Chapter 4

1.1K 79 17
                                    

"Vince!? Anong sabi mo?!"

"I'M SORRY!"

"UGH! I CAN'T BELIEVE THIS IS HAPPENING!"

Hmm. Ano bang nangyayari? *yawn* sabay dilat ko ng aking mata. Anong ginagawa nila sa labas? Hmm, gabi na ah? Dito na ba yun? *yawn* Sila Vince ba yung nasa tabi ng kalsada? Anong ginagawa nila jan? Bumaba ako ng Van para tignan sila kung ano ang ginagawa nila doon.

"Naliligaw na tayo." Waaaah! Sh*t! ano ba yan! Ugh! Nanggugulat naman to. Tss. Wait anong sabi nya? Anong sabi ni Nathan?

"A-Ano?"

"Naliligaw na tayo" walang emosyon niyang sabi. A-ano? O_o

"P-paanong nangyaring---"

"Nakalimutan niya kung saan tayo dumaan kanina, nung babalik nalang sana tayo."
A-ano? Anong mangyayari na nito samin? Pano na kami makakabalik nito? T_T Kinuha ko bigla ang cellphone ko para matawagan ko sana sina mommy para malaman nila itong nangyari samin.

"Walang signal, kanina pa kami humahanap ng signal para sana humingi ng tulong." Huhuhu, ano ng mangayari nito samin dito? Mabubulok kami rito.

"Wala tayong magagawa sa ngayun, kaya ipagpabukas nalang natin ito para walang mangyaring masama. Dilikado na at malalim na ang gabi. Matulog nalang muna tayo." sabay pasok niya sa sasakyan. Hays! Ano pa nga ban magagawa namin kundi ang maghintay pa bukas. Pumasok nalang ako sa sasakyan dahil palapit na rin sila Vince. 

Di ko maimagine ang kalbaryo sa araw na ito! Hays. Hinablot ko sa bulsa ko ang cp ko para sana mag-text.

Ugh! Wala palang signal! Bobita me! Kinuha ko nalang ang headset ko sa bag para makapagsoundtrip nalang muna. Hmm, yung bata kaya? Sabihin ko nalang kaya sakanila yung nakita ko kanina. Ano ba yan! Baka namalikmata lang talaga ako. Weird! Pinikit ko nalang ang mata ko para iprocess sa kukote ko na ang tanga-tanga ko talaga! Sabi ko na kasing wag nalang akong sumama sa kanila eh!

Ako yata ang malas sa kanila. Malas! Malas! Malas! Kakainis! Bata palang ako nakakakita na ako ng mga bagay na di nakikita ng ibang ordinaryong tao. Gabi-gabi ako noon nakakakita ng mga espiritung dapat di ko dapat makita, iyak lang ako ng iyak pagnakikita ko sila pero ng tumagal nasanay na rin ako at unti-unting di ko na sila nakita pa kailan man. 

Roadtrip Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon