Chapter 11

17 4 0
                                    

11. Who's the killer?

Harper

"SPG?"

Sumakit bigla ang ulo ko. Napatingin ako kay Aica na marahang tumatango sa akin.

Spg? Wala naman akong kahit anong scandal ah. Tsaka si Ignis? Sa akin? Hindi naman 'yon magkakaroon ng interes sa buhay ko, eh.

"I'll talk to Ignis later." sabi ko na lang kay Aica at kuminang naman ang mga mata niya.
"But if that's really private, hindi mo talaga mapapanuod." she pouted her lips.

"IGNISIATTEA!"

I shouted at the top of my lungs. Hindi niya kasi binubuksan yung pinto, kanina pa ako kumakatok.

"Harper, bakit mo ba kasi kinukulit? Malamang nagbabasa 'yan ng some weird shits, kaya ayaw magpa-istorbo." Oreo retorted.

Hindi ko siya pinansin. "Ignis open this damn door!"

"Ano ba 'yan, ang ingay bibeh."

"Will you two just go to your rooms?!" napipikon kong sambit sa kanilang dalawa but they both shooked their heads.

"We can't sleep because of you."

I sighed. Oo nga pala, anong oras na. I looked at Ignis's door. Ayaw niya pa rin buksan. Wait.

Nilagpasan ko sina Oreo at Atticus at dire-diretsong lumabas ng bahay. Naramdaman ko namang sinundan nila ako but I didn't care. Pumunta ako sa likod ng bahay at sinilip ang bintana sa kwarto ni Ignis.

Nang makita kong madilim ang kwarto niya at bukas ang bintana ay napailing ako. I heard Oreo's shouts but hindi ko siya pinakinggan and trailed off. Umakyat ako sa puno na nagko-konekta malapit sa bintana ni Ignis to take a peek.

And when I'm right there, pinasok ko ang loob ng kwarto niya na nagpatayo agad sa balahibo ko.

"Ignis?" I called out.

Iginala ko ang mga mata ko sa loob ng silid subalit walang bakas ni Ignis akong nakita. Narinig ko naman sina Oreo at Atticus at ang kanilang mga yabag na patungo sa kwartong ito.

Binuksan ko agad ang pintuan sa kwarto ni Ignis--at hindi ako nagkamali, hinahangos si Oreo at Atticus na nakatingin sa akin.

"Where's Ignis?!" I asked, frustrated. They both frowned at me naman.

"Wala ba siya d'yan?" Atticus hissed and get inside the room of Ignis.

Sinundan siya ni Oreo.

"I'll find her. Baka hindi pa siya nakakalayo." sabi ni Oreo na sinundan ni Atticus. Lumabas sila ng kwarto at nang silipin ko sila sa bintana ay tumatakbo na sila para hanapin si Ignis.

Sabi na nga ba, may kakaiba talaga eh.

"Ate Harper, what are you doing?" napatingin ako sa may pinto. Si Aica pala.

I shooked my head. "Bakit gising ka pa?" I asked, "Matulog ka na, may pasok pa bukas." she nodded and get inside her room naman agad.

Binuksan ko ang iaw sa kwarto ni Ignis to prevent any scary thoughts running in my mind. Ano ang laman ng kwarto ni Ignis? Meron siyang bookshelf na ang laman ay puro libro ng katatakutan, at ang iba naman ay mga may Mystery/Thriller na genre, at CD's na horror din.

May posters ding nakadikit sa pader niya na creepy anime. Hindi ko nalang tinignan kasi nakakatakot yung itsura.

Based on Ignis's room, she's really into creepy stuffs. She's a fan of this. Nakakatakot. Weird. Parang sunako lang. Close enough, pero buti walang skeletons o creepy models dito.

Iginala ko pa ang mga mata ko, looking for evidences kung paano nakaalis si Ignis pero mukhang malinis. I mean, Ignis is a short girl. Mas mahaba ang legs and arms ko kumpara sa kanya kaya madali akong nakapasok sa kwarto niya just by connecting the branch to her window. Kaya imposibleng makaalis siya ng bahay basta-basta. Isa pa, naka-locked ang pintuan kanina, inalis ko lang n'ong lumabas ako. One more thing, si Oreo at ako lang ang mayroong spare keys sa bahay since Ignis, Atticus and Aica is younger than us.

In short, sa amin lang ni Oreo ipinagkatiwala ang mga susi sa bahay. We don't give then the keys, either. Never been since then.

Napatigil lang ang mga mata ko nang malipat ang tingin ko sa isang bagay na nakalagay sa bandang ilalim ng kama niya. I can still see it dahil medyo nasa dulo ito and visible when in light, exception ang madilim syempre.

Isang DSLR.

Lumapit ako dito at pinulot ito. Ito yung sinasabi ni Aica na DSLR na may laman daw ng pelikula kong rated SPG. I almost laughed at that joke na maaaring pampakagat lang ni Ignis but that's weird, using my name pa talaga?

Kinalikot ko ito and luckily, I found the switch button. Nag-on ito pero hindi ko na alam ang next step. Kaya ayun, nagkalikot ulit ako hanggang sa may napindot akong button sa lower part na nag-view ng gallery.

Ilang lipat lang ang inabot ko. A-apat lang ang laman ng gallery. Pero lahat iyon, kinilabutan ako.


Two pictures, two videos. At ang isang picture ay isang babaeng nakatalikod na sinasakal ang principal, at ang isa ay ang paglalagay ng kumukulong tubig mula sa shower kung saan nakalublob si Ms. Alcantara sa bath tub. Same back of the girl.

Nagtayuan ang mga balahibo ko sa videos. Ano 'to? Bakit may babae, at bakit nasa guidance room? What's really inside Ignis's DSLR?

Kinakabahan man ay pinindot ko ang play.

Nag start ang vid. May isang babaeng nagdadabog na kinalampag ang mesa ng principal--oo nga! Principal naman 'yon! Who's her? Nakasuot siya ng pajamas na-

"This is mine!" nanunuyong lalamunan na sambit ko.

Akin yung pajamas na suot niya!

I closed my mouth to prevent producing sounds. I might wake Aica if I keep on mouthing what's running in my head.

Nakita kong sinasakal niya na ang principal namin--WAIT! ITO YUNG NAPANUOD KONG VIDEO SA LINK SA EMAIL!

Nanlalaki ang mata ko, bakas ang gulat. What's this?! What's the meaning of this? Bakit si Ignis meron nito?

Siya ba ang nagkalat ng video?

Thoughts are playing in my mind with confusion but I kept on playing the video. Same happenings, at same position ng pagvi-video.

Kinakabahan man ay pinlay ko pa ang kasunod na video. All I can see is a back of a girl who's wearing a school uniform same as mine. Ano 'to? Ano ba ang meron sa video na 'to? And why is the girl scolding Ms. Alcantara?

Ito ba ang video ng pagpatay kay Ms. Alcantara?!

Bakit meron nito si Ignis?

Pero nagulat na lamang ako sa mga sumunod na pangyayari. Biglang lumabas si John at Ms. Eula sa video at kapwa pa sila nagulat nang makita ang babae. Shit, shit, shit. I cursed to myself. Who's the girl behind this video? At bakit...bakit niya pinapatay sila?!

Pinagmasdan ko ang itsura ng babae. I stared at her for a moment, while she's laughing out loud while killing John. Nasa ibabaw siya nito! Bakit?!

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ko magalaw ang kamay at paa ko and only my eyes can move. I repeatedly cursed to myself dahil sa nangyayari sa akin. I am paralyzed!

But the paralization was gone when I saw the girl behind the killings...

It was me.





Stuck in the MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon