Narrator's Perspective:
(Imagine that you're the one of the characters of this story)
"SARAAAAAH!" sabay sabay na saad ng magkakaibigan at bigla namang nawalan ito nang malay. Biglang bumagsak ang babae sa sahig, nataranta bigla ang magkakaibigan sa pangyayaring iyon.
"Sarah?! Sarah?! Gising!" Habang niyuyogyog ang dalaga. Natataranta naman ang dalawang babae sa nangyari sa kanilang kaibigan. Di nila alam kung ano ang dapat nilang gawin. Hindi nila mapigilang hindi sila mag-alala sa kalagayan ng kanilang kaibigan.
"Tubig oh, painumin mo siya bilis!"
"Ano kayang nangyari sa kanya?! Bakit ang dami niyang pasa?". Maiyak-iyak na saad ng dalagang si Michelle, itinakip niya ang dalawang kamay niya sa bibig upang mapigilan ang ingay sa pag-iiyak. Isiniksik naman ni Kim ang kanyang sarili sa gilid ng cabinet. Umiyak ito ng umiyak habang nakahawak ito sa kanyang ulo.
Binuhat bigla ni Vince ang nakahandusay na babae. Maingat na inilagay niya ang dalaga sa sofa. Bigla namang natigil sa pag-iiyak si Kim at biglang tumingin ito ng masama sa mga kasamahan nito. Nakaramdam naman ng kakaiba si Michelle at hindi sinasadyang nahagip ng mata niya ang masamang tingin na galing kay Kim. Napaatras ang dalaga habang tinitignan si Kim. Bigla namang ngumiti ito ng nakakaloko ang dalaga sa kaibigan nito. Paatras siya ng paatras. Bigla namang kinilabutan si Michelle at pilit na kinakalabit nito ang katabi ng di inaalis ang paningin kay Kim.
"Michelle! Wag ka ngang makulit diyan! Kita mo ng may nangyari kay Sarah!" sabi ng kapatid nito sa dalaga. Hindi parin ito tumitigil sa pagkakalabit dito sa kapatid.
"Michael, Michael!" nanginginig na pagkasabi ng dalaga sa binata, bigla niyang hinahablot ang damit ng batilyo upang bigyan siya ng pansin nito.
"Ano ba!?" mahinang saad ng binata. Tinuro naman ng dalaga ang kanyang tinitignan. Nanginginig namang itong itinuturo kay Kim. Tinignan naman ito ng binata ang tinuturo ng dalaga na naiinis.
"What the heck!?" malakas na pagkasabi ni Michael, napaatras naman ang binata at naging sanhi ito upang makuha ang atensyon ng kanilang kaibigan. Kakaiba ang aura ng kanilang kaibigan sa ipinapakitang kinikilos. Bumubulong ang dalaga habang nakatingin ito sakanila ng masama. Tumayo naman ang dalaga at biglang yumuko ito. Dahan dahan namang lumapit si Nathan kay Kim.
"Nathan!? Don't do that! Stay away from her!" Mahinang sabi ni Michelle sa kaibigan ngunit di niya ito pinansin.
"K-kim?" kinakabahang tanong nito. Di parin ito lumilingon sa kanya.
"Ki----"
"Nathan!!!" biglang sinakal ang binata ng dalagang si Kim habang tinataas ito gamit ang isang kamay lamang. Tumakbo bigla ang mga kasamahan nito para awatin ang dalaga. Nawawalan na ng hiningi si Nathan sa higpit na pagsasakal dito.

BINABASA MO ANG
Roadtrip
HorrorBakasyon. Barkada. Trahedya. Ito ay Rated SPG. Striktong patnubay ng magulang ang kailangan. ※◎ H I A T U S ◎※