Chapter 6

45 9 4
                                    

6. Crypticedro

Harper

7:59pm

"Si Harper ba 'to?" tanong ng babaeng nasa kabilang linya.

"Yes." sagot ko. "Seraphina?"

"Wow! Natandaan mo pala boses ko."

Hindi ako sumagot.

"Uy, harper andyan ka pa?" tanong niya. "Oo nga pala, nakuha ko ang number mo kay Yuhan. Ka group mo siya sa English, kung hindi mo alam."

"So why did you call?" sinadya kong ipahalata sa boses ko ang pagka irita.

"Uhmm, nabalitaan mo ba yung nangyari kay Ms. Alcantara?"

Ms. Alcantara? The guidance councilor?

"What about her?"

"Alam ko nakakatawang tignan pero, hindi kaya pinaglalaruan tayo ng killer?"

"Alam mo, Sera," I sighed. "Kung tumawag ka para magkaroon ng kadaldalan, I'm sorry but I'm not available. At isa pa, hindi ako interesado. Walang killer, wala."

Ayoko sa mga feeling close. Tulad nga ng sinabi ko, wala akong interes sa pakikipag kaibigan kahit kanino sa Montedro, at walang exception doon.

Ibababa ko na sana ang call nang bigla siyang magsalita. "Wait, Harper! Nasa labas ako ng bahay niyo."

"What?"

"Oo, alam kong hindi ka interesado, pero ako? Oo. Please give me a chance Harper. Desperada na anong malaman kung sino ang killer."

I sighed.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong bumababa sa hagdan ng nakabihis. Nakita ko naman si Sera na nasa baba. Mukhang pinapasok siya ng isa sa mga pinsan ko.

"So what about now?" bungad ko sa kanya.

She flashed a smile. "Sumama ka muna sa akin ngayon."

Kunot noo ko siyang tinignan. Sasama? Bakit?

Bago pa ako makapagtanong ay nagsalita na siya. "Pupunta tayo sa burol ni John."

John?

Wait, 'yon ba yung kaklase naming mataba? Si John Paul?

Mukhang nabasa niya ang iniisip ko kaya marahan siyang tumango. "Pagkatapos, sa burol ng adviser natin."

"Huh?" hindi ko mapigilang bulalas. "Saan mo nabalitaan 'yan?!"

Hindi siya sumagot. Sa halip, hinila niya ang kamay ko at tinungo naming dalawa ang papunta sa burol ni John.

UMALINGAWNGAW ang mga palahaw at hagulgol sa loob. Nakita ko ang nanay niya na nakaluhod sa harapan ng kabaong at ibang kamag-anak. Nang igala ko ang tingin ko ay nakita ko rin ang ilan sa mga taga Montedro na nakikiramay.

"Umupo tayo doon." ani Seraphina sabay upo sa sulok sa bandang likod. Nagtaka tuloy ako sa kilos niya. Bakit kaya dito niya pa gusto?

Nang maka upo na kami ay inilabas ni Sera ang kanyang cellphone mula sa bulsa. Tumingin siya sa akin. "Maniwala ka o hindi, Harper, pero hindi coincidence ang lahat. Alam kong merong rason...kung bakit nawala sila!"

Sandali siyang tumingin sa cellphone niya at mukhang may kung anong kinakalikot sa loob. Habang ginagawa niya 'yon ay idinako ko ang paningin ko sa kabaong ni John. Bakit ito saradong buo?

"Ito." muli akong napatingin kay Sera. "Merong hidden website ang Montedro, at dito nakalagay ang lahat ng mga updated news nila. Dito nagaganap ang mga ipinagbabawal, recruitments, fraternity, at meron namang good side na making friends. Dito nagkakaroon ng socialization ang site na ito."

Stuck in the MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon