The Campus Heartbreaker
Written by Leykleyr-3-
Yuri's POV
"IKAW?!?!?!" We exchanged glances.
Silence filled the entire room. Kulang na lang makarinig ako ng 'croo croo' or cricket sound.
"Mr. Guzman, you're late!" pagbasag ng katahimikan nung teacher.
"Yeah, yeah. I'm late. And so?" Ang taray naman nitong lalaking 'to! Pati teacher, pinapatulan?!
"You're such an impolite, Mr. Guzman! Take your seat!"
Nye? Ganun na lnag yun? Wala man lang detention o ano? Matapos siyang sagutin ng pabalang niton si Mr. Guzman aka Jerk, papaupuin niya na lang? Unbelibabels.
Umupo na rin ako sa upuan ko, sa tabi ng bintana. Ang hangin! Halos nililipad ang ilang strands ng buhok ko pagkaupo eh. Peaceful pa. Wala naman akong katabi kasi wala namang nagbabalak umupo sa tabi ko.
"Psst!" narinig kong may kumakalabit sa'kin. Lumingon naman ako sa likod ko at nakita kong si Jerk yun na nakangisi. The eff! Balak niya talaga akong inisin forever at sa likuran ko pa umupo?!
"Oh?!" pagtataray ko sa kanya. Nakita ko naman siyang may binigay na notebook at sinasabi niyang basahin ko daw. Ano namang kabaliwan 'to?
Binasa ko naman ang nakasulat sa notebook niya.
'Hindi pa tayo tapos, CLUMSY LADY. -Dwaine'
Uh huh! So, Dwaine pala ang pangalan niya. Kinuha ko naman ang ballpen ko sa bag at nagsulat.
'Then do what you want, JERK! :P -Yuri'
In-emphasize ko talaga yung jerk at nilagyan ko pa ng emoticon. Pang-asar lang. Binigay ko naman ang notebook sa kanya matapos magsulat. After a couple of seconds, binalik niya sa'kin.
'Jerk?!' napangisi ako ng mabasa ko ang reply niya. Oh yeah. Naiinis na siya oh.
'Why? Prob with that? Bagay naman sa'yo yung jerk eh.'
Binasa niya naman yun at napamura ng mahina. Hahaha!
Dahil sa inis niya, di na siya nag-reply pa at umu-ob na lang. Sheez! Ba't di siya sinasaway ni Ma'am? Unfair!!
---
*RIIIIINGGGG!*
After 123456789 years, break time na! Pumunta na ko sa caf. Gutom na yung mga ahas ko sa tiyan eh!
Sinabi ko na yung order ko sa tindera.
"Coming up!" Wow! Parang nasa restaurant lang ah! Sosyal.
"Here's your order, Ma'am. Enjoy!" sabi nung tindera sa 'kin at binigay ko naman ang bayad ko. Baka naman restaurant anag napuntahan ko at hindi caf?
Buti na lang at malaki ang caf at marami pang vacant seats. Umupo naman ako sa isang bakanteng table.
*nom. nom. nom. nom. nom. nom.*
Waaaaaaaaaah! Ancharap naman ng fried chicken nila! *u*
*nom. nom. nom. nom. n---*
"Masarap ba?"
Nagulat naman ako dahilan para mabulunan ako. Dali-dali naman niyang inabot sa aking 'yun iced tea ko saka nilagok. Chikusho, chikusho!
"Ayos ka lang ba?" sabi ni Jerk at hinagod-hagod niya pa ang likod ko. Si Jerk ba 'to??! o.O
"Oo, ayos lang ako. Salamat." Hoy, hoy! Sincere ako dyan ah.
"Hayy! Nakakainis ka!" sabi ni Dwaine at nag-walk out.
Anyare dun?!
***
Dwaine's POV
Argh! Ano ba ang ginawa ko? Naalala ko sa kanya si--- Okay, Dwaine! Past is past. You're over her.
"Dwaine, honey?" I came back to my senses nang marinig kong magsalita ang TOY girlfriend ko na nakalimutan ko na ang pangalan. Her red lips were pouting.
"Let's break up." Walang emosyong sambit ko. Wala namang patutunguhan 'tong paglolokohang 'to, e.
Nabigla naman siya sa sinabi ko. What's new, huh?
"What?! Akala ko ba mahal mo ko?" mangiyak-ngiyak na sabi niya. Hah! Anong akala niya sa'kin? Seseryosohin ko siya? No way in hell.
Napangisi naman ako, "You don't know me yet, huh, Queenie?"
"QUEENIE? It's Sharmaine!" pagmamaktol niya.
"Okay, okay. FINE. Sharmaine. Tss!" I said as I rolled my eyes heavenwards, "Sawa na ko sa'yo kaya let's end this."
"P-pero, m-mahal kita, Dwaine!" Napangisi ako. She doesn't know me? I'm the campus heartbreaker.
Who the fuck cares?
"Wala kong pake kung mahal mo ako, mahal ko rin naman ang sarili ko." I said blandly.
Nag-walk out naman siya sa sinabi ko habang umiiyak. Mga babae talaga, ang daling paikutin.