Chapter 8

26 5 1
                                    

8. Darkness

Harper

Binuksan ko ang pintuan sa Guidance Room at bumungad sa akin ang pigura ni Ms. Alcantara na kasalukuyang nagsusulat sa ibabaw ng kanyang desk. Isang Record Book, iyon ang nakita kong sinusulatan niya.

Nang mapansin niya ako ay umayos siya ng upo. "Anong maipaglilingkod ko sa'yo, hija?" tanong niya sa akin.

Kumurba ang ngisi sa labi ko at naramdaman ko ang matulis na patalim sa likod ko. Si Nevah. Inaabot niya sa akin ang isang maliit na  kutsilyo na may kataliman ang dulo.

Kinuha ko 'yon at isinilid sa bulsa ko. Nakatutok pa rin ang mga mata ko sa nakakunot-noong mukha ni Ms. Alcantara.

"Excuse me ma'am," I said while walking closer. "May irereklamo lang po sana ako.."

"What is it...miss?" tanong niya.

Hindi ko sinagot ang tanong niyang tila inaalam ang pangalan ko.

"May bata po kasing nawawala," I looked at Nevah who's smiling at me. "Hinahanap niya po kasi yung kambal niya."

Ms. Alcantara frowned at me. Marahil nagtataka siya kung bakit iyon ang tinanong ko.

Hindi ko rin alam kung bakit.

"W-well baka may guardian siya na naghahanap na sa kanya ngayon. May I know her name? Para ma-contact ko yung mga nandito pa sa loob."

Napadako ang tingin ko sa bintana. Madilim na pala sa labas.

"Nevah." diretso kong sagot.

Bahagyang nanlaki ang mata niya. "I-I'm sorry? Papasukin mo na lang yung bata." aniya.

Napansin ko agad ang pamumutla ng mukha niya habang sinasabi iyon. Lalong lumawak ang ngiti ko.

"Ayaw niya eh." kusang gumalaw ang kamay ko at dinukot ang kutsilyo na isinilid ko kanina sa aking bulsa.

"Ayaw niya?" pag-uulit niya sa tanong ko.

"Ayaw niya sa mga sinungaling."

Agad kong inilabas ang kutsilyong bigay ni Nevah at ipinakita iyon kay Ms. Alcantara. Akmang sisigaw na siya subalit tinakpan ko ang bibig niya ng kamay ko.

"Don't make any noise, Guidance Councilor ka pa naman!" I laughed.

Impit siyang tumitili habang nakatakip ang kamay ko sa kanya. Nakakairita ha?

Gusto ko sanang patagalin ang pagdurusa niya pero mukhang makulit ang isang 'to.

Hinila ko ang buhok niya ng mahigpit at tinutok ang patalim sa noo niya.

"Liars go to hell."

Ididiin ko na sana ang kutsilyo nang makarinig ako ng ilang yabag ng mga paa papunta dito. Rinig ko rin ang bangayan nila na palakas ng palakas.

Ilan segundo lang ang lumipas ay nakumpirma ko nga ito. May dalawang taong pumasok sa loob na pamilyar sa akin.

"Wala kang modo!-" napatigil si Ms. Eula sa pagsasalita at napatingin sa amin.

Kapwa silang nagulat nang makita ako. Marahil dahil sa pwesto ko at ng kamay kong nananakit kay Ms. Eula.

Bwisit naman. Mga panggulo.

"Anong kailangan niyo?" I smiled sheepishly, mimicking Ms. Alcantara's voice.

"A-anong ginagawa mo?!" Ms. Eula shouted at the top of her lungs.

Stuck in the MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon