Chapter 8

703 37 10
                                    

Sorry guys! Very slow update ako ngayon dahil sa pagiging buhay estudyante! Hahaha. Dumudugo na kasi ang brain ko sa course kong engineering! Future Inhinyera ang ate niyo mga besss! Hahaha. Hi Ruth! Kung mababasa mo ni! Hahaha. Anyway, mahaba-habang update to mga bess!

Ps: Di po ako magaling sa Math. At mas mahina ako sa English. Hahaha

~ ~ ~ ~ ~ ~

Kim

Naalimpungatan siya sa ingay ng kanyang paligid. Dahan-dahan nitong iminulat ang kanyang mga mata. Napagtanto niyang wala siya sa kanilang tinutuluyan dahil sa batong kanyang kina-uupuan. Bigla naman itong napahawak sa kanyang ulonan dahil sa kirot na siyang nagpapahina sa kanya.  Kinapapa-kapa niya ang kanyang ulo at naramdaman niyang basa ito.

Nabigla siya ng makita niyang duguan ang kanyang kamay  na galing sa kanyang ulo. Hindi niya maalis ang kanyang paningin sa duguang kamay dahil sa takot na pwedeng mangyari sa kanyang sarili.

 Sinikap niyang tumayo kahit nakakaramdam ito ng sakit ng katawan na di niya malaman kung pano niya ito nakuha. Habang naglalakad siya, nakaramdam  ito ng kaba. 

"Hahahahahaha!" 
mahinang tawa ng isang bata.

Napahinto ang dalaga sa paglalakad ng marinig niya ito. Nagsitaasan ang kanyang balahibo. Nagmadali itong lumakad papunta kung saan man. Madilim ang paligid, di niya makita ang kanyang tinatakbuhan.

"Hahahahaha!" 

palakas na palakas ang  tawa nang bata. Biglang nanlamig ang paligid. Pinakiramdaman niya ito ng biglang may humawak sa kamay niya. Malamig ang kamay nito, mukhang sa bata ang kamay nito.

Hinila siya nito. Di siya makapalag at nanlalamig na ang katawan niya. ilang beses siyang nadapa dahil sa batong kanyang mga natatapakan. Ilang minutong nakaraan, binitawan siya nito.

Hindi siya makagalaw. Di siya makapaniwala. Nanlalamig na ang katawan niya. Nanlulumo na ang kanyang mga tuhod. 

Bigla siyang natauhan nang may naanig siya nang sinag ng araw. Mangiyak-ngaiyak siyang lumakad papalapit dito. Namamanhid na ang kanyang mga tuhod at kamay dahil sa natamung mga sugat. Hindi niya gaanong nagagalaw ang kanyang kanang kamay.
May naapakan siyang sanga ng kahoy at ikinuha niya ito. Ginamit niya itong gabay para sakanyang paglalakad. Hindi niya namamalayan na may sumusunod na pala sakanya. Hindi siya nito nilulubayan.

Nang makarating na si Kim sa labas, napagtanto nitong nasa kweba pala siya. Padali-dali siyang lumakad palayo dito kahit nagdaramdam itong sakit sa katawan.

"Pagod na ako, ayaw ko na." Sabay upo nito sa damuhan ng makalayo layo ito sa kweba.

"Ouch! Nasaan na kaya sila? Aish!" habang nakatingin ito sa kanyang sugat na medyo nagdudurugo. Pinagmasdan niya naman ang kagubatan kung nasaan na nga ba siya.

"Huhu, nasaan kaya ako?" Nakasimangot na tanong sa sarili. Bumuntong hininga siya, tinignan niya ulit ang kanyang mga sugat at pasa. Pinunit niya ang babaan ng kanyang damit at itinali niya ito sa kanyang sugat na medyo nagdudurugo. Naglakad ulit siya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta.

Roadtrip Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon