Narrator's Perspective:
Nang dumating na si Michelle, nagsikain na ito ng tanghalian.
"Guys! Swimming tayo mamayang hapon!" Sabi ni Michelle sa kasamahan nito.
"Sige ba! I'm so Excited!" Sigaw rin ni Sarah. Excited na ang dalawang dalaga sa pag-siswimming nila sa tabing dagat kasama ang mga kaibigan. Napansin naman ng dalagang si Michelle na wala ang isa nilang kasamahan kaya lumingon lingon ito sa paligid.
"Magsitulog muna tayo, alam kong pagod kayo kaya let's have a break." Saad naman ng binata na si Vince.
"Yes Sir!" Sabay salute naman ng kanyang kaibigan na si Lance at Michael. Habang nag-uusap ang magkakaibigan pumunta naman si Nathan sa kusina upang tulungan ang dalaga sa paglilinis ng kusina. Napansin naman ng dalaga na umalis agad ang kanyang kaibigan na si Nathan papuntang kusina.
"Hi Kim! Tulungan na kita!" Ngumiti naman ang dalaga sakanya. Habang nililinisan nila ang kusina biglang dumating naman si Michelle.
"Hoy Made Kim! Nilalandi mo ba si Nathan?" Nabigla naman si Kim sa sinabi ng kanyang kaibigan.
"H-ha? Hindi noh!" Sabay balik nito sa kanyang ginagawa. Iniwasan niyang tignan si Nathan dahil alam nitong tinitignan siya nito.
"Ano bang pinagsasabi mo Michelle? Tss." Di ito pinansin ng dalaga at tinignan muli nito si Kim.
"Pagkatapos mo diyan Kim, matulog ka muna! Magswi-swimming tayo mamaya! Kbye!" Sabay flip hair niya dito. Dahil sa pag-uusap ng magkakaibigan, di nila napansin ang batang nakakatitig sakanila. Halatang galit na galit ito kay Kim. Hindi nito tinatantanan ang pagsusunod sa dalaga. Hindi namalayan ng dalaga ang matang nakasunod sakanya.
Pagkatapos ng dalawang maglinis, pumunta muna sila sa kanya kanya nilang kwarto.~~~After 3 hours~~~
Masaya ang magkakaibigang naliligo sa tabing dagat.
"Waaah, bi-bitawan mo nga ako Lance! Waaah!" Binuhat ni Lance si Michelle papunta sa tubig at pumunta sa malalim na parte ng dagat.
"Ang bigat mo Michelle! Baboy! Hahaha!"
"Bi-bitawan mo ako Lance! Waaah!"
"Ayan ang gusto mo, sige pagbibigyan kita hahaha!" binitawan ni Lance si Michelle sa medyo malalim na part ng tubig.
"Waaah! Tu-tulong! Tu-long! Help!" Habang nagpapaypay ito ng kamay.
"Hahaha" tinulongan naman ito ng kaibigan niyang si Lance umahon sa tubig.
"Walanghiya ka Lance! Papatayin mo ba ako ha?!" pasigaw na sigaw ni Michelle sa kaibigan nito. Pinagsusuntok ni Michelle ang kaibigan. Habang nagtatalo ang magkaibigan may biglang humawak sa paanan ng dalaga.

BINABASA MO ANG
Roadtrip
HorrorBakasyon. Barkada. Trahedya. Ito ay Rated SPG. Striktong patnubay ng magulang ang kailangan. ※◎ H I A T U S ◎※