan o kapag may dinadalaw kaming relatives who passed away, ganitong-ganito ang nararamdaman ko. I thought of their families na naiwan... What would happen to them? Who would take care of them... And such questions.
Dwaine bought a bouquet of flowers sa nadaanan namin. Sino kayang dadalawin niya? That person... Siguro napaka-importante niya sa buhay ni Dwaine.
Naglakad kami at nasa likod niya ko. Tahimik na sinusundan ko siya hanggang huminto siya. Humarap siya sa akin at sumilay ang ngiti sa labi niya.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartbreaker || seulmin
Storie d'amoreWill a heartbreaker turns into a lover?