Chapter 14

294 18 4
                                    

Michelle


"Kim..." tinignan ko siyang mabuti. Lumapit siya saakin, napaatras naman ako ng ilang hakbang. Natigilan naman siya sa paglapit saakin. Napakunot naman ng noo si Kim at tinignan ako sa mata.

"Is there any problem?" Aniya ni Kim. Natahimik ako sa tanong niya. Totoo kayang hindi siya ang kilala naming Kim? Natatakot ako sa sitwasyon namin ngayon.

"H-ha? N-nothing! Duh!" Sabay irap ko. Ugh! I can't calm down. Yumoko na lamang ako para hindi niya makita ang mukha ko. Nanginginig ang katawan ko sa kaba. Biglang namang may tumapik saakin.

"Gosh!" Sigaw ko. Napahawak ako sa dibdib ko at nilingon kung sino ang tumapik saakin.

"Lets go baby." Sabay akbay saakin ni Michael. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Sabay sabay na kaming bumalik ng bahay.

"Kim." Lumapit ako sakanya sa may pinto. Kinakabahan ako sa gagawin ko. Kukumpirmahin ko lang kung totoo nga bang hindi siya ang kilala namin. Lakas loob akong ngumiti.

"Bakit?" Sabay tingin niya saakin. Hindi naman siya ganito makitungo saakin. Palagi siyang nakayuko noon pero ngayon. . . mukhang malaki ang pinagbago nito.

"Do you remember Grace, your close friend when we are high school?" Napaisip naman siya. Naghintay ako sa sagot niya. Sabihin mo ang totoo.

"Bakit?" Kunot noo nitong tanong. Naramdaman kong nagsitaasan ang balahibo ko, kaya hinaplos ko ito.

"Ahm, I just remember her. I want to invite her for the party." Hindi ako nagpahalatang kinakabahan. Kinalma ko ang sarili ko ng hindi nagpapahalata.

"Ohh I see. Hindi ko na siya nakikita mula ng mag graduate tayo." Tinignan niya ako sa mata. Iniwas ko naman ang titig niya. Baka mabasa niya ang iniisip ko.

"Ganon ba? Okay." Sabay talikod ko sakanya. Pinagpawisan ako ng malamig ng maramdaman kong nakatingin pa siya saakin.

"Hey Michael!" Tawag ko kay Michael para hindi niya ako panghinalaan. Para maibaling niya ang tuon niya sa iba.

"What?" Nakunot noong tumingin saakin.

"Nothing." Umupo ako sa sofa at binuksan ang cellphone ko. Pasimple kong tinignan si Kim. Nakatuon na ngayong ang atensyon niya kay Sarah. Mukhang nagkakatuwaan sila.

Parang tama ang hinala ko. Kanina. Isang palabas lamang ang ginawa ko. Wala akong kilalang Grace. Wala kaming classmate na ang pangalan ay Grace. Smirk. Wala siyang ibang kasama noong high school siya kundi kami. Haha. Pathetic! Umakyat ako sa kwarto namin. Oh my gosh! Kasama ko siya...sila sa isang kwarto. Be brave Michelle. Be brave. Pretend that you don't know anything. Pumikit ako para maramdaman ko ang sarili ko. You will do this for Sarah and Kim.

"Michelle?" Ramdam kong nakangisi ang tumawag saakin. I know it! The devil one.

"Oh! Hi dear." Wag kang matakot sakanya. Back to bitch mode. You can do it.

"Bakit hindi ka pa pumapasok?" Nakangisi niya paring tanong saakin. Nginisihan ko rin siya. Nagcross arm ulit ako para mawala wala ang kaba sa dibdib ko. Isang demonyo ang nasa harap ko, sinong hindi matatakot sakanya.

"I just saw something weird." Kalmado akong tumingin sakanya.

"Ahh. At ano naman yon?" Nagcross arm din siya.

"Dunno! Maybe it's a bug or something?"  Sabay kibit balikat ko. Tatalikuran ko na sana siya ng bigla kong maramdaman ang kamay niya.

Tinignan ko naman ang kamay niya at tinaasan ng kilay. Gosh! Ibubuka niya na sana ang bibig niya ng tinapik siya ni Kim sa balikat. Umiling-iling na lamang ito, sabay alis nila. Tch! What's her problem? Ohmy!? Baka balak niya na akong patayin!? Tumingin ako sa pinto kung saan pumasok sina Kim. Sa kwarto namin. Papasok pa ba ako? I need to. Baka makahalata siya. Pero... Gosh! Pinihit ko na ang pinto at umarte sa harap nila na wala akong alam.

"This day is a long day!" Sabay higa ko sa kama ko. Nagpanggap akong pagod na pagod. Tinignan ko sila at nakatuon lamang ang pansin nila sa iba."Oh by the way Sarah." Pang aagaw ko ng atensyon niya. Tumingin naman siya saakin.

"Hmm?"

"About that... Ahm. I am very sorry for slapping you kanina." Alangin pa akong ngumiti sakanya. Tumango-tango lamang ito saakin. Humarap na ako sa kisame. Nung nakaraang araw hindi ko siya gaanong nakakausap pero nong dati siya ang palagi ko namang kausap.. Totoo kayang... totoo kaya talagang patay na si Sa-sarah? Naramdaman kong basa ang pisngi ko. Lumuluha na pala ako ng hindi ko namamalayan.

This not the right time to face you bitch.

Kim

Sana maniwala siya... Maniwala siyang totoo ang sinabi ko sakanya. Kung hindi ko man masalba ang sarili ko, sana masalba ko ang mga kaibigan ko. Hindi ko man naisalba si Sarah, gagawin ko ang lahat para walang mangyari sakanila. Ibubuwis ko ang buhay ko para sakanila. Para sa mga kaibigan ko. Napasinghap ako. Maraming bagay ang gusto kong gawin. Palubog na ang araw. Bagong umaga na naman. Kailan kaya kami uuwi ng Manila? Hmm. I miss Mom and Dad. Tinanaw ko ang bahay na tinutuluyan nila. Nasa ilalim ako ng narra tree at dito magpapalipas ng gabi.

Malamig na simoy ng hangin at dilim ang nakikita at nararamdam ko. Yinakap ko ang sarili kong tuhod. Hmm. Tinanggala ko ang mukha ko at nakita kong padilim na ang langit. Dapat magluluto na ako sa mga oras na ito. Hay.. Inayos ko na ang pakaka-upo ko. Hinawakan ko ang tiyan ko. Hindi ko man lang maramdaman ang gutom.

"Patay na yata talaga ako." Napabuntong hininga ako sa saklap ng buhay ko ngayon. I need to plan.

"Tommorow is the day! So we need to enjoy this moment guys!" Unti-unti kong imulat ang mata at nakita ko silang may mga dalang picnic basket. Hmm? Tumayo agad ako at sinundan sila. Uminat-inat ako at humikab. Nasa tabi ng dagat sila ngayon. Maaga sila ngayon ha? Anong meron kaya? Hinanap ko si Kim II. Walangyang Kim II na yan. Nakakainis! Ako mismo ang puputol ng kasamaan mo! Bwesit! Hinanap ito ng mata ko ata ayon siya! Napaka! Ang landi! Hindi ba nakakahalata niyan si Nathan? Hindi naman ako ganyan ha?! Si Nathan nasa right side niya at si Vince naman ang nasa left side niya. Aish! Parang hindi friendly cling yan! Flirty cling! Akala ko demonyo ang kalaban ko. Isa palang malandi.

"Kim." Napatalon ako sa gulat. Tumingin agad ako kung sino ang tumawag saakin.

"M-michelle!" Gulantang ko paring nakatingin sakanya.

"Huwag tayo rito." Hinawakan niya ako. Oh my!? Hinila niya ako papalayo sa lugar na iyon.

"Oh my gosh! Na-nahahawak mo ako!" Tumango siya saakin at tinignan niya rin ang kamay niya na para bang namamangha.

"Nagresearch pala ako about sa condition mo." Panimula niya.

"Ano ang nakuha mong impormasyon?" Kinakabahan ako. Posibilidad bang patay na ako?

"Exorcism..."

"E-exorcism?" Naguguluhan kong tanong. Narinig ko na siya. Parang, it's all about the demon entering the body of a person?

"Yeah.. Mahirap paniwalaan pero oo. Kinuha ng demonyo ang katawan mo." Mapaklang sagot nito. Napayuko ako sa takot. Demonyo. Isang tunay na demonyo ang nasa katawan ko.

"We need to defeat her!" Bigla siyang umupo na namumula na ang kanyang mata.

"We need to kill that demon!! She killed Sarah! And you, look at you! That demon own your body! That bitch demon!" Lumuluha at galit nitong pabaling saakin. Pinunas ko ang luha ko at lumapit sakanya at umupo din. Tumapat ako sakanya at ngumiti.
"Don't worry. I'm planning to kill her though." Ngumisi ako at napagitla naman siya sa sinabi ko.

"You change a lot too Kim, and I like it." Tumawa kami at tumayo. Kwenento ko lahat sakanya ang lahat ng alam ko. Yung nangyari kay Sarah. Umiyak siya ng umiyak habang kikwento ko ng nawala ako sa katawan ko at ng mapatay si Sarah.

"Michelle baka hanapin ka na nila. Baka makahalata na niyang si Kim II." Tumango siya saakin.

"Remember. Bukas na tayo uuwi ng Manila." Tumango ako sakanya. Lumalakad kami pabalik sa lugar kung saan nagkakasiyahan sila Nathan. Nagpaalam na si Michelle at nilapitan na nito ang kanilang kaibigan.

Roadtrip Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon