Chapter 10

29 4 0
                                    

10. Ignis

Oreo

"Benjamin, pagbuksan mo yung kumakatok!" sigaw ko kay Atticus na kasalukuyang nanunuod ng TV.
Nandito kasi ako sa kusina, I'm busy cooking.

"What the fuck, bro? Benjamin?!" rinig kong himutok niya sa tinawag ko sa kanya. Pinigilan ko naman ang sarili kong tumawa sa reaksyon niya.

"Just open the door and see who's there, Ben-"

"Oo na, oo na!"

Napailing na lang ako at tinuloy ang paghihiwa ng sibuyas.

Ilang sandali lang ay nakita kong naglalakad na si Atticus palapit sa akin na nakabusangot ang mukha. Inilapag niya ang isang envelope sa ibabaw ng ref which is malapit lang naman sa akin.

"Para kay Harper." aniya at pumanik na rin agad.

I nodded.

Hmm, para kay Harper? Sino naman kayang magbibigay ng sulat para sa pinsan kong 'yon?

Well, that's her life.

Ipinagpatuloy ko na lang ang paghihiwa ng sibuyas nang makaramdam ako ng kakaiba sa likuran ko.

"Ay pvta!" nasugatan ko yung sarili ko, fuck.

"Sorry. Nagulat yata kita." malamig na sambit ni Harper sa likod ko.

Wait. Si Harper?

"Oy, saan ka galing, weirdo?" tanong ko sa kanya bago siya makaalis. The last time I saw her is kaninang madaling araw. Umalis siya bigla eh.

Hinugasan ko ang kamay ko na nasugatan ng kutsilyo.

"Dyan lang."

"Anong dyan lang?" nilingon ko siya at muntik na ulit akong mapamura sa mukha niya.

Don't get me wrong, hindi siya panget.

"Anong nangyari dyan sa mukha mo?" tanong ko. Pinunasan ko agad ng tuyong bimpo ang kamay ko at lumapit sa kanya. Hinaplos ko ang pisngi niya dahil may bakas doon ng luha.

"Wala." sagot niya sabay alis sa kamay ko.

Sungit.

"Ang weirdo mo talaga." I hissed. "Bakit ka umiyak? Sino nagpa-iyak sa'yo?"

"Ang kulit, wala nga-"

"Ano?! Umiiyak si Harper?!" napatingin kaming dalawa sa pinanggalingan ng boses. Si Atticus. "Sino?! Sinong umaway sa'yo?!"

Tinakpan ni Harper ang magkabilang tenga niya. "Pwede ba? Tantanan niyo ako! Wala! Walang umaway sakin."

"What's with the commotion?" napatingin ako sa taas. Si Ignis.

Great, si Aica na lang ang kulang.

"Ito kasing si Harper bibeh, umiyak daw." sabi ni Atticus kaya agad siyang hinampas ni Harper.

"Sinabing hindi nga ako umiyak!"

"You're really a weirdo, aren't you? Halata na nga, dinedeny mo pa." singit ko.

Tinapunan niya lang ako ng masamang tingin.

"Aakyat na ako." sabi niya at pumanik na sa taas. Dinaanan niya lang din si Ignis.

"Ang taray talaga ni bibeh." komento ni Atticus bago umalis.

Nagkibit-balikat lang naman sa akin si Ignis.

No, I don't think mataray si Harper. She's just...weird.

"Kanino 'yang sulat?"

Ay. Oo nga pala. May sulat si Harper.

"Kay Harper. Pwede mo ba ihabol sa kwarto niya?"

Umiling si Ignis. "Do it yourself." tsaka siya umalis.

Mas weirdo pala 'tong si Ignis.

Kinuha ko na lang ang sulat para kay Harper at umakyat na sa kwarto niya.

"Harper. May sulat ka nga pala." sabi ko sabay lapag ng envelope sa sahig. "Buksan mo na lang yung pinto. Alis na ako." baka masunog pa yung niluluto ko e.

Bumalik na lang ako sa kusina at nagtaka ako nang makita kong nawawala na naman yung kutsilyo.

Napa-iling na lang ako at kinuha ang isa ko pang reserved na kutsilyo.

Harper

Walang gana kong binuksan ang pintuan ko at pinulot ang envelope.

To: Harper
From: Dtctvc Bookstore Inc

"Ahh." sambit ko na lang. Umupo ako sa paanan ng kama ko at binuksan iyon.

I almost ripped the envelope.

To my new employee,
     Hindi ko na gagawing formal ito, Ms. Harper. I'm expecting to see you at exactly 7pm on Monday. I adjusted the time for your working hours since you're a student pa pala. So it will be 7pm-2am and your day off is Tuesday. Hoping to see your hardwork then, Ms. Harper.
                                  -Allen

Isinilid ko ang sulat muli sa loob ng envelope at itinago iyon sa cabinet ko. Napahiga ako sa kama ko at napapikit na lang.

Oo nga pala, may part time pa ako.

Paano ko pagsasabayin ang paghahanap sa pumatay kay Sera at Ms. Alcantara?

How am I able to seek for their justice?

Bahala na.

"Ate Harper?" narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. I'm pretty sure that it's Aica since siya lang naman anh tumatawag sa akin ng Ate although I'm older than Ignis and Atticus.

"Bukas." walang gana kong sambit.

Bumukas naman ang pinto at nakita ko nga si Aica na nakangiti ng...malungkot? She immediately closed to door at tumabi sa akin. Dala niya ang kanyang tablet.

"What's the matter?" I asked.

"Bakit parang matamlay ka, ate?"

I sighed. Naalala ko tuloy ang nangyari recently.

"Stress lang para sa darating na School Fest, Aica, hehe." I managed to smile.

Mukhang kumagat naman siya sa sinabi ko.

"Ikaw? Bakit ang lungkot ng ngiti mo?"

"Ate Ignis is hiding something in her room kasi." she looked down. "Diba promise natin dati na walang taguan ng secrets?"

Aww. Poor her, mukhang hindi pa siya nakakaharap sa realidad na lahat kami, lahat ng tao, may sikretong tinatago.

"Maybe ate Ignis needs privacy, right." di ko mapigilang maipahalata sa boses ko ang tamlay.

Naalala ko na naman tuloy si Sera. I always use this kind of tone to her back then.

"Hindi naman kasi lahat pwedeng sabihin, eh." dagdag ko pa.

Aica just nodded.

"Ano ba yun?"

"Hmm, she's hiding something sa DSLR niya, eh. Sabi niya it's not suitable for me daw."

I slightly laughed because of her tampering. "Edi bawal nga sa'yo."

"Why? Hindi ba ako pwedeng manuod ng videos mo, ate Harper?"

Napawi ang ngiti ko sa tanong niya.

"What do you mean?" I asked.

"Nasa video ka po kasi, eh." napangiwi siya. "Sabi niya, pelikula mo daw po yun...kaso rated SPG!"

Stuck in the MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon