Chapter 11

365 22 1
                                    

I-welcome natin sina Andrew, Kenneth and Louie! Sa di po nakakaalam, may pagka-humor po ito. Salamat pala sa patuloy na pagbabasa nito, huhu dahil sainyo naiinspire akong magsulat. Naiinspire talaga akong magsulat dahil kay idol author JamilleFumah sa story niya na Ara Dos. Ayon lang naman. Enjoy reading guyszzz!


~~~~~


Nathan

Bumunggad saakin ang sinag ng araw sanhi upang magising ako sa himbing ng tulog ko. Nasa sala pala ako nakatulog. Nagkalat ang mga buti ng wine at beer sa lapag at nakahiga naman don sila Lance at Andrew.

Ugh! Ang sakit ng ulo ko! Hinawakan ko ang ulo ko at saka tumayo papuntang kusina.

Ugh! Ang sakit! Napasobra ang inom namin, naparami ang inom namin dahil dumating pa sila Kenneth kagabi. Naabutan kong nakaupo si Kim sa upuan at nakatingin sa may bintana ng pinto. Tinignan ko rin kung ano ang tinitignan niya kaso wala naman. Nakita kong nagiinit na pala siya ng mainit na tubig.

"Gising ka na pala!" She smiled genuinely, I smiled back at her.  Naghilamos muna ako ng mukha bago ko siya nilapitan.

"Yeah, ang aga mo namang nagising." Lumapit na ako sakanya at tumabi sa inupuan niya.

*Boogsh*

Ano yon? Tatayo sana ako ng bigla niya namang nilagay ang kamay niya sa balikat ko.

"Ipagtitimpla na kita ng kape, gusto mo?" Pang-aalok niya saakin.

"Ye-yes please..." Kumuha na nga siya ng dalawang cup.

Pinagmasdan ko na lamang siya sa ginagawa niya.

"Ahm... Kim?" Pag aagaw ko sa kanya ng atensyon. Sht ang ganda niya talaga!

"Ma-may sasabihin sana ako sayo." Lumapit ako sakanya. Tinitigan ko siya sa mga mata niya. Nginitian niya lang ulit ako. Pero parang may kulang. Sasabihin ko na sana sakanya ng biglang may umepal.

"I---"

"Good morning to the both of you! Anong almusal natin?" Sabay stretching pa ng kamay niya. Panira naman ng moment ng bwesit na ito! Nanlaki naman ang mata ni Kim dahil sa presensiya niya.

"Ka-kailan ka pa nakarating dito?"

"A-ahh haha, kagabi lang. Hating gabi na kami nakarating kaya siguro tulog na kayo ng mga oras na yon. Di mo ba kami nakita nong pagbaba mo kanina? Haha.  We are so lucky to reach this island with no hassle." Sabay hilamos nito ng tubig sa mukha.

"We? So nandito rin sila?"

"Yep! I can't travel with that long hours by myself! Haha!" Sabay tayo nito sa pintuan.

"Ahh haha ganon ba, wala pang almusal, maya maya magluluto na rin ako ng makakain natin. Gusto mo rin ng kape?"

"Yes please."

"Nathan, hindi ba't may sasabihin ka pa?"

"Ahh wala na. Haha" sabay kamot ko ng batok ko. Tumalikod na siya saakin at pumunta na siya sa Ref.

Roadtrip Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon