Chapter 7

34 5 6
                                    

7. Who knows

Harper

"O-okay, tutulungan kita." paga-assure ko kay Sera. Seeing someone cry is my weakness. Wala naman sigurong mali kung kakaibiganin ko siya, maybe it's better to have at least one.

Let's say, gagawin ko siyang exception.

"H-harper." Sera looked at me.

"Bakit?" tanong ko.

"Alis na tayo. Punta tayo kay Ms. Eula." aniya at biglang tumayo.

Teka, hindi ba kami magdadasal para kay John?

"Sera, pray muna tayo for John." I said. Napatigil naman siya.

"S-sige."

Umupo kami at nagdasal ng taimtim para kay John and for peace. Kita ko ang bahid ng lungkot at pagdurusa ng mga taong nasa harapan, lahat sila, for sure ay mga ka-close ni John...hay, bakit ba nangyari ito?

Matapos naming mag-alay ng dasal ay nagtungo na kami kay Ms. Eula, ang adviser namin. Tulad ng inaasahan, marami ang tao kahit madaling araw na at karamihan dito ay mga galing sa Section A. Sabagay, siguro ito ang favorite na turuan ng mga teachers.

Karumal-dumal din ang pagpatay kay Ms. Eula kaya siguro sarado rin ang kanyang kabaong doon, na kasalukuyang dinadagsa naman. Nakakalungkot isipin. Kahit gan'on siya at ang turing niya sa amin, kahit minsan ay pinagbabantaan siya--wait.

Pinagbabantaan?

Naalala ko bigla iyong sinabi ni John nang makaalis si Ms. Eula sa room namin right after deciding about School Festival. Binantaan niya ito na puputulan niya ng dila si Ms. Eula, hindi ba?

A shiver ran down my spine. Coincidence lang ba na sinabi iyon ni John but at the same time ito ang cause of death ni Ms. Eula?

Napatingin ako kay Sera. Kasalukuyan siyang nakatingin sa kawalan at tila may iniisip.

Kinalabit ko siya. "Sera-"

"H-harper tapos ka na ba magdasal?" nauutal niyang tanong. Weird. Sera gets weird and weirder.

I just shooked my head. Matapos kong magdasal ay umalis na rin kami. Next na pupuntahan namin ay si Ms. Alcantara.

Pagkarating namin doon ay naging unusual ang atmosphere. Napatingin ako sa relo ko. It's four in the morning already, ramdam ko na rin ang pagka-bangag ko. I should get some rest after this.

Pagtapak namin ay nakita kong kaunti lang ang mga bisita. I wonder why, siya ang naibalita sa TV but it seemed na kaunti lang din ang bumisita.

Well, unlike John and Ms. Eula, siguro nga mas marami silang bisita. Mas marami silang nakakahalubilo sa Montedro, pero ang Guidance Councilor ay nakakahalubilo ang mga estudyanteng bulakbol o di kaya'y syempre, basically, naga-guidance lang.

Sera walked closer to the coffin. Nakasarado rin ito. Sinundan ko siya at nakita kong nagdasal siya kaya nagdasal din ako para kay Ms. Alcantara.

After few minutes of praying, napatingin ako kay Sera. I heard her quiet sobs at nakita ko rin ang panginginig ng balikat niya...she's crying.

"Sera?" I asked.

She didn't reply. Instead, umupo siya muli sa sulok na bahagi ng silid na iyon.

Marahil dahil sa dami ng pangyayari ay nadala na rin si Sera. Maging ako, gusto ko iyakan ang mga nangyari. Eventually, kusa tayong nalulungkot at bumibigay sa mga pangyayaring kahit di tayo gaanong konektado, basta nagpapalungkot sa madla, ay nakakapagpalungkot na rin sa atin.

I slightly patted Sera's back. Gusto ko siyang i-comfort but I'm not that good at it.

"Harper, tulungan mo akong hanapin ang salarin, please.." muli niyang sambit sa akin.

Tumango ako. Naaawa ako sa kanya, sobra. Seeing her cry as if she's really in a deep pain, parang nararamdaman ko na rin ang sakit na nararamdaman niya.

Out of a sudden, she hold my hand. Naramdaman ko na naman ang panlalamig niya habang nanginginig ito.

"Harper, satingin ko alam ko na kung paano natin mahahanap ang salarin na ito.." aniya sabay tayo at hila sa akin papunta sa labas.

"How?" I curiously asked while intently looking at her.

"Close your eyes," mahinang sambit niya. "Sleep."

Sa mga sandaling iyon, nakaramdam agad ako ng bigat sa talukap ng aking mga mata at awtomatikong napapikit ang mga mata ko.

"Harper!" narinig kong umalingawngaw ang boses ng isang batang babae.

Nevah?

"Halika, samahan mo ako." hinila niya ang kamay ko at dinala ako sa kung saan.

Saan ako dadalhin ng batang ito?

Sa isang iglap, binalot ng kadiliman ang paligid. Darkness, again.

Umihip ang malamig na hangin sa aking balat.

"Here we are!" napatingin ako sa nasa harapan ko. Isang Guidance room. Tinignan niya ako ng kakaiba.

"Go and ask for my twin."

Short update. Sabaw haha

Stuck in the MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon