Chapter 2

1.7K 100 14
                                    

"H-ha?" Gulat na tanong ni Vince.

"B-bakit ka tumigil, bakit tayo huminto? M-may problema ba?" Kinakabahang tanong ko sakanya.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" walang tigil na sigaw ng may naramdaman akong kamay sa balikat ko.

"Ki-kim, Kim!!! Huminahon ka! Ano ba ang nangyayari sayo?!" Nag aalalang tanong ni Nathan sakin. Lumingon ako sakanila. Sa mukha nila masasabi mo nang nag-aalala na sila saakin except kay Michelle.

Yu-yong ba-batang babae!! Katabi niya na naman si Nathan! Pinikit ko bigla yung mata ko, dahan dahan kong iminulat ang aking mata para makita kung naroroon pa ba ang bata.

Wala na yung bata! Lumikot ang aking mga mata, nang maramdaman ko ang kakaibang pakiramdam, nangiginig akong tinignan ang nasa gilid ko. Di ako mapakali, pero salamat naman at wala naman akong nakita. Parang may nagmamasid samin na ewan. Di ko talaga alam kung anong klaseng tao ito. Lumingon ulit ako kay Vince.

"Bakit tayo huminto?" Nanginginig kong tanong parin sakanya.

"Hah? Ka-kasi ---"

"Kim ayos kalang ba talaga? May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Sarah.

"A-ahh, wa-wala naman. Ahm Vince bakit tayo huminto?" Sabay lingon ko ulit sakanya.

"A-ahhh ha ha ha, naiihi na kasi ako hahaha. Wait lang kayo jan guys ha." Sabay baba niya ng Van.

"HAHAHAHAHAHAHA" walang humpay na tawa ni Michelle.

"Alam mo Kim, ang weird mo talaga tapos ngayon ang creepy mo pa! HAHAHAHAHA! V-vince ba-bakit tayo huminto? As in duh HAHAHAHA! Ang OA mo girl!" Dagdag niya pa.

"Ikaw ang OA jan Michelle! Tumahik ka nga!" Sabi ng kambal niya.

"Ang KJ mo talaga! Tssss." Pagmamaldita nito.

"Sorry guys hehe." Sabay upo ni Vince sa driver seat at sinimulan niya ng patakbuhin ito ulit. Ano na ba ang nangyayari sakin! Naghahallucinate na yata ako! Nasisiraan na ba ako ng bait?! Ano to? Paranoid?! Naka drugs ba ako? Di ko na alam kung saan nanggaling ang mga pinag iisip ko! Anong nangyayari sakin!!? Tama nga naman si Michelle weirdo talaga ako. Hays, Erase erase erase, mas mabuting kalimutan ko na yung weird thing na yon kanina. Hahaha.

Oo tama nga! Dapat ienjoy ko na ang bakasyon na ito! At para di na ako magmukhang weirdo sakanila.

Nagiging katawa-tawa na ako dito! I'm so stupid, I'm making my selves to miserable life! Ugh! Pinagmasdan ko nalang ang dinadaanan namin. Mas mabuting manahimik nalang kaysa may mapahiya ka pa sa mga kasama mo.

Kinuha ko nalang ang headset ko at pinakinggan ang paborito kong music. Ano kaya ang mangyayari sakin dito? Ma-eenjoy ko kaya ang bakasyon ko ngayon? Hmm. Tumingin ako kay Vince, Hmm. Tama bang sumama ako sakanya? Tama bang sumama ako sa hang-out nila? Napansin niya yata ang pagtitig ko sakanya kaya hininto niya ang kotse. Bigla naman siyang tumingin saakin.

"Kim, ayos ka lang ba talaga? Bakit mukhang maputla ka ngayon? Sabihin mo lang kung may problema ka, baka makatulong kami sa problema mo." ngumiti siya saakin ng pagkatamis-tamis. Bigla siyang lumapit saakin. Tinignan niya ako sa mga mata ko. Sa Hindi ko inaasahang pangyayari, inilapit niya bigla ang mukha niya saakin at hinalikan sa noo.

Ba-bakit niya ginawa yon? Gosh! Nakakahiya! Nakakahiya! Nakakahiya talagaNakakahiya sa mga kasamhana ko!

Nakatingin ulit siya saakin. Nginitian niya ulit ako at bumalik sa pagdrive. Tumingin naman ako sa likod namin, tulog na pala ang mga kasamahan namin. Mabuti naman at walang nakakita ng pangyayaring yon samin. Binalik ko ulit sakanya ang paningin ko. 

"Pasensya na pala sa kagaspangan ng ugali ni Michelle, alam mo na. Haha" nginitian ko nalang siya. Awkward. Di ako sanay ng ganito.

Roadtrip Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon