Thom.
Malakas ang pagbagsak ng ilang mga bola dito ngayon sa gym at maraming nagkukumpulang mga kalalakihan. Susubukan ko kaseng magtry outs para sa green archers.
Simula kase noong nakilala ko ang babaeng yun, ginanahan akong mapabuti ang sarili ko kaya naisip ko na pwede na rin tong basketball, makikita ko kaya si Arra ulit?
Nalate ako sa first class ko kaya mamaya pagkatapos ng practice ng Basketball at Volleyball ay kailangan kong magaayos dito sa gym. Okay lang naman yun para sa'kin. Sanay na rin kase ako sa gawaing bahay.
"Torres, Tomas Christopher." Ako na nga pala ang sasalang.
Parang PBA All star ang format ng tryouts, unang una ang obstacle course, three point shoot out at panghuli ang All Star game.
Nagsimula namang pumito ang coach kayat dinrible ko ang bola habang lumiliko sa ilang harang na standees, pagkatapos ay pinaumpok ko ito sa isang wall na kinuha ko naman mula sa likod, inexecute ko rin ang bounce pass at chest pass para matapos ang huling maze.
"10.7 seconds!" mas mabilis ko itong natapos kumpara sa mga naunang magtry outs. The perks of being a point guard ika nga. Mabilis, maliksi at sanay ng umiwas sa mga harang.
Pumunta naman ako sa gitna ng gym para sa three point shootout. Dito kase may tig lilimang bola sa kaliwa kanan at gitna at paramihan ng maishshoot mula sa three point line.
"17!" okay naman ang naging score ko. Average kumbaga. Pumunta na ako sa gilid upang maghintay sa all star game.
"Uy! Bro ang galing mo kanina ah!" Nagulat ako nung lumapit sa akin ang isang matangkad na singkit. Eto pala yung pinakamataas na nakapuntos sa 3 point shootout, Si Teng.
"Nako, hindi ah! Mas magaling ka pa rin idol!"
"Lul! Banong bano nga ako sa obstacle course kase di naman ako sanay na pinagdadala ng bola." Napatawa naman kami dun. Natagalan nga siyang lumusot sa ilang screens doon. Guards kase ang nagdadala ng bola. Siguro forward to si Teng. "Narinig ko nga pala na paniguradong makukuha ka, Tol. Congrats!"
"Di pa naman sigurado. May All Star Game pa." sabi ko na lang.
"Speaking of, tara na. Magsstart na ata."
Magkagrupo pala kami ni Jeron para sa larong to kaya mas lalo akong naexcite, atleast mapapasahan ako ng bola diba?
Pumito na agad si coach at team namin ang nakakuha ng unang bola, at una ring pumuntos mula sa isang layup yung kateam ko. Nagpalitan naman ng puntos hanggang sa may 30 segundo na lamang ang natitira ng ideklara na ang koponan naming panalo dahil sa 15 points na lamang. Nakipag apiran naman kami at asaran na mas lalo pa kaming magpapakitang gilas pag natanggap kaming member.
"Thomas, may pupuntahan ka ba pagkatapos?"
"Wala naman, Teng. Maglilinis pa kase ako pagkatapos ng practice ng volleyball. Parusa dahil late sa first day first class. Hahaha!"
"Jeron na nga lang e! Baliw. Sabay na lang tayo bro, hihintayin ko kase girlfriend ko, sa volleyball team rin."
Tinanguan ko na lamang siya at pumunta kami sa practice ng Lady Spikers. Pinakilala naman agad ni Jeron ang girlfriend niya, Si Mika. Pamilyar ang mukha niya dahil siya yung nakita kong kasama ni Ara dati na nakapixie cut. Akalain mo yun, small world.
"Uy teka ipapakilala ko sainyo bestfriend ko dito." umalis siya ng saglit. "Daksss! Arabells!! Eto nga pala si Thomas tapos eto naman yung boyfriend ko na si Jeron."
"Hi!" tipid naming sabi ni Jeron kase nakayuko siya at di pa rin tumitingin samin.
"Jeron, Tom, si Ara...Ara Galang. "
"Hello sainyo! Sorry mahiyain talaga ako." sagot niya tapos tinabunan uli ang mukha niya. Hindi naman siya ganito dati ah? Sa katunayan nga isa siya sa mga pinkabibong bata dati sa puder ng mapanakit na Loan Shark na yun.
Ara....ano kaya ang nangyari sayo sa nakalipas na sampung taon?
BINABASA MO ANG
Uncoventional And Disturbing (ThomAra)
RandomThomas Tores enters De La Salle University with a baggage of his dark past, he then reconnects with former childhood friend Ara Galang who seem to have changed throughout the years. Time changed them both yet feelings still remain the same, or do th...