The Campus Heartbreaker
Written by: Leykleyr-22-
"What if... bumalik siya. Babalikan mo pa rin ba?"
He frozed.
He cleared his throat and smiled a little. "Oo... Mahal ko eh..."
Mahal ko eh...
Mahal ko eh...
Mahal ko eh...Sana hindi ko na lang pala itinanong...
Sana pala nanahimik na lang ako.
Alam ko ng masasaktan ako tapos tinanong ko pa. Sinong tanga dito, Yuri.
I let out a deep sigh and faked a smile. "Wow. How sweet of you, Mr. Campus Heartbreaker..."
Inirapan niya ako. "Tss!" Lumayo ako ng matapos ang paglagay ng band-aid. Sana may band-aid din para sa sugatang puso. Waw. Kung may makakagawa siguro nun, maraming tao ang masaya kasama na ko doon. Pero napaka-imposible. Tsk.
Kahit na nasasaktan, humalakhak ako. Peke.
"Sana ako na lang siya."
"HA?"
"B-bakit? M-may sinabi ba ko?"
"Sabi mo, 'sana ako na lang siya'."
"Ha? Wala akong sinabing ganyan ah! Ikaw, Dwaine... Assuming mo! As if naman! Hindi kita type! Over my drop dead gorgeous body! No! Way!"
Napangisi siya. "Really? Eh bakit ka defensive?"
"I'm just explaining, okay?"
He let out a whole-hearted laugh and I couldn't help to drool over him.
"Uh huh. Sige, magkukunwari na lang akong walang narinig." He mockingly said.
Bakit ba kasi ako nadulas? Dumb, Yuri. Dumb.
"Bahala ka dyan." Pinagkrus ko ang aking braso sa dibdib.
"I'll continue this..." He turned his back.
I heard the doorbell rang.
"Ako na magbubukas, Dwaine!"
"Sure."
Patuloy ang pagring ng doorbell. Grabe ha, sisirain niya ba yung doorbell? Hindi makapag-antay?
"Wait!"
Tumakbo ako. At binuksan ko ang pinto.
"Hi!" I instantly felt my heart pound. Oh my. Such a cute boy!
"Hello!" I replied, smiling.
"Pwede pumasok?"
"Uhhh... Kasi little boy..."
"Pretty pleaseeee?" Pinakita niya sa akin ang puppy-eyes look niya. I couldn't resist a cute boy like him!
"Okay!"
"Heeheehee!" Nagpapalakpak siya. He's like 5—year—old boy at napaka-hyper niya kasi bigla siyang nagtatalon sa sofa! Wahaha.
Dahil likas sa akin ang pagiging gaya-gaya...
Tumalon-talon rin ako sa sofa! Wahahahaha. No one can stop meh! Buti na lang, medyo malaki yung sofa.
Ang saya-sayaaaa! Feeling ko bumalik ako sa pagkabata.
"Yuri-"
Nakita kong lumabas si Dwaine mula sa kusina at awtomatikong nalaglag ang panga niya. Oops. Sa kanya pala 'tong sofa! Lagot! Lagot kaming dalawa ni little boy!