Chapter 9

487 32 3
                                    

Habang walang pasok, mag uupdate ako! Hahahaha. Guys may isa pa akong story! Ipo-promote ko lang ang story ko na Who's the Real Princess! Please basahin niyo rin, nilalangaw na kasi hahaha. Two chapters pa lang naman, matagal ko na itong ginawa kaso walang pumapansin. *insert sad emoticon*, self pity lols... Mas nauna ko pa po itong naipa-publish, may pagkahawig po ito sa Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo, nagulat nga po kami ng kapatid ko ng maypagkahawig ito sa story ng Moon Lovers pero di ko po yun ginaya ha, naipublish ko na po yun ng di pa narerelease ang Moon Lovers. Inunpublish ko nga lang kasi inedit ko pa, kaya ayun haha, pero wala po akong binago don. Yung simula lang naman po ang may pagkahawig sila. Salamat sa mga magbabasa! Kamsahamnida!

~~~~~~~~

Kim

Wala na siya. Wala na si Sarah.
Paulit-ulit na sumasagi sa kanyang isip.

Tulala lang siya habang nakayakap siya sa tuhod niya.

"Wala na si Sarah" bulong nito sa sarili.
Malamig na hangin ang bumabalot sa kanyang paligid ngunit hindi niya ito alintana. Nagbabagsakan ang mga dahon ng mga puno. Tumingin siya sa langit at pinakiramdaman ang paligid.

"Bakit po ito nangyayari saakin?" bulong nito sa sarili habang nakapikit.

Yumuko na ulit siya at nakita niya ang isang dahong bumagsak sa balikat niya. Kinuha niya ito, kakaiba ang dahong ito para sakanya kumpara sa iba.

Tinitigan niya ito ng tinitigan, biglang may tumulong luha sa pisngi niya. Hinayaan niya na lamang itong pumatak ang mga luha niya.

Narrator's Perspective

"Lance!?"

"Lance, ano ba!? Bumangon kana!"

"Oo na! Oo na! Babangon na! Put*ha naman yan oh!"

*yawn*

Biglang hinagisan naman siya nang tuwalya ni Michael.

"Aray ko naman! Problema mo!?" sigaw nito kay Michael.

"Sino kausap mo?" Takang tanong nito habang naghahanap ng damit sa bag niya.

"Ha? Si Sarah! Kanina pa ako sinisigawan ng babaeng yon!"

"Ha?"

"Ang sabi ko si Sarah--"

"Naiintindihan ko ulol!"

"Oh? Bakit ka pa nagtanong? Tss" umalis ito sa kama, at sinimulang mag warm up.

"Wala kang kausap kanina pa, mag isa kang nagsasalita ulol! Maiwan na nga kita diyan, nasisiraan kana ng bait!" Tuluyan ng pumasok si Michael sa CR. Nagtaka naman bigla si Lance sa sinabi ni Michael.

"Eh? Sino yung gumigising sakin kanina?" Sabay kamot nito sa ulo niya.

"Baka panaginip lang yun, kahit sa panaginip ko dinidisturbo parin ako ng babaeng yun! Tsk!" napangiti nalang ito ng palihim. Hinubad niya na ang kanyang damit at sinimulang mag exercise.

"1 2 3 , 1, 1 2 3 , 2, 1 2 3, 3..." habang nagpu-push up ito. Patuloy parin ito sa pag ehersisyo.

"Ang ganda rin pala ni Sarah, haha." Bulong nito sa sarili. Napatigil siya sa ginagawa niya.

Roadtrip Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon