Chapter 10

492 27 6
                                    

Vince

*Boooogsh*

Bigla kong nabitawan ang hawak kong baso. Nagulat ako ng makita ko siya, nakakaawa ang kanyang itsura. Gusto ko siyang lapitan. Gusto kong ikumpirma kung totoo ko ba siyang nakikita. Gustong gusto ko sana. Sinubukan ko paring ihakbang ang mga paa ko kaso parang ayaw ba nitong kumilos at may sarili itong isip. Nakikita ko siyang nahihirapan. Humihingi siya ng tulong, nagmamakaawang tulungan ko siya kaso wala akong magawa. Duguan siya. Sinubukan ko ng sinubukan hanggang sa maihakbang ko na ang isa kong paa. Biglang namang dumilim ang paligid. Hinakbang ko ulit ang isa kong paa at sa wakas ay naigalaw ko ito ng walang hirap. Tumakbo ako sa pinaroroonan niya kahit di ko na makita ang dinadaanan ko.

"Vince..." kasabay ang mahinang hikbi niya.

"Tulungan mo ako." patuloy na hikbi niya. Lumingon lingon ako para makita siya ngunit napakadilim at hindi ko siya makita.
Kinapkapan ko ang shorts ko at nakapa ko nga ang cellphone ko. Binukas ko agad ito at binuksan ang flashlight. Tinapat ko na agad ito sa harapan ko.

"Vince!" Nagulat ako ng makita ko siya sa harapan ko. Hindi ako makagalaw.
Paanong nangyari ito sakanya?

Umiiyak siya habang duguan ang kanyang katawan, parang pinahirapan.

"Tulungan mo ako." Ang huli niyang sinabi at tuluyan na siyang nawala sa harapan ko. Dumilim ang paningin ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

"Vince! Vince!"

"Vince! Uy! Vince! Ayos ka lang ba?" Sabay pitik nito sa noo ko. Natauhan naman ako sa ginawa niya. Nakita ko silang nakatayo sa gilid ko.

"Ayos ka lang Vince? Namumutla ka at tulala ka pare. Parang nakakita ka ng multo haha!" Pagbibiro ni Lance.

"Stop that nonsense teasing Lance!" Iritang sabi naman ni Michelle. Tumingin ako sa kinatatayuan ko. Nakaharap lamang pala ako sa labas ng bintana.

"Ayos ka lang ba Vince?" Sabay akbay ni Nathan saakin.

"H-ha? O-oo! Haha" Hahakbang na sana ako ng pinigilan ako ni Nathan.

"U-uy! May bubog diyan!" Pagpipigil niya saakin lumakad papunta Sabay turo niya sa paanan ko. Tinignan ko naman ang hahakbangan ko at nakita ko nga ang mga bubog na nagkalat sa tiles. Nabitawan ko nga pala yung basong hawak ko kanina, sht!

"Wala ka sa sarili!" Sabay cross arm ni Michael.

"Oo nga!" Sabay cross arm rin ni Lance at tumabi kay Michael.

"Kami na maglilinis dito." Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko siya. Napaatras ako ng bahagya at naging sanhi ito upang matapakan ko ang mga bubog.

"Vince!" Sigaw ni Michelle, at dali dali niya akong hinawakan.

"What the heck are you thinking!?" Alalang sabi nito. Inalalayan niya akong umupo at nag insist na siyang linisan ang sugat ko. Hinayaan ko na lamang siya at tinignan ang mga bubog. Namamalikmata lang yata ako kanina. Hinilot ko ang noo ko para pakalmahin ang sarili ko.

Ilusyon o imahinasyon lang yon Vince, nandito siya at ligtas na ligtas. Walang mangyayari masama sakanya at sainyo Vince.  Kalma ka lang, inhale... exhale...

Roadtrip Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon